Chapter 29

97 5 0
                                    

Chapter 29: Late Night Date

-ERIN DE SILVA-

"This is your blanket, this is the remote for the TV, then this is the remote for the air conditioner, and you can call me if you need anything. Or if you're gutom, or you like---"

"K, okay lang ako." Paaala ko dito nang malunod ako sa samut-saring paalala at bilin nito sa akin na hindi ko na halos maintindihan dahil sunod-sunod.

(。_。)

Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga nito habang napapapikit pa.

Matapos kasi ng hapunan kanina ay umuwi na sila Ego at ipinadala naman kay Kuya Sachi ang mga gamit ko dahil gaya nga ng napagusapan, dito muna ako sa mansion nila Attorrney habang hindi pa natatapos ang halalan

Hindi naman kasi ako katulad ni Dani na tatay ng Colonel at may mataas na seguridad sa bahay kaya eto ako ngayon, sa bahay na muna nila K ako makikistay.

Hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil masyadong pressured at maasikaso si K sa akin simula pa kanina.

Sa tantya ko ay naiisip pa rin n'ya ang biglang pagkadukot sa akin ng tatlong araw kaya't parang hindi ito mapalagay kahit pa magkasama naman na kaming dalawa mula pa kanina. 

Alam ko na hindi ito mapakali kaya't imbis na matutulog na sana ako ay pinili ko na lamang na  isara ang pintuan kung saan sana ako papasok kanina dahilan para magtaka ito.

"Where are you going?" Takang tanong nito sa akin habang hawak ang kumot na inaabot n'ya kanina.

"Date tayo." Deretsong sagot ko na ikinatigil n'ya.

( ̄﹏ ̄;)

"Wait, are you serious? We can't go out."

"Sino bang nagsabi na lalabas tayo?" Sabay taas baba ko ng kilay dito bago hawakan ang kamay nito at hilahin papunta sa kabilang hall.

Gabi na pero hindi pa naman ganon kalalim ang gabi kaya't buhay pa ang buong bahay dahil hanggang ngayon ay may tinatapos pa ring trabaho si Attorney at ang mga kasamahan nito. Maging ang mga katulong sa loob ng bahay ay gising pa din at nagsisilbi pa sa kanila.

"Where are we heading to?" Takang tanong nito pero hindi ko ito sinagot bagkus ay nagpalingon-lingon muna ako sa paligid at nang masiguradong wala namang makakakita sa amin ay derederetso ko itong hinila papuntang study room.

"May klase ka ba bukas?" Tanong ko sa kan'ya bago magtungo sa study table kung saan ko s'ya tinuturuan dati at hinanap ang laptop n'ya.

"None."

Kita ko pa rin sa mukha nito ang pagtataka kahit na panay naman ang sagot nito sa mga tinatanong ko sa kan'ya.

"May projector ka diba?" Tanong ko sa kan'ya at mukhang nagets naman nito ang gusto kong mangyari dahil bigla bigla na lang lumapad ang ngiti n'ya at nawala na halos ang mga mata nito dahil sa sobrang pagkakangiti.

"I'll get us some foods first." Mabilis na sabi nito bago kumaripas ng takbo palabas ng study room.

Napailing na lang ako dahil mukhang mas excited pa ito kaysa sa akin.

( ̄ 'i  ̄;)

I mean hindi ko naman na ipagkakaila na namiss ko s'ya dahil sobrang tagal talaga sa pakiramdam nung tatlong araw namin ni Dani sa Maragondon dahil para kaming naghihintay na may magpapatakas sa amin don.

Atsaka wala akong ibang makita bukod sa pagmumukha ni Dani na palagi na lang akong tinatarayan. 

Isa pa, nasanay kasi ako na lagi kong kasama itong si K sa kahit saan ako magpunta tapos bigla bigla na lang ay madudukot ako nang hindi ko inaasahan.

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now