KABANATA 30

116 9 0
                                    

"Pero anak bakit mo sila pinatay?" Tanong ng ina.

"Eh kasi gusto ko," saad ni Jana na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Sa sagot niyang iyon ay natigilan ang ina. "B-but t-they are your friends and J-jane is your twin s-sister," nauutal na saad ng ina.

"Dahil nga sa gusto ko!" Sigaw niya sa ina.

Napaatras naman ang ina dahil sa ginawa niya. Agad naman siyang ngumisi at bumaba sa hospital bed niya.

Naglakad siya palapit sa ina kaya dahil sa takot ay dali-daling tumakbo papuntang pinto ang ina at lumabas.

Pagkalabas ng ina ay malakas siyang tumawa.

"Stop laughing Jana,"

"Shut up!" Sigaw niya habang nakatingin sa bintana.

She can see them again... here friends... here friends that she just killed.

"Why don't you jump there?"

"Ang sabi ko tumahimik kayo!" Sigaw niya at binato ng unan ang nagsalita.

Pero iba't-ibang uri ng tawa lang ang narinig niya.

Habang siya ay nakikipagbangayan sa mga kung sinu-sinong nakikita niya. Ang ina niya naman ay nag iisip na ng mga bagay na pwede niyang gawin para makabalik si Jade. Alam niya sa sarili niya na kaya rin siyang saktan ng anak niya.

"Kung sa tingin mo ay papatahimikin ka namin ay 'wag ka nang umaasa. Hangga't nabubuhay ka ay hindi ka namin titigilan,"

"Sinabi kong tumahimik ka!!!!" Sigaw niya at binato ang unan sa kung saan.

"Just die Jana,"

"Leave me alone!" Sigaw niya na naman at bumaba sa hospital bed niya.

Pagkababa niya sa higaan ay mag biglang humila sa paa niya mula sa ilalim nito.

Nadapa siya dahil dun kaya agad niya ring pinagsisipa iyon. Nang makaalis na mula sa pagkahawak ng hindi niya alam kung sino ay tumayo na siya, akmang tatakbo siya palayo sa kama ng may tumulak sa kanya papuntang bintana.

"Jump here Jana, kill yourself"

"Get off me you b*tch," sigaw niya sa kakambal niya.

Yes, si Jane ang nakikita niya. Nakangisi ang lapnos nitong mukha ay nakabalandra sa harap niya. "Dapat ka ring mamatay kagaya ng pagkamatay namin!" Mahihimigan ang galit sa salita nito.

"No! Hindi ako mamamatay! You can't hurt me because multo ka nalang!"

"Multong kaya kang saktan!"

Pagkasigaw nito ay biglang nabasag ang window glass na nasa likod niya. Unti-unting lumapit sa kanila ang iba pa nilang kaibigan. Kaibigang pinatay niya.

Pagpupumiglas ang ginawa niya hanggang sa nabitawan na siya nito. Agad siyang tumawa na parang baliw.

"You really think mapapatay mo ako? I am not the weaksh*t Jade you all knew. Napatay ko nga kayo right? Dahil malakas ako!" Sigaw niya habang tumatawa. "I am Jana! The strongsh*t!"

Hindi na siya nag atubiling buksan ang pinto ng kwarto niya at tumakbo. Nang makakita siya ng elevator ay agad siyang sumakay dito.

Nang makapasok na siya ay huminga siya ng malalim dahilan para masuka siya. Amoy patay ang loob ng elevator kaya iginala niya ang paningin sa loob.

Agad naman siyang napasigaw sa nakita. Chop chop na katawan ng babae ang nasa loob din ng elevator.

Siniksik niya ang sarili sa gilid ng elevator habang humihiling na sana ay tumunog na ito hudyat na bubukas na.

Nang marinig niya na ang tunog ay agad na siyang lumabas ng elevator. Wala sa sariling nilingon niya ang loob nito.

"Nasaan na ang katawan?" Mahinang tanong niya.

"Anong katawan hija?" Tanong ng kung sino kaya nilingon niya ito.

Agad siyang napasigaw pagkalingon niya dahil ang matandang caretaker na puro dugo ang nasa harap niya.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa para lang makatakas siya dito. Nang makalayo na ay pabagsak siyang umupo sa sahig ng ospital, walang pakialam kung nasaang parte man siya nito.

"Hija hindi ba pasyente ka? Bakit nandito ka sa labas?" Tanong ng isang naka lab gown sa kanya. Malamang isa itong Doctor.

"They are at my room," wala sa sariling sagot niya.

"Ha? Sino? May mga bisita kaba sa kwarto mo?"

"Doc help me, they want to kill me. Please help me." Umiiyak habang tumatawa niyang saad sa Doctor nang hindi man lang ito tinitignan.

"What kind of help do you want?" Tanong nito.

Tiningala niya ito at parang tumakas ang kanyang kaluluwa sa sarili niyang katawan. "P-papa?"

Ngumisi lang ang lalaki at hinawakan siya habang pilit na pinapatayo. Siya naman ay nag umpisa nang magwala at magpumiglas.

Subalit tinurukan siya ng Doctor ng kung anong gamot dahilan para siya ay manghina at unti-unting nakatulog.

"What happened?" Tanong ng kakarating lang na si Mrs. Santillan.

"Nagwawala siya kanina sa lobby and she called me papa. May mga pinagsasabi pa siyang papatayin daw siya. She is crying while laughing and I don't have any choice to make her calm kaya pinatulog ko nalang muna siya Mrs. Santillan," paliwanag ng Doctor.

Nilingon naman ng ina ang kanyang anak bago binalingan ang Doctor upang pasalamatan. Nang matapos na ang kanilang paguusap ay lumabas na ang Doctor kaya lumabas din siya para puntahan ang Psychiatrist ng anak.

Naalimpungatan si Jana dahil may yumuyugyog sa kama niya. Wala sa sariling agad siya bumangon.

"Kailan niyo ba ako titigilan ha!" Sigaw niya pero walang sumasagot.

Patay-sindi lang ang ilaw sa kwarto niya habang ang kanya kama ay patuloy parin sa pag galaw. Atras siya ng atras hanggang sa hindi niya namalayan ay nasa bintana na pala siya.

"Bulaga!!"

Sigaw ng kung sino dahilan upang malaglag siya sa bintana.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now