KABANATA 11

128 21 11
                                    

Kahit nagtataka ay hindi na ito pinansin ni Jeff. Medyo naiinip na siya sa paghihintay na lumabas si Jane sa banyo kaya napag pasyahan niya nalang na pumasok ng kwarto nila.

Pagkapasok niya sa kwarto ay napansin niyang kulang sila ng isa.

"Guys, guys, wake up." Saad niya habang niyuyugyog si Zac at Kristof na natutulog na.

"What?" Saad ni Zac na nagkukusot ng mata.

"Where is James?" Tanong ni Jeff sa dalawa.

"He was here lang kanina ah. F*ck." Sagot ni Kristof at napabalikwas ng bangon.

Agad na nagsitayo si Zac at Kristof habang si Jeff naman ay nakaramdam ng takot.

"Tara sa labas, baka nandoon lang iyon." Saad ni Zac at in-on ang flashlight ng cellphone niya.

"P*sting black out pahirap," Saad ni Kristof.

Nagsilabas na sila ng kanilang kwarto at nakasalubong pa nila si Jane.

"Oh saan punta niyo?" Tanong ni Jane sa kanila.

"Have you seen James?" Tanong agad sa kanya ni Kristof.

"Hindi eh. Kakalabas ko lang cr. Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Sigurado ka?" Tanong sa kanya ulit ni Kristof at itinapat sa mukha niya ang flashlight mula sa cellphone nito dahilan para tabigin niya ang kamay nito at mabitawan ni Kristof ang cellphone niya.

"What the f*ck Jane!" Saad ni Kristof at yumuko para pulutin ang cellphone niya.

Pero napatigil siya ng may maaninag sa ilalim ng mini table sa sala. At halos mataranta siya sa nakita niya. Bigla siyang napaupo sa nasaksihan niya. Parang nanghina ang kanyang mga tuhod.

"Hey what happen?" Tanong ni Zac.

"It's J-james." Nauutal at nanginginig na saad ni Kristof habang nakaturo sa isang direksyon.

Agad agad namang lumapit si Zac sa direksyon na tinuro ni Kristof. Halos masuka si Zac sa nakita niya.

Wala ng buhay ang kanilang kaibigan. Wakwak ang dibdib nito. Dinukot ang mga mata. May busal ang bunganga. At ang pinakamalala ay nakabukas ang zipper ng pantalon nito kaya wala sa sariling lumapit si Zac at binuksan ang pantalon nito. Malutong siyang napamura sa nakita niya. Wala na ang pag aari nito. Sa palagay niya ay pinutol ito.

"S-sino ang may g-gawa nito?!" Umiiyak na sigaw ni Jane na nasa likod na pala ni Zac.

Sa kwarto naman ng mga babae ay naalimpungatan si Jade at Jamaica sa sigaw ni Jane.

"Why is your twin shouting?" Takang tanong ni Jamaica.

"She is not just shouting, she is crying." Saad ni Jade at dali daling bumangon.

Sumunod naman sa kanya si Jamaica na naiirita dahil naputol ang tulog niya.

Pagkadating nila sa sala ay nakita agad ni Jade na umiiyak ang kakambal niya. Pagkakita sa kanya ni Jane ay tumakbo agad ito sa kanya at siniksik ang sarili nito para mayakap niya.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now