KABANATA 2

185 30 18
                                    

Pumasok na ang magkakaibigan sa loob ng mansion. Pagka-apak palang nila sa loob ay nanindig na ang kanilang mga balahibo.

"AHHHHHHHHH!" sigaw ni Anna dahilan upang tumigil sa paglalakad at lingunin siya ng mga kaibigan niya.

"What is wrong with you?" Mataray na saad ni Jamaica.

"C-can you g-get what's on my hair? Something is crawling," Nauutal niyang sambit.

Tumawa si Zac. "It's just a spider Anna. Don't tell me you are afraid of this little insect." Panunuksong saad ni Zac habang kinukuha ang gagamba sa buhok ni Anna.

"I am not afraid of that sh*t nagulat lang ako," Depensa ni Anna sa sarili niya.

"Nagulat daw pero makasigaw wagas," Natatawang saad ni Jane kaya inirapan siya ng isa.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa umabot na sila sa isang malaking silid.

"Dito ang master's bedroom mayroon ditong dalawang kama. Pinadagdagan kasi ng may ari ng isa pang kama sa loob sapagkat malaki naman ang espasyo ng kwarto," Salaysay ng matanda. "Ikaw hijo pwede ka sa isang kwarto na katabi lang nito. Hindi kasi maaari na makasama mo ang iyong mga kaibigang babae sa iisang kwarto."

"That's okay with him manang. Besides some of our friends are also coming here. We are just waiting for them," Saad ni Jamaica kaya tinignan siya ng mga kasama.

Tumango naman ang matanda. "Maaari niyong gawin ang mga nais niyo pero iisa lang ang ihahabilin kong batas. Huwag na huwag ninyong papakialaman ang mga sulat na nasa loob ng aparador na nasa sala. Sapagkat ipinagbabawal iyon," Paliwanag niya kaya nagsitanguan ang magbabarkada.

Pagkatapos nilang mag usap usap ay pumasok na sila sa kwarto. Sumunod sa kanila si Zac sapagkat dala niya ang maleta ni Jade.

"Hey Jam, whom are you referring to na susunod dito?" Tanong ni Jane kay Jamaica.

"Kristof and his friends," Sagot sa kanya ng kaibigan.

"What?! And why did you invited them!" May halong inis na sambit ni Anna.

"Why Anna? Ayaw mo bang makasama si Kristof?" Nakangising tugon ni Jamaica.

"You know what happened to us right. And I don't want him to be here. Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking dahilan kung bakit muntik ng masira ang friendship natin." Saad ni Anna at lumabas ng kwarto.

"What the heck on earth are you thinking Jam?" Tanong ni Jane at hinilot ang sentido.

Umismid naman si Jam at hindi na nagsalita.

Anna and Jane are mad at Kristof. Because that guy courted the two of them. Halos sabay pa, muntikan na nila itong sagutin subalit nalaman nila ang tungkol doon kaya nagalit sila sa binata.

Sa labas ng kwarto ay naisipan ni Anna na mag ikot ikot sa bahay. Hanggang sa nakarating siya sa sala.

Namangha siya sa desinyo nito. Magmula sa mga antigong upuan, antigong banga, mga picture frames, old cabinets at higit sa lahat ang lumang grandfather's clock.

Pagkatapos niya doon ay pumunta naman siya sa kusina. Kumpleto ang mga kagamitan dito. Puro rin mga antigo. May dirty kitchen pa sa likurang bahagi ng bahay.

Wala sa sarili niyang binuksan ang ref.

"WAHHHHHHHHH WHAT THE F*CK!" sigaw niya dahilan para magsitakbuhan ang mga kasamahan niya papuntang kusina kung nasaan siya.

"What happen Anna?" Takang tanong ni Jane.

"F*ck, f*ck, f*ck." patuloy na pagmumura niya at lumayo sa refrigerator.

Napatingin naman ang mga kasamahan niya sa loob. At halos masuka sila sa nakita nila.

Puro mga ipis at patay na daga ang nasa loob. At subrang baho pa nito. Wala sa sarili namang sinara ni Zac ang ref.

"Why did you open that ref ba?" Tanong ni Jade.

"I don't know. Out of freaking curiousity," Tanging sagot lang ni Anna.

"I'll go look for that old woman. Maybe we can ask her to clean that ref," Saad ni Jamaica kaya tumango ang mga kasama niya sa kanya.

Inalalayan naman nila si Anna dahil parang natutulala parin ito. Samantalang si Jade ay nasa likod lang nila at malalim ang iniisip.

Naglakad na sila papuntang sala habang si Jade ay nagpaiwan sa kusina.

"Ako nga ba ang totoong mahina?" Mahinang sambit niya at binuksan ang ref. "Arti!"

Ngisi siyang sumunod sa mga kasamahan na nakaupo na sa sala. Padabog siyang umupo sa gitna ni Zac at Anna kaya napausog ang dalawa.

Ilang sandali ay bumalik na si Jamaica kasama ang care taker ng bahay.

"Pasensya na kayo ha. Hindi na kasi natignan ng asawa ko ang ref. Paralisado na kasi siya. Kaya hindi na siya nakakapunta dito," Paliwanag ng matanda.

"So what will happen? Who will clean that sh*t? " maarting tanong ni Anna.

"Arti," Parinig ni Jade pero sapat lang para marinig ni Anna kaya tumayo ito.

"Do you have a problem with me ha?? Weaksh*t?" Pasigaw na saad ni Anna.

"Wala, baka ikaw meron. This is your plan right? Na dito mag retreat so bakit ka nag iinarte diyan? Mga patay na daga lang iyon." Sigaw sa kanya ni Jade na nakatayo na rin.

"And so? Pakialam mo ba ha? Palibhasa hindi ka takot sa mga daga. Kasi kauri mo sila!!" Sigaw ni Anna sa mismong mukha niya.

Tumayo si Zac para awatin silang dalawa. Pero tinignan siya ng masama ni Jade.

"Pakialam ko? You are the one who will put each and everyone of us in danger!!" Saad niya sabay duro sa kaibigan niya.

Natigilan naman si Anna pero ngumisi.

"Takot ka lang kamo," pangungutyang saad niya.

"Mga hija magsitigil kayo. Hindi sa lahat ng oras ay magiging magkalaban kayong dalawa. Dahil baka bukas o sa makalawa ay kakailanganin niyo ang tulong ng isa't isa," Saad ng matandang care taker.

"I will never ask any help from this weaksh*t." Saad ni Anna na inirapan pa si Jade.

"As if naman tutulungan kita." Jade said and smirk.

"Enough!" Pasigaw na saad ni Zac. "Para kayong mga bata."

"E di pagsabihan mo iyang girlfriend mong weaksh*t," Sambit ni Anna.

"Shut up Anna! Sumusubra kana hah!" Sa kauna unahang pagkakataon ay kinampihan ni Jane ang kakambal niya. "Hindi porket mahina si Jade ay iinsultuhin mo na siya. Wala kapa ring karapatan na insultuhin ang kakambal ko lalo na sa harapan ko! Ako lang ang pwedeng umaway sa kakambal ko." Sigaw ni Jane at hinatak paalis ng sala si Jade.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now