Chapter 34

95 5 0
                                    

Chapter 34: Visit

—ERIN DE SILVA—

Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi nang mahagip na naman ng mata ko ito. Hindi ko alam kung mabibwisit ba ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko pero napapikit na lang ako. 

"Argh. Ang kapal ng mukha ko para manghiram ng kotse kay Dani." Inis na bulong ko sa sarili. 

~( TロT)σ

Oo, nanghiram ako ng kotse kay Dani. Makapal na kung makapal ang mukha pero wala naman na akong ibang naiisip na paraan. 

Naalala ko naman kasi bigla 'yung sabi sa akin ni Colonel nung andun kami sa mansion nila Mayor. Na pwede daw akong humingi ng pabor sa kanila kung darating ang araw na kailanganin ko ito. 

Ang sabi pa ni Dani ay pagbibigyan ako kahit na ano pa man ang hilingin ko. Naisip ko, baka kapag hindi pa ako humingi ng pabor kina Dani at sa Tatay nito ay tanawin nila ang utang na loob habang buhay. 

KAYA ETO AKO NGAYON OO! KINAPALAN KO NA ANG MUKHA KO.

X﹏X

Hindi ko naman alam na 'yung mamahaling kotse pa ni Dani ang ipapahiram n'ya sa akin. ANG SABI KO 'YUNG NORMAL NA KOTSE LANG E! 

Bakit naman itong mamahalin pa ang ipinahiram n'ya sa'kin. 

TT__TT

Ilang sandali pang hinayaan ko ang sarili na magmaktol dahil hindi ko talaga matanggap na kailangan ko ang kotseng 'to. Pero kailangan ko talaga s'ya... 

Kailangan ko 'to kaya papanindigan ko 'to. 

Nang bahagya na akong mahimasmasan ay pikit mata akong pumasok sa sasakyan bago magtungo sa bahay nila Mayor para sunduin ang anak n'ya. Pero pagkarating ko don ay nakita ko itong nakasalampak sa salas at tulalang nanonood ng cartoons. 

(ノへ ̄、)

Anong nangyari dito, the fudge. 

"K." Pagtawag ko dito. 

"Hmmm..."

"K." Paguulit ko pa pero nanatili lamang itong tulala at para bang sabog na sabog. "Kiyfer." Sabay hawak ko pa sa mukha nito at tsaka ko lamang nakuha ang atensyon n'ya. 

"Oh? Baby what's up?" Lutang na tanong nito sa akin. 

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan 'yang itsura mo? Mukhang hindi ka nakatulog ng ilang araw. Ang pogi pogi mo pa nung Jam Night, e nung isang araw lang 'yon." Puna ko dito pero nanatiling sabog lang s'ya. 

"Bakit? Anong meron sa'kin?" Tanong nito pabalik na ikinalaglag ng panga ko. 

( ╯□╰ )

Jusko anong nangyari dito? 

Dahil pa rin ba ito sa nanay n'ya? 

"May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong ko dito habang marahang hinahaplos ang mukha nito. 

Hanggang sa hindi ko na nga natiis ang itsurahan nito kaya't pilit ko s'yang itinayo mula sa pagkakaupo at itinulak papunta sa kwarto n'ya. 

"HINDI PWEDENG GANYAN NA LANG ANG ITSURA MO. MAGBIHIS KA. AALIS TAYO." Determinadong sabi ko dito pero parang tinatamad lang ito at handa nang magreklamo sa akin. 

"Come on baby, let's just stay here." 

"Isa..."

"Let me just hug you all day." 

"Dalian mo na, magbihis ka na." 

"I love you." 

"Anak ng tinapa." Pigil ang inis na bulong ko habang pinipigilan ang karupukan ko. "Oo na, alam ko na 'yon pero magbihis ka na muna." 

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now