Chapter 23

112 4 0
                                    

Chapter 23: That Apo ni Konsehal

—ERIN DE SILVA

Pareparehas naming hindi namalayan ang panahon at malapit-lapit na din ang botohan kaya't madalas na busy si Attorney nitong mga nakaraang araw. Edi ang ending, sa akin na lang lagi sumasama itong anak n'ya. 

Dahilan nito ay wala naman s'yang kasama sa kanila kaya ni-ultimo pagkain lang ng agahan, tanghalian at hapunan ay sa amin pa ang punta n'ya para manggulo at tumambay. 

Which reminds me of Shaun na matapos ang engkwentro sa cafe ay hindi na nagpakita pa sa akin o nanggulo man lang sa bahay o kay Inay na nakasanayan n'yang gawin dati pa lang. 

"INAY! I HAVE SOMETHING FOR YOU!" Halos mapatakip ako sa tainga dahil sa sigaw ng anak ni Attorney na kararating lang at dere-deretso pa ng takbo papunta sa kusina. "I BOUGHT YOU A WINE!" 

Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa dalawa. Lagi nang dinadalhan nito ni K ng kung ano ano si Inay. Lalo na ng wine o ng mga mamahaling alak na hindi ko alam kung saan n'ya pinagkukuha. 

ಠ_ಠ

"Kainaman ka naman talaga, bakit ba palagi ka nang may dalang kung ano-ano kapag pupunta dine." -Inay.

"Of course Inay, you know how special you are to me." -K. 

"Kunyari ka pa e 'yung apo ko lang din naman ang special sa iyo." 

At dahil sa sinabi ni Inay ay ganon na lang ang panlalaki ng mata ko at nagkatitigan pa kaming dalawa ni K bago ito tumawa. 

"Inay, I'm hungry na." Pagbabago nito sa usapan na tinitigan lang ni Inay bago dalhin sa kusina. 

Palagi na akong inaasar ni Inay dito sa anak ni Konsehal matapos nyang magpaalam na liligawan n'ya ako. 

Although dati pa man ay nangaasar na si Inay dahil nga maitsura raw itong si K pero mas lumala na lang ngayon lalo pa at naaayon ang lahat sa kagustuhan ni Inay. 

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil sila lang naman ang nagkakaintindihan lagi. At madalas pa na pinapairal ni K ang kalandian n'ya kahit na andiyan si Inay. 

Hindi ko na inisip 'yon at nagpunta na lang sa kusina para tingnan silang dalawa. 

"I bought something for you." Bulong ni K sa akin habang nakatalikod at nagsasandok si Inay ng kanin. 

"Ang gastos mo. Bili ka na naman nang bili nang kung ano-ano." Saway ko sa kan'ya. 

Nito kasing mga nakaraan ay panay din ang bigay ni K sa akin ng kung ano-ano. 

Hindi ko na nga pinagtatanggap pa ang iba dahil alam ko na galing pa ito sa allowance n'ya at mukhang ang mamahal talaga ng mga binibili nito pero sadyang matigas ang ulo nito ni K dahil lalo lang itong bumili nang bumili. 

Naalala ko tuloy 'yung salamin na binili namin sa optical nung nasira 'yung salamin ko. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng dugo kapag naaalala ko 'yung presyo non.

(ㆆ_ㆆ)

"It's for you so it's fine." Abot tainga ang ngiting sabi nito sa akin at humalumbaba pa sa mesa para sana titigan ang mukha ko nang humarap si Inay dahilan para mapahiwalay ito. 

(~ ̄(OO) ̄)ブ

Ayan. Ang landi-landi kasi. 

"Kumain na muna kayong dalawa." Sabi ni Inay bago iabot ang kutsara at tinidor sa amin. 

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now