Chapter 6: Bothering
—ERIN DE SILVA—
"So, do you want it spicy or nah?"
"Maanghang."
"Okay Hugo will get the order for us... Ah! After classes. Do you have plans or what?"
"May sideline ako mamaya."
"Sayang. I know this resto near West Ridge and it's really great. What do you think? Ikaw Ego tara hang out. My treat."
Napatitig na lang ako sa tatlong lalaki na kaharap ko ngayon habang nakaupo sa cafeteria ng school.
Kung nagtataka kayo. Mas nagtataka ako.
ರ_ರ
Lalo't higit nasa iisang table kami ngayon habang nasa school. Mabuti na lang at hindi dito nagaaral si Shinichi. Kung hindi, mas lalo nang gumulo ang buhay ko.
Kanina pa kami pinapasadahan ng tingin ng ibang mga estudyante. Dahil bukod sa maingay si Kiyfer ay nakakagulat na bigla bigla na lang kaming maguusap sa school out of nowhere. Fyi, 2 weeks kaming hindi nagkita simula nang magumpisa ang school year. At kahapon lang naman kami nakapunta ng open area ng Central District.
Plus the fact na anak at apo ng politician ang mga kasama ko.
Si K na anak ni Atty. Adastre na tumatakbo bilang Mayor. Si Edrigo na apo ng Konsehal na close din kay Attorney. At si Hugo na anak ng matagal nang driver ng pamilya nila K.
"Ikaw Erin. What do you think?" Sabay ngiti nito sa akin dahilan para idiin ko ang pagkakakagat sa aking labi.
"May sakit ka ba?" Tanong ko dito at napalingon na lang din si Ego at Hugo sa kanya dahil sa sinabi ko. "Kanina ka pa kasi daldal nang daldal."
Agad itong ngumiti sa akin na para bang tuwang tuwa sa sinabi ko.
ಠ ͜ʖ ಠ
Krazy anak ni Attorney.
"You know ,friends hang out all the time. And so are we." Bulong nito dahilan para kilabutan ako.
Ano bang mayroon sa lalaking 'to! Parang siraulo lang.
Hindi ko alam kung saan na lang nanggaling ang shades nito at bigla na lang n'ya itong sinuot sabay ngiti na naman sa akin.
ರ_ರ
Siraulo amp.
。。。
"Excuse daw kay De Silva. Pinapatawag po s'ya sa room ng Broadcasting Club." Tawag ng isang sophomore kaya't inexcuse ko muna ang sarili ko bago nagtungo papunta sa BC.
Baka may ipapaayos lang na files sa akin.
Malapit na ako sa room ng Broadcasting Club nang makuha ang atensyon ko nang tatlong papalapit na lalaki na naglalakad papalapit sa direksyon ko.
Nakacellphone ang dalawa habang ang lalaki sa gitna ay nakashades kahit na wala namang kaaraw-araw.
Mabuti na lang at suot ko ang glasses ko ngayong araw kaya't agad kong naaninag kung sino ang mga ito.
ಠ ͜ʖ ಠ
Ano na naman bang katarantaduhan ang binabalak ng mga 'to.
Nakita ko kung gaano kalaki ang pagkakakaway ni Kiyfer sa akin na nauuna ng bahagya sa lakad. Sa taranta ko ay agad akong napatakbo sa Club room na para bang hinahagad ako ng mga asong ulol.
Isasarado ko na sana ang pintuan nang mag humarang dito. Kakabahan na sana ako kasi namukhaan ko ito.
"Akala ko kung sino." Sabi ko kay Dani na para bang nakahinga ng maluwag. Script writer namin na chix.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Roman pour AdolescentsThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...