Chapter 30

85 6 0
                                    

Chapter 30: Before the Election

—ERIN DE SILVA—

Matapos ng balitang nalaman namin kanina ay umalis na sila Attorney, Colonel Reys at Counselor Batungbakal upang asikasuhin ang issue at maging ang halalan bukas. 

Naiwan kami nila Dani, Hugo, Edrigo, at K sa malaking bahay nila Attorney dahil pare-parehas kaming inabisuhan na wag na munang pumasok. Hindi daw magandang ideya na pumasok kami sa campus nang ganito ang balita. 

Lalo na kaming dalawa ni Dani. Kami na lang ang laman ng balita at social media simula pa kaninang umaga. 

Nahahati ang opinyon ng mga tao sa statement. Ang iba ay hindi naniniwala sa kampo ng mga Pantaleon habang ang iba naman ay nakuha ng kabilang panig ang simpatya nila. 

Sinabihan din kami na huwag munang sasagot ng mga tawag at chat ng kahit sino. At ang pinakamagandang gawin daw sa ngayon, ay ang wag gumawa ng kahit ano. 

"Darn that old man." Galit na bulong ng anak ni Attorney na katabi ko ngayon kaya't tinapik ko ito ng marahan sa kamay. 

"Mas galit ka pa kaysa sa amin ni Dani." Pangaasar ko dito. Pero sa totoo lang ay kanina pa din kami hindi mapalagay ni Dani.

Simula pa kanina ay pare-parehas kaming hindi makapagumpisa ng sasabihin. Maliban na lang kay Hugo na trying hard magopen ng topic dahil takot ata ito sa katahimikan.

Mabuti na lang at nagpasya si Edrigo na buksan na lang muna ang malaking TV at manood ng Netflix dahil obvious naman siguro na kami ang laman ng local channels ngayon. 

Muhang sinusubukan ng lahat na ibusy ang sarili sa panonood kaya't sinubukan kong tumayo dahil kanina pa kami hindi umaalis sa upuan namin. Nang hilahin ni K ang kamay ko. 

"Where are you going?" 

"Titingnan ko lang kung may makakain tayo. Mukhang na istress talaga kayo ng husto dun sa balita kanina e." Halos pabulong kong sabi dito. 

"I'm going with you." Pilit ang ngiting sabi nito sa akin na hindi ko naman na kinontra dahil alam kong masusunod pa din ang gusto n'ya kahit na anong sabihin ko. 

Hindi pa man kami nakakarating ng kusina ay naramdaman ko na agad ang kamay nito sa akin! 

Agad akong nakaramdamn ng kilig at kaba at the same time na para bang kinikiliti ang kalamnan ko habang nanlalamig ang mga kamay ko. 

May iba pa kayang tao sa mansion bukod sa aming dalawa haler. 

つ﹏⊂

Sasawayin ko sana ito kaso hindi ko na nagawa nang makita ko ang itsura nito. Bakas sa mukha n'ya ang pagaalala at kalamlaman kaya naman hinayaan ko na lang ito sa kaharutan n'ya.

"Gutom ka na ba?" Malambing kong tanong sa kan'ya pero umiling lang ito sa akin. Sa halip ay tumungo ito bago paglaruan ang kamay ko. 

Hindi ito nagsalita kaya't hinayaan ko lang ito na paglaruan ang kamay ko. 

Alam ko na mas hindi mapalagay si K kaysa sa amin dahil sa balita pero kumpyansa naman ako na matatapos din ito dahil andiyan si Attorney at ang mga kasama n'ya. 

Sinubukan kong ngumiti bago tapikin ang kan'yang pisngi. 

"Wag mo na 'kong masyadong alalahanin. Ha?" Pakiusap ko rito pero hindi ito sumagot kaya naman idinungaw ko na ang mukha ko sa kan'ya. "Kiyfer." Pagtawag ko pa rito. 

"Are you really fine?"

"Syempre hindi ako entirely okay, pero wala naman tayong magagawa. Kaya wag ka na masyadong magdamdam. Mahirap kapag parehas tayong hindi okay." Nakangiting sabi ko dito. "Sige na, tawagin mo na sila. Sabihin mo kailangan nating kumain. 

That Anak ng MayorWhere stories live. Discover now