Chapter 13: Him and Him
—ERIN DE SILVA—
"Mukha kang bangkay. Do you not have any skincare?"
"Mukha pa rin akong tao so no thanks."
"Yan, Broadcasting club pa."
Napailing na lang ako kay Edrigo dahil sa pangaasar nito.
Andito ako ngayon sa Restobar ni Kuya Jian dahil Friday na naman at may gig kami. Actually katatapos lang namin sa harapan kanina at nagkataon na andito na naman si Edrigo.
"Pakalat-kalat kayong tatlo, bat kayo ganyan." Iiling iling na sabi ko dito habang dumudukot ng fries.
Fries n'ya.
( ̄﹏ ̄;)
"Nah, we're always together. Sadyang madalas lang din kayong magkasama ni K. Plus it's kinda boring at home. Lolo's busy, so is Attorney. Hoy ha, wala akong pinagsabihan na dito ka nagtatrabaho." Pagdadaldal nito.
In fairness naman kay Edrigo. Dumadaldal na din kahit papaano. Improvement yarn.
乁 ˘ o ˘ ㄏ
Napasandal na lang ako sa upuan bago makidukot ng chips sa plato nito.
Ang yaman talaga ng isang 'to. Ang daming umorder ng pagkain.
"Nastress ako kahapon." Banggit ko dito bago uminom ng kaonting beer.
"Club?"
"Oo. Para akong nasa oven."
"Huh?" Takang tanong nito kaya't dumakot akong muli ng chips.
"Pinagiinitan." Tatawa tawa kong sabi dito na mukhang pinagisipan pa n'ya at ilang saglit lang ay nagets na rin n'ya ito.
Binigyan ako nito ng isang hilaw ng ngiti bago uminom ng beer.
"Was it Daniella?"
"Oo."
"Hay. She can be unreasonable at times." Iiling iling na sabi nito sa akin. "Was it that bad?"
Napanguso ako bago isipin kung mabigat nga ba ang pagiinit ng dugo ni Dani sa akin.
"Medyo?"
"What did she do?"
"Pinapaulit n'ya lagi 'yung script samin. O kaya palagi n'ya akong uutusan. Tapos pababalikin n'ya rin ako kasi may mga mali raw sa ginawa namin. Ang sa'kin lang naman kasi, may time pressure kami, may sariling task din ako tapos dadagdag pa s'ya." Hilaw ang ngiting sabi ko dito.
"Pansin na rin namin na mainit nga ang mata n'ya sa'yo." Sabi nito sabay tango ng slight. "Baka nagseselos."
ಠ ل͟ ಠ
Selos amp. Pinagsasabi na naman ng balugang 'to.
"Anong selos. Sira ka ba."
YOU ARE READING
That Anak ng Mayor
Teen FictionThat anak ng Attorney who's running for the Mayor na laging naka shades kahit walang araw. A bossy friend. Tamad at sakit sa ulo. With this "feeling superior sa lahat ng students dahil may power" vibe kaya wala talagang nalapit sa kanya. Then sudd...