KABANATA 29

100 10 1
                                    

"Hoy Jana gising,"

"Jana nandito na kami,

"Jana sumama kana sa amin,"

"Hindi ka namin titigilan,"

"Hindi ka namin iiwan kagaya ng ginawa mo sa amin,"

Samu't-saring boses na naririnig ni Jana.

"TIGILAN NIYO NA AKO!" Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang magkabilang tenga.

Subalit patuloy niya paring naririnig ang mga boses kaya nagtalukbong na siya ng kumot.

Sa pagtalukbong niya ng kumot ay mas lalo siyang nanginig. Sapagkat nakita niya sa ilalim ng kumot ang mukha ng kakambal niyang sunog.

"Bulaga!" Saad nito.

Kaya napasigaw siya ng malakas.

"Jade, anak wake up binabangugot ka." Niyugyog siya ng mama niya.

"Mama nandito po sila," nanginginig na sambit niya.

"Sinong sila?" Tanong ng ina niya na nagpatigil sa kanya.

Hindi niya pwedeng sabihin na ang mga kaibigan niya ang nakikita niya dahil maari siyang pagdudahan nito.

"W-wala ma," tanging nasagot niya.

Sa sinabi niyang iyon ay nabahala ang ina. "Bukas pupunta tayo sa psychiatrist mo," saad nito.

"P-pero ma d-diba po magaling na'ko?" Nauutal na turan niya. Hindi siya pwedeng makipagkita sa psychiatrist niya.

Hindi pwede!

"But you have to," sagot ng ina niya.

"Ayoko nga mama! Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ayoko nga sabi diba!" Sigaw niya kaya nagulat ang ina niya.

Agad niyang napansin ang pagkagulat ng ina kaya humingi siya ng tawad dito. "Natatakot lang po ako mama," dugtong niya.

Buntong-hininga lang ang sinagot ng kanyang ina sa kanya. "Magpahinga kana muna Jade, may pupuntahan lang ako." Saad nito at hinalikan siya sa noo.

"Saan ka pupunta ma?" Tanong niya na may pagdududa.

"Aasikasuhin ko lang ang bills mo nak," sagot ng ina niya kaya tumango siya.

Pagkalabas ng ina sa kwartong inuukupa niya ay humiga na naman siya sa kama at pilit ipinipikit ang mga mata.

Subalit sa bawat pagpikit niya ay nakikita niya ang mga kaibigan niya lalo na ang kakambal niya. Ilang araw na siya sa ospital at ilang araw na rin siyang wala tulog.

Habang si Jana ay hindi alam kung ano ang gagawin ang kanyang ina naman ay palihim na nakipagkita sa Psychiatrist niya.

"What brings you here Mrs. Santillan?" Agad na tanong sa kanya ng Psychiatrist ni Jade.

"May kakaiba kay Jade Doc." Sambit niya at umupo sa katapat na upuan nito.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ng Doctor.

"I think si Jana ang kasama ko," siguradong sagot ng ina nila.

Sabi nga nila Mother's instinct is always right. Umpisa palng ay napapansin na ng ina nila na may kakaiba kay Jade. Una, knowing Jade ay hindi ito papayag na masaktan ang kakambal niya at mas lalong hindi ito papayag na maiwan ang kakambal niya. Pangalawa, malambing magsalita si Jade at hindi ito mahilig sumigaw. At ang huli, hindi ito marunong sumuway. Mga katangian na kay Jana lang nakikita ng ina.

"How sure are you Mrs. Santillan?"

"She refuse to see you," sagot nito kaya nagkaroon din ng kutob ang Doctor na maaaring si Jana nga ito at hindi si Jade.

"Bring her here as soon as possible," utos ng Doctor kaya tumango si Mrs. Santillan. Akmang aalis na ang ginang nang magsalita ulit ang Doctor. "One more thing Mrs. Santillan, mag iingat ka hindi natin alam ang galaw ng utak ng isa mo pang anak," pahabol nito.

