Chapter 20

98 6 0
                                    

Chapter 20: Over?

—ERIN DE SILVA

Saglit kong pinagkatitigan ang nakalukot na mukha ni K na mukhang magdidikit na ang dalawang kilay bago ko pinitik ang kan'yang noo.

"Ouch, you're hurting me."

Nanlaki ang mata ko sa pagiinarte nito at halos masuka rin ako sa pagpapabebe n'ya.

ರ_ರ

"Kainin mo 'yung gulay. Wag kang maarte." Puna ko dito.

"Kasi naman, I told you we could eat at the restaurant. But you insisted na we have dinner here... at the rooftop? Seriously Erin?" Reklamo nito sa akin bago humalukipkip.

ಠ,_」ಠ

Madalas talaga nakakagigil 'to. Mabuti na lang talaga at medyo may kahabaan ang pasensya ko.

"Kakain ka ba o hindi?" Nakasimangot na tanong ko rito.

"Kakain." Nakangiting sabi nito bago magtuloy muli sa pagkain nang tingnan na naman ako nito. "It's hard to eat when you're staring at me. Naiinlove ka na ba sa'kin?"

"Gusto mo bang isumbong kita sa Daddy mo."

"You can. Dad knows about us naman."

"Anong about us—"

"He knows I'm planning to court you."

ರ_ರ

Ano daw?

"Ha?"

"I'll be courting you." Paguulit pa nito sa akin.

Hindi ko alam kung magugulat ba ako o ano dahil sa sinabi nito. Pero hindi ko na napigilan ang mapahawak sa bibig.

"Bakit mo ako liligawan?! May gusto ka ba sa akin!"

"Stop playing dumb, Erin. Anyways, I'll still be formally courting you. Ipagpapaalam pa kita kay Inay, sa Mommy mo atsaka sa Daddy mo so no pressure. Save your answer." Derederetsong sabi nito kaya't tumalikod ako ng bahagya para pumikit at huminga.

Omg paano n'ya nasasabi 'yung mga ganon! Ang daming kapal ng mukha at lakas ng loob ang meron 'tong anak ni Attorney para ligawan ako!

PERO AAAAAAAAAA LILIGAWAN AKO?! OMG ITO NA BA ANG FEELING NG LILIGAWAN?!

KALMA LANG ERIN, CHILL. WAG KANG MAHAROT!

(• ▽ •;)

Sinulit ko na ang pagngiti ko habang nakatalikod dahil ayaw ko naman itong ipakita sa kan'ya.

Aminado naman akong crush ko ito lalo pa at nakita ko na 'yung soft side n'ya. Kaso s'yempre, hindi naman ako umasa na magkakagusto din ito sa akin. Lalo pa at hindi naman naging maganda ang umpisa naming dalawa dahil sa pinsan ko at kaibigan n'ya. 

At isa pa, hindi ako makapaniwalang pormal na panliligaw pa ang gagawin nito dahil mukhang hindi naman ito ganong klase ng tao kung titingnan mo.

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now