Chapter 4: Change of Heart
—ERIN DE SILVA—
Magdadalawang linggo na matapos magumpisa ang school year. Hindi ko din naman agad namalayan na pasukan na dahil na rin siguro sa schedule ko.
Umiikot lang ang buong linggo ko sa bahay, sa pagtuturo, sa Café de L'ouest, sa restobar ni Kuya Jian at kung minsan naman ay dinadamay ako nila Mommy sa mga sidelines nila.
At sa dalawang linggo ko rito sa West Ridge; oo dito na talaga ako pumasok dahil gusto rin naman nila Mommy at Inay na dito ako magkolehiyo. Isa pa, full scholarship ito kaya go na talaga.
ಠ_ಠ
Aarte ka pa ba.
Anyways, sa dalawang linggo ko rito ay nadagdagan pa ang schedule ko.
Nakasama ako sa Broadcasting Club ng West Ridge, Assistant Bookkeeper din ako sa library for extra credits.
Medyo hectic sa schedule pero okay na din. May mga free time pa rin naman akong natitira kaya manageable naman kahit papaano.
Pero sa kabila nang paglalagi ko rito sa West Ridge ay never ko pang nakita o nakasalamuha ang anak ni Attorney na alam ko namang dito nagaaral.
Well, thank you dahil hindi ko na kailanman pa nakadaupang palad ulit ang mga lalaking 'yon. However, nakakapagtaka lang talaga dahil hindi na muling nagkrus ang landas namin. Maging na rin sa kahit na sino sa dalawa niyang kaibigan.
Hah! If i know, nahiya 'yon dahil sa sinabi n'ya na hindi afford ng mga tulad ko ang ganitong klase ng school.
¯\_ಠ_ಠ_/¯
Edi wow sayo! Scholarship exam pa lang, na-ace ko na. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganon na nga.
Igaya mo naman ako sayo.
"Kakatapos lang ng klase mo ay dito na naman kita makikita?" Bungad sa akin ni Shaun pagkarating ko sa Café de L'ouest.
Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'to dito. Talaga namang mas nauna pa s'ya kaysa sa akin.
Simula kasi nung nakaraang buwan ay lagi na naman s'yang kung saan-saan nasulpot. Hindi ko tuloy alam kung may kailangan na naman ba sa akin 'to o ano.
"Walang babae dito." Paunang sabi ko sa kan'ya bago isuot ang apron at uniform ng cafe.
"Grabe ka babes, alam mong ikaw lang ang babae ko." Halos malukot ang mukha ko sa pagkakasimangot dahil sa sinabi nito.
(ㆆ_ㆆ)
"Mandiri ka nga."
"Arte naman." Reklamo n'ya sabay tuktok ng barya sa counter.
"Bawal manlimos dito."
"Grabe Erin! Ang sama ng ugali. Sumbong kita kay Mommy mo e." Nakangusong sabi nito dahilan para magmukha s'yang bisugo.
"Ang pangit mo. Wag kang magpabebe." Saway ko dito bago pumunta sa counter. "Iced tea ba?"
"Oum." Tipid na sagot nito. Kaya nagkaka-UTI e, ginagawang tubig ang iced tea.
Habang kinukuha ko ang order n'ya ay napansin ko ang kanina pang pabalik-balik nito ng tingin sa phone n'ya kaya't binato ko ito ng barya.
"May babae ka na naman noh?"
"Wala ah! Ikaw talaga."
"Sus, 'yan din 'yung sinabi mo noon e." Paalala ko rito.
Napailing na lang ako. Kung may award lang siguro ang pagiging babaero ay humakot na ng maraming medal itong si Shaun.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...