Tumango naman ang ginang at tuluyan nag lumabas ng opisina ng Psychiatrist.

'Kung si Jana ang kasama ko ibig sabihin ay natalo niya si Jade. Kailangan kong gumawa ng paraan para makabalik ang isang anak ko. I already lost Jane, hindi na ako papayag na pati si Jade ay mawala. Mahal ko si Jana pero ang ginawa niya dati ay hindi ko parin nakakalimutan. She killed their father," saad ni Mrs. Santillan sa kanyang isip.

Hindi na namamalayan ng ginang na sa lalim ng kanyang iniisip ay nasa harap na pala siya ng pinto ng kwarto ni Jade. Akmang papasok siya pero mayroon siyang narinig na sumisigaw sa loob.

"Tigilan niyo na ako! Pinatay ko na nga kayo para wala ng sagabal sa plano ko pero bakit nandito parin kayo!" Rinig niyang sigaw ng anak.

Nag umpisa nang tumulo ang kanyang mga luha. Kumpirmado, hindi si Jade ang kasama niya kundi si Jana.

Sa halip na pumasok na ay nanatili siyang nasa labas at pinapakinggan ang mga pinagsisigaw ng anak.

"Tigilan mo na ako Jane! Akin na ang buhay ni Jade. Ako na ang makakasama ni mama. Tama na ang ilang taon na nasa inyo ang atensyon ni Mama. Ngayon sa akin naman!"

Nakaramdam siya ng guilt sa huling narinig mula kay Jana. Nagawa nilang ikulong si Jana sa loob ni Jade dahil lang sa pagkamatay ng ama nila. Hindi masasabing aksidente ang pagkamatay ng ama nila. Dahil sinadya ito ni Jana, unang nalaman ng kanilang ama ang tungkol sa alternate personality ni Jade. Hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari ang tanging alam lang nila ay pinatay ni Jana ang ama.

Patuloy parin sa pakikinig ang ginang subalit parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa susunod na narinig.

"I killed him because I protected Jade! I protected her from that rapist!"

Sigaw ni Jana. Napatakip sa bibig ang ginang dahil sa narinig. Totoo ba ang sinasabi ni Jana? Did their father really atempted to rape them? Yes them kasi iisang katawan lang ang meron sila Jade at Jana.

Hindi na nagdalawang isip si Mrs. Santillan at agad na binuksan ang pinto.

"What did you just said?" Agad niyang tanong.

Nakita niya kung paano natigilan si Jana sa sinabi niya.

"I know na ikaw 'yan Jana, and ano yung sinabi mo? Muntikan ng gahasain ng papa niyo si Jade?" Sa tanong na iyon ng ina ay humagulgol si Jana.

"Jade was currently sleeping when papa entered her room. But he didn't know that everytime Jade is asleep I am awake. He started touching Jade's legs until his hadn reaches Jade's private part. Doon, doon na ako lumabas sa katauhan ni Jade. He was shocked when I kick him. Because he knows that his beloved Jade won't do that, kasi nga diba subrang bait ni Jade. Tapos umamin ako na hindi ako si Jade, na ako si Jana. He laughed at me and told me na nag da-drama lang ako. He started forcing me but naabot ko ang lampshade at napukpok iyon sa ulo niya. But because of anger I didn't control myself. Then huli ko nalang na realize, I already killed him. But I didn't regret doing such thing, dahil sa ginawa kong iyon ay nailigtas ko si Jade mula sa demonyong tulad niya." Pagkwento ni Jana habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri.

"Pero bakit mo pinatay ang kakambal at mga kaibigan niyo?" Tanong ng ina.

Iniangat ni Jana ang tingin niya sa ina. "Because they deserve it. Lahat ng umaagrabyado kay Jade at deserving mamatay!" Sigaw niya kaya napaatras ang ina.

Nag umpisa na siyang tumawa na parang baliw. "They all deserve to die, they all deserve to wrath in h*ll, they all deserve it." Mga salitang paulit ulit niyang sinasambit sa gitna ng kanyang malademonyong tawa.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now