Chapter 28: Official
—ERIN DE SILVA—
"Thank you for your cooperation, we will investigate this matter. But still, we can't release a warrant of arrest sa kampo ng mga Pantaleon as we still have to investigate this matter thoroughly. Hangga't on going pa ang imbestigasyon, we cannot terminate his candidacy."
"Maraming salamat din po." Sabi ko sa pulis habang si Dani naman ay yumukod dito.
"We will assure you that we will stay patient until the end of the investigation." Pormal na paghingi ng pasasalamat ni Attorney bago maunang umalis ang mga pulis sa bahay ni Attorney.
Hapon na nang matapos ang interrogation sa amin.
First time nangyari sa akin 'to kaya medyo napressure ako at kinabahan. Pero mabuti na lang at nasabi na namin ang lahat ng pwede naming sabihin.
Nang makaalis na ang ang mga pulis ay bigla akong naconscious nang maalala na magkakasama kaming nakatayo sa may front door.
Si Inay, si Mommy, si Daddy, si Attorney, Colonel Reys at si Dani.
Hanggang sa nagulat ako nang biglang yumukod sa akin ang tatay ni Dani!
(☉。☉)!
"S-Sir ano pong ginagawa n'yo!"
"I would like to thank you for accompanying my daughter. What can I do for you?"
Halos manlaglag ang bibig ko dito kaya't pinanlakihan ko ng mata si Dani dahil sa ginagawa ng tatay n'ya.
"Hindi na po! Parehas po kaming nasa ganoong sitwasyon kaya ko ho ginawa 'yon. Hindi ko rin ho siguro alam ang gagawin ko kung nagkataong hindi ko s'ya kasama don." Umiiling ang ulong sabi ko rito.
"Hindi n'yo na ho kailangang gawin 'yon." -Mommy.
"Kailangan 'yon." -Inay.
"Nay naman." -Daddy.
"But still, I would like to express my gratitude and repay you for your kindness." Pagmamatigas nito at mukhang desidido talaga s'ya sa mga sinasabi n'ya habang si Dani naman ay bumulong sa akin ng 'let him be.'
Napabunot ako ng malalim na hininga dahil sa palagay ko ay walang balak si Colonel na pagbigyan ako sa pagtanggi ko kaya naman tumango na lang ako.
"Ipapaalam ko po sa inyo kapag may naisip na ako." Sagot ko dito at hindi ko inaasahan na gagantihan ako nito ng ngiti.
"Dad can I talk to her for a minute before we go?" Paalam ni Dani sa Tatay n'ya.
"Go ahead, take your time."
Gaya nga ng sabi ni Dani ay gusto n'ya akong makausap kaya't lamabas kami ng mansion at nagtungo sa open garden ng bahay nila Attorney.
"Hey." Tawag nito na ikinalingon ko sa kan'ya.
ರ_ರ
Shuxx, maldita mo pa rin bakla.
"Oh?" Ganti ko dito pero lumingon s'ya sa akin bago ako irapan. "Hoy attitude ka. Ikaw kaya nagrequest na kausapin ako---"
"Thanks."
Tila ba may dumaang bagyo dahil nadama ko ang katahimikang idinulot ng sinabi nito.
"Ha?"
"Bingi mo. Hindi ko na uulitin 'yon." Inis na banggit nito sa akin.
"Awwwww!" Kunyari'y kinikilig kong sigaw na ikinasama lalo ng timpla ng mukha n'ya.
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...