"A Mockingjay is a species of bird that was created through the accidental mating of jabberjays and mockingbirds. Black in color with white patches on the undersides of their wings, Mockingjays are famous for their ability to mimic a wide range of sounds produced by humans. Which means sila ang sumagot sa whistle mo and not Kristof." Saad ng dalaga at tumawa na parang baliw.
"Ano ba ang gusto mo? Why don't you kill me nalang ha," nahihirapang saad ni Jeff dahil sa pagkakatiwarik.
"Mag camping kaya tayo dito? Tutal padilim na eh, wait Jeff ha gagawa lang ako ng bonfire," parang wala lang na saad ng dalaga.
Nakaisip naman ng paraan si Jeff para makababa. "Why don't you help me down? So that I can help you in gathering some twigs?" He said while crossing his two fingers.
"Do you really think I am that st*pid?" Nakangising sagot ng dalaga sa kanya. Tinalikuran na siya ng dalaga at nag-umpisang mamulot ng mga sanga.
Parang pinagpawisan ng malamig si Jeff nang mapagtanto niya ang ginagawa ng dalaga. Isa-isang inilatag ng dalaga ang mga sanga ng kahoy na pinulot niya sa ibaba ni Jeff. "W-what t-the f*ck are you p-planning to do?" Nauutal na tanong ni Jeff.
"Making a bonfire under you," ngising sagot ng dalaga.
Napagtanto ni Jeff ang ibig sabihin ng dalaga kaya nag umpisa na siyang gumalaw sa itaas, hoping na makakawala siya sa lubid na nasa kanang paa niya. "Let me go Ja—"
Hindi niya natapos ang sasabihin nya ng binato siya ng dalaga ng malaking piraso ng sanga.
"Don't you dare say my name. Nandidiri ako kapag ikaw ang nagsasabi nun eh." Sigaw ng dalaga na nakatingala sa kanya.
Nag umpisa ng sigaan ng dalaga ang mga sanga. "May kwento ako sa'yo, alam mo ba noong panahon ng mga hapon ay gabi nagluluto ang mga pinoy? Para daw kasi hindi makita ng mga sundalong hapon ang usok. Kasi kapag nakita ito ng mga hapon ay malalaman kung saan sila nagtatago," seryosong saad ng dalaga habang si Jeff naman ay nag uumpisa ng magwala sa itaas dahil nakakaramdam na siya ng init.
Unti-unti ng umiinit ang buong katawan ni Jeff dahil naabot na siya ng apoy. "Let me live please," nahihirapang saad ng binata.
"Ayaw mo bang sumunod kay James at Manang?" Tanong ng dalaga na nasa apoy ang tingin.
"N-no, A-ayoko, I d-don't want to d-die just like what you did to Anna, James and Manang," nauutal niyang tugon. "W-why did you k-kill them ba?"
"Actually, I'm not the one who killed Anna," seryosong sagot ng dalaga sa kanya dahilan para magtaka ang binata.
"S-so k-kung hindi ikaw? S-sino?" Tanong ni Jeff.
"Bakit ba ang chismoso mo? Diyan ka na nga," naiiritang saad ng dalaga.
"W-where are y-you going?" Tanong ng binata.
"Mangunguha pa ng kahoy. Kulang pa eh." Sagot ng dalaga at iniwan na siyang nagsisigaw.
Tama nga ang dalaga, dahil ang bawat sigaw niya ay ginagaya ng mga mocking jays. Naamoy niya na ang mga sunog niyang buhok kaya panigurado siyang maya-maya ay maabot na ng apoy ang buo nyang katawan sapagkat palaki na ng palaki ang apoy. Maya maya ay bumalik na nga ang dalaga na may dala na namang mga sanga ng kahoy. Agad nitong inayos ang mga kahoy sa apoy para mas tumaas at lumaki pa ito.
Sigaw ng sigaw na ang binatang si Jeff dahil naabot na ng apoy ang mukha niya. Habang ang dalaga naman ay tawa ng tawa na para bang nag-eenjoy pa sa nakikita niya.
"Hindi ba ang hilig mong magpa init ng katawan? Lagi ka ngang nasa banyo at nanunuod eh. So bakit ngayon iyak ka ng iyak diyan? Umungol ka kaya Jeff?" Natatawang saad ng dalaga.
The girl was still enjoying on what she is witnessing, wala ng buhay ang binatang nasa itaas ng puno dahil sunog na ang buong katawan nito. "How is it experiencing hell?" Wala sa sariling tanong niya sa wala ng buhay na binata.
Gamit ang palakol ay pinutol niya na ang lubid na naging pa-in sa binata. "Ang galing ko talagang girl's scout," saad niya sa sarili.
On the other side of the woods ay pito lang ng pito si Kristof habang sinisigaw ang pangalan ni Jeff. "Bro! Where are you? It's so late na we need to comeback, I already found the way back to the house." Paulit ulit na sigaw ni Kristof habang patuloy na hinahanap ang kaibigan.
Sa patuloy na pag iikot ay may nakita siyang malaking bonfire kaya napag desisyunan niyang puntahan ito. 'Maybe it was Jeff who did that,' saad niya sa sarili. Dali dali siyang lumapit sa bonfire at halos lumabas ang kaluluwa niya sa katawan dahil sa nakita niya. Kitang kita niya gamit ang dalawa niyang mata kung paano lamunin ng apoy ang katawan ni Jeff. He knows that it was Jeff because of its dog tag necklace, silang dalawa lang ang may ganoon sa kanilang magkakaibigan.
Kahit nanghihina ay pinilit niya ang sariling tumakbo. He knows that the killer is just around him kaya kahit na tumatakbo ay nagmamasid siya sa paligid. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa tapat ng mansyon, hindi na siya nagdalawang isip na dumiretso sa loob kung nasaan ang mga kaibigan niya.
"Jeff is dead," Agarang bungad niya sa mga kaibigan niyang nasa sala.
Napatayo naman si Jamaica dahil sa sinabi niya. "How come he is dead? Hindi ba magkasama kayo?" Naguguluhang tanong nito sa kanya.
"Naligaw kami that's why we decided na maghiwalay para mas mapabilis ang paghahanap sa daan," Hinihingal na tugon niya.
"What?! Paano siya namatay kung gayung naghiwalay lang kayo para mahanap 'yung tamang daan palabas ng kakahuyan?" Naguguluhang tanong ni Zac.
"I f*cking don't know, I just saw his body na nasusunog nalang at wala ng buhay." sagot ni Kristof at walang lakas na umupo sa sahig.
"If Jeff is dead? It means..."
"You're next Jamaica," may halong pag aalala na saad ni Zac dahilan para tignan siya ng masama ni Jade.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.