KABANATA 16

115 14 1
                                    

"Nilibing niyo na rin 'yung care taker?" Tanong ni Jade sa kalalakihan.

"Tinabi nalang din namin sa pinaglibingan kay Anna at James." Sagot ni Zac at naupo sa tabi niya umusog naman ng kaunti si Jade kaya napatingin sa kanya ang binata.

"May nakita kaming kakaiba." Saad ni Jeff at nilapag ang tatlong panyo. Ito ang mga panyo na ginamit bilang pambusal sa tatlong pinatay.

"As you guys can see, magkakapareho ang panyo. Pero ang kataka-taka lang is saan ito galing?" Tanong ni Kristof.

"Baka sa maleta ni Jade," Nakangising sagot ni Jamaica sa tanong ni Kristof.

"Ayan ka naman Jamaica. Can you please stop starting an argument? Hindi ka ba napapagod?" May kunting sigaw na saad ni Jeff.

Jamaica just tsked and leave them. Habang sila naman ay nag iisip ng kung anu-anong pwede nilang gawin dahil mag gagabi na.

"Hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Kaya dapat tayong mag ingat," Panimula no Zac.

"Kung ano o kung sino ang susunod?" Tanong ni Kristof.

"Ano ba ang pinag uusapan niyo? Medyo nakakalito," nalilitong saad ni Jade.

"Jeff and Jamaica just received a death note." Sagot sa kanya ni Zac at inilapag sa mini table ang subre.

Kinuha naman ni Jane ang subre. "Death note? May ganito pa pala ngayon? Ang alam ko is chain mail na ang uso."

"Masyadong makaluma nga eh. Kasing luma nitong bahay," medyo natatawang sambit ni Jeff.

"We need an escape plan. Huwag na tayong maghintay na mabawasan na naman tayo." Stress na turan ni Zac habang hinihilot ang sintido niya.

"But how? When the gate is lock. Alam naman natin na iyon lang ang pwede nating labasan," saad ni Jade.

"Kahit ang mga sasakyan na ginamit natin ay puro sira. Hindi nga natin alam baka hindi lang ang mga gulong niyan ang sira eh," nanghihinayang na sambit naman ni Jeff.

"Wala kayong spare tires?" Tanong ni Jade.

Umiling naman si Kristof. "We didn't expect this tragedy."

"Ika nga sa kasabihan, expect the unexpected," sabad ni Jane.

May kung anu-ano pa silang pinag usapan hanggang dumako sila sa kung sino ang babantay gabi-gabi.

"Hindi tayo pwedeng maging kampante. Kung sakaling isa man sa atin ang pumapatay ay dapat mayroong magbantay," suhestiyon ni Zac. Nagsipagtango naman ang mga kaibigan niya.

Samantala ang killer naman ay tumatawa sa kanyang isipan.

'Hala sige, mabaliw kayo sa pagbabantay. Siguraduhin niyo lang na hindi ko kayo malulusutan.' Saad niya sa isip habang nakatingin kay Jeff, ang susunod niyang magiging kalaro.

"By the way, kailangan nating manguha ng kahoy na panggatong. Wala na palang laman 'yung butane na dala ko. Mukhang matatagalan pa tayo dito eh," sabad ni Zac sa usapan.

"I want to come with you Zac. Para mas marami tayong madalang kahoy pauwi dito," Sambit ni Jeff na siyang sinang ayunan naman ng isa.

"Sama na rin ako. Baka sabihin niyo tamad ako eh." Pagbibiro ni Kristof sabay akbay sa dalawang binata.

"Jade, Jane please. Kung pwede lang na huwag niyong papatulan ang ugali ni Jamaica, kayo nalang ang umiwas," habilin ni Jeff.

"Alam mo Jeff, wala kaming pakialam kay Jamaica. Kaya kung pwede lang, huwag mo kaming utusan na akala mo ay kung sino ka na susundin namin. Siya ang umiwas, dahil minsan siya pa nga ang nangunguna eh." Sabad ni Jane sabay irap kaya napakamot nalang sa sariling batok si Jeff.

"Just do what Jeff said girls. Huwag na makipag bangayan," seryosong ani ni Zac.

"Seryoso mo Zac ah. Parang hindi lang nagloko," pigil tawang sita ni Jade kay Zac kaya naitikom nalang ni Zac ang bibig.

Pumagitna naman ni Kristof. "Okay tama na baka mag rambulan pa kayong mag jowa."

"Wala akong jowa." Matigas na sambit ni Jade at tinalikuran sila.

"Aray, wala daw jowa kakambal ko Zac oh. Paano ba 'yan?" Natatawa at may pang iinis na turan ni Jane sa binata.

"Shut up Jane will you?" Pikon na saad ni Zac.

"Oh you shut up Zac the cheater." Sagot sa kanya ni Jane at humalakhak na umalis sa harap nila.

Naikuyon nalang ni Zac ang dalawang kamay.

"You can't blame Jade, Zac." Tanging sambit ni Kristof at inakbayan siya pero marahas niyang inalis ito.

"Yeah, I shouldn't blame her. I should blame you!" Sigaw nito. "Because of that f*cking video you show her naging ganyan na siya." Dugtong niya pa dito at tinulak si Kristof palayo sa kanya.

"Easy Zac, baka nakakalimutan mo. Hindi lang si Anna ang hinaharot mo. Baka gusto mong may isumbong pa ako kay Jade?" Nagbabanta at naka ngising saad ni Kristof.

"Spill it out Kristof." May kung sinong nagsalita sa likod nila kaya napalingon sila.

"Jade," Sabay na sambit ng parehong gulat na si Zac at Kristof.

"Ano 'yung isusumbong mo pa Kris? Spill it all," walang emosyong sambit ni Jade.

"B-babe, K-kristof is just making fun of me," kinakabahang turan ni Zac.

Tinignan naman siya ni Jade. "I am not talking to you, I'm talking to Kristof," matigas na saad ng dalaga. "Now Kristof speak up."

"Jade, kasi..." Hindi na natapos ni Kristof ang sasabihin niya ng magsalita si Zac.

"Me and Jamaica are also having an affair," diretsong saad ni Zac dahilan para makatikim siya ng sapak kay Jade.

"P*tang ina ka! Hindi ka ba talaga makontento sa akin ha! Una akala ko si Anna lang, tapos may Jamaica pa?! Ano tingin mo sa sarili mo ha! Poging pogi sa sarili lang Zac? Gag* ka!" Galit na galit siyang sinigawan ni Jade at dinuraan pa sa mismong mukha niya. "Nakakadiri kang p*tang ina mo ka!" Dugtong ng dalaga at pinagsusuntok si Zac.

Agad namang niyakap ni Kristof mula sa likod si Jade para awatin pero maging siya ay walang magawa. Patuloy na nagpupumiglas si Jade at pinagsusuntok parin si Zac na umiiyak nalang.

"Huwag mo siyang awatin Kristof. I deserve all of this," saad ni Zac na patuloy paring sinusuntok ni Jade.

"What the f*ck are you doing Jade." Sigaw ng kararating lang na si Jamaica at tinulak si Jade pero imbes na lumayo ito ay sinapak niya rin si Jamaica. Napaawang naman ng bibig si Kristof sa ginawa ni Jade. Habang si Jamaica naman ay hawak ang dumudugong labi.

Tinignan ni Jade si Zac at Jamaica  "You want to be together? Then I will let you. But in hell!" Sigaw sa kanila ni Jade at dumura muna sa harap nilang dalawa bago umalis.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now