Chapter 5: At The Area
—ERIN DE SILVA—
Napatitig na lang ako sa phone ko habang naghihintay.
Ang tagal. Ang tagal tagal amp.
ಠ‿ಠ
Ang usapan ay alas dos pero magaalas tres na ay wala pa rin dito si Kiyfer kaya't ganon na lang ang pagkabagot naming dalawa ni Shinichi.
Kanilang bahay naman ito pero s'ya pa 'tong late sa usapan. Habang kami ng pinsan ko ay walang hiyang nakiupo ng prete sa salas nila.
"Saan pa ba nagpunta 'yon?" Reklamo ng kasama ko dahilan para mapailing na lang ako.
Bigla na lang bumukas ang pintuan sa bahay nila kung saan tapat na tapat sa salas at kung saan kami nakaupo ng pinsan ko.
( ̄﹏ ̄;)
"Yeah! I know! Jologs ng pormahan ano? Akala mo—WHAT THE FREAK!"
Sabay sabay na natigilan ang tatlo habang nakatingin sa amin. Si Kiyfer na nakashades kahit na walang araw, at 'yung dalawa n'yang kasama last month.
"Gosh, I almost forgot na pinapunta ko pala kayo dito." Sabi ni Kiyfer habang nakahawak sa noo.
"46 minutes kang late. For your information, Adastre. Time is gold. Kapag sinabing 2 pm, dumating ka at least on time kung hindi mo kaya ng 10 minutes ahead the call time. Wag kang ignorante. Hindi ka special." Banggit ko dito dahilan para saglit na matahimik ito.
"Can you just chill?" Mahinahong sabi ni Kiyfer sa akin.
"Magchill ka na talaga today dahil hindi ka na makakapagpahinga pag nagstart na tayo sa isang araw."
Napailing na lang ako bago tumayo at iabot dito ang paper bag na may lamang mga kakanin na binalot ni Inay.
Saglit n'ya itong pinagkatitigan bago pa man abutin kaya't nginitian ko ito lalo pa nang maramdaman ko na nagaalangan s'yang tumingin sa akin.
"Pinsan ko, si Shinichi." Pakilala ko sa kasama ko na ang sama lang ng tingin sa kaibigan ni Kiyfer.
Naalala ko na naman 'yung engkwentro nila nung nakaraan.
(︶^︶)
"Edrigo. But just call me Ego." Maiksing banggit sa akin nung maputing englishero na nakaaway ni Nichi habang hindi manlang tinitingnan ang pinsan ko.
Magsasabunutan na ata ang dalawa nang biglang tumawa ng pagkalakas-lakas 'yung isa sa likod.
"HAHAHAHA! Bakit ang tahimik HAHAHAHAHA." Sabi nito sa amin dahilan para sabayan ko s'ya ng tawa.
S'ya itong umawat kay Edrigo at Shinichi last month na akala mo ay hindi s'ya belong sa group of friends na ito dahil mukhang s'ya lang ang may maayos na ugali sa kanila.
I mean hindi ako sure kung naiiba ba talaga s'ya sa kanilang dalawa pero for now, yun na nga.
"Hugo Valdez HAHAHAHA." Tawa pa rin nang tawang sabi nito kaya't ginanantihan ko ito ng tawa.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...