Chapter 24: What a Day
—ERIN DE SILVA—
Pilit kong pinapakalma ang sarili lalo na nang mahuling nakatingin ito sa akin habang ang professor ay nasa harapan at nagpepresinta ng slides ng PPT n'ya.
Saglit kong binalingan ng tingin at binulungan ang anak ni Attorney na nasa tabi ko.
(●'◡'●)
"Wag mo akong titigan pls." Pakiusap ko dito pero parang hindi naman ito nakikinig sa akin o sa kahit na sino. "K naman."
Napahawak na lang ako sa sintido nang lalo lang ako nitong pagkatitigan at tumagilid pa ito ng upo para mas makita ng maayos ang mukha ko.
At dahil dito ay lalo lang tuloy akong nailang lalo na nang mapansin ko na nakatingin na din sa amin ang iba ko pang mga kaklase.
AAAAAAAAA! Bakit ba kasi naisip pa nitong makisit in sa klase ko ngayon.
o(≧口≦)o
Nangako pa man din ito sa prof na makikisit in s'ya pero hindi ako nito guguluhin basta ba hayaan lang s'ya na katabi ako.
Which is hindi naman nasunod dahil kapag hindi nakatingin ang prof ay panay ang titig nito sa akin kaya't huminga muna ako ng malalim bago kuhanin ang kamay nito at itago sa ilalim ng desk.
Hindi talaga ako makapagconcentrate sa pakikinig sa nasa harapan dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa akin. Nakakahiya kaya at nakakataranta. Isa pa, hindi naman s'ya basta-bastang tao lang kaya't ganito na lang din ang epekto niya sa akin.
Idagdag mo pa na anak s'ya ng tatakbong Mayor sa lugar namin. Sige isipin mo.
"Bibitawan ko 'yang kamay mo pag tiningnan mo pa ako." Banta ko dito na agad n'yang ikinalingon sa harap.
Ramdam ko ang gulat at pagkatahimik nito dahil sa ginawa ko dahilan para ikinahinga ko naman ng maluwag pero hindi lang lalo naalis ang mata n'ya sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan ang bahagyang silipin ang mukha nito at nakita na nagpipigil s'ya ng ngiti.
(;ŏ﹏ŏ)
Ang cute potecc. Pero kahit na, hindi pa din ako makapagaral nang maayos dahil sa kan'ya. Bakit ba kasi s'ya ganito!
Pero sa wakas naman ay hindi na ako tinititigan nito. Hindi lang ako mapakali kasi pinaglalaruan nito ang kamay ko sa ilalim ng desk kaya't hindi ako gaanong makapag concentrate sa mga pinagsasabi ng professor sa harapan.
Hirap na hirap ang kalooban ko dahil ang cute ng pagkakalaro ni K sa kamay ko. At the same time, gusto kong makinig sa nasa harapan pero talaga namang hirap na hirap ako at nahahati ang utak ko sa kung saan ba dapat ako magcoconcentrate.
Jusmiyo Attorney. Ang landi-landi ng anak n'yo. Bakit ba ganito 'to.
━┳━ ━┳━
"Baby, can we go on a date later?" Bulong nito sa akin na bahagya pang lumapit sa akin.
Gusto kong matawa kasi nagpapaalam pa ito na para bang manghihiram s'ya ng laruan sa akin.
Ugali talaga ni K ang magpaalam muna bago ang lahat.
"Anong date. Magtimpi ka sa inyo. Malapit na ang eleksyon." Saway ko sa kan'ya dahil sa balak n'ya.
Kung bibilangin mo din kasi ay halos isang linggo na lang bago ang eleksyon at mas lalo lang nagiinit ang partido nila Attorney Adastre laban sa partido ng mga Pantaleon dahil noon pa man ay alam na ng lahat kung gaano kadumi ang kampanya ng mga Pantaleon.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...