KABANATA 17

131 12 1
                                    

Napaluhod nalang sa lupa si Zac. He don't know what to do, yes he love Jade pero hindi niya mapigilan ang sarili na matukso.

"Zac, are you okay?" Saad ni Jamaica at pilit siyang pinapatayo.

Tinabig niya naman ang mga kamay ni Jamaica na nakahawak sa kanya. "Get off me, I can stand on my own." Sita niya dito at tumayo. Matalim niyang tinignan si Kristof at nag umpisa nang maglakad pero pinigilan siya ni Jamaica.

"What? You will follow her? Tapos ano, magmamakaawa ka na huwag ka niyang iwan? Don't be stupid Zac. You cheated on her remember? Sa tingin mo ay mapapatawad ka niya? Itataboy ka lang niya," maarting sabi ni Jamaica.

"Pwede ba Jamaica? Itaboy niya man ako ng paulit ulit sa kanya parin ako babalik!" Sigaw niya sa mismong mukha ng dalaga.

"Sa tingin mo mapapatawad ka pa niya Zac?" Nakangising tanong ni Kristof dahilan para lapitan siya ni Zac at kwelyuhan.

"Alam mo ikaw. P*tang ina ka eh, this is all your f*cking fault!" Sigaw niya sabay sapak kay Kristof.

Napaatras naman si Kristof sa ginawang iyon ni Zac. Pero imbes na gumanti ng sapak ay malakas siyang tumawa.

"My fault? Seriously Zac? Sino ba dito ang hindi nakontento sa girlfriend niya? Hindi ba't ikaw. So why are you blaming me?" Sambit ni Kristof sabay turo sa sarili.

Akmang ki-kwelyuhan pa sana siya ulit ni Zac pero pumagitna na si Jeff. Habang si Jamaica naman ay hindi mapakali.

"Guys what if si Jade pala talaga 'yung killer? You heard her kanina 'diba? What if she will kill us Zac? I don't want to die." Natatarantang sambit niya at sumiksik kay Zac.

"So totoo nga ang sabi ng kakambal ko, makati ka nga Zac." Sabad ng kalalabas lang ng bahay na si Jane. "And ikaw naman Jamaica ang laki mo namang higad. Ayaw mo kay Jeff na single, gusto mo kay Zac na may girlfriend na. Anong brand ng lotion mo? O di kaya ng sabon mo? Parang hindi yata kayang tanggalin ang kati mo sa katawan eh," pang iinsulto naman niya kay Jamaica.

"Look who's talking, perfect twin sister lang ang peg? Parang hindi mo naman binubully si Jade back then. Feeling perfect?" Mataray na sagot ni Jamaica.

"Yes I am not f*cking perfect. But atleast I know the word respect. Kaya kong rumespeto lalo na sa relasyon ng kapwa tao ko. Eh ikaw? Ohh, hindi ka pala tao kasi higad ka!" Sigaw niya kaya sinugod siya ni Jamaica at sinabunutan.

Nagsabunutan nga ang dalawang dalaga. Pilit man silang pinaghihiwalay ng mga binata ay patuloy parin sila sa ginagawa nila ng biglang...

May humila din sa buhok ni Jamaica papalayo kay Jane. "Ang lakas ng loob mong sabunutan ang kapatid ko! Halika dito!" Sigaw ni Jade habang kinakaladkad palayo si Jamaica kay Jane.

Lalapit sana si Zac para pigilan si Jade pero isang malakas na sapak ang natanggap niya mula kay Jane. "Ano kakampihan mo kabet mo? Subukan mong pigilan si Jade hindi lang sapak ang aabutin mo sakin," matigas na sambit niya kaya walang magawa si Zac kundi ang hawakan nalang ang panga niyang nasapak.

"Away babae 'yan Zac huwag kang makisalo." Saad ni Jeff at inakbayan siya habang nag eenjoy panoorin ang ginagawa ni Jade kay Jamaica.

"Get off me weaksh*t urgh!" Sigaw ni Jamaica habang kinakaladkad siya ni Jade.

"Why would I? Kumalma ka muna Jamaica ilalagay kita sa kung saan ka nababagay," matapang na saad ni Jade sa kanya.

Nang makarating na sila sa putikan ay padabog niyang binalibag si Jamaica doon. "Diyan, diyan ka nababagay. Tutal marumi ka, tapos ito pa oh." Sigaw niya at binuhos kay Jamaica ang mga basura mula sa garbage bag na inabot sa kanya ni Jane.

"Perfect." Natatawang saad ni Jane at nakipag apir pa kay Jade. "Galing mo talaga kambal."

"Arghhhhhhhh! P*tang ina. Zac help me." Pagpapaawa ni Jamaica kay Zac.

"Oh Zac tulungan mo daw." Sigaw ni Jade sabay tulak kay Zac sa putikan.

"Perfect couple," pang aasar ni Kristof.

"F*ck you!" Sigaw ni Zac at nag pinakyuhan pa si Kristof.

"Kris, Jeff akala ko ba mangunguha pa kayo ng kahoy? Hala layas," pagtataboy ni Jane sa dalawa.

Kamot ulo namang tumango ang dalawang binata at umalis.

"Oh kayong dalawa, magbonding muna kayo diyan. Ganda ng meeting place niyo." Tawang saad ni Jane at inakbayan si Jade.

"Ang sweet niyo. Seryoso," nakangising sambit ni Jade.

Sabay na tinalikuran ng kambal si Zac at Jamaica. Paglalayo ng kambal ay malulutong na mura ang lumabas sa bibig ni Jamaica.

"That f*cking twins are really b*llshits! See what they did to us? Arghhhh. Nakakarami na sila. And that Jade? Ang tapang porket kinakampihan na ng kakambal niya." Sigaw nito habang hinahampas pa ang mga putik.

Samanatalang si Zac naman ay parang umurong ang dila dahil kanina pa hindi umiimik. In his mind he is already thinking.

Parang nag iba si Jade simula ng dumating sila dito. Parang hindi niya na ito kilala, parang sa paraan ng pananalita at gawi nito ay hindi na ito ang kasintahang kilala niya.

Walang pasabi siyang tumayo at umalis sa putikan nang hindi man lang tinitignan si Jamaica.

"Hey Zac help me here. I can't stand up," maarting saad ni Jamaica subalit patuloy lang sa paglakad paalis si Zac.

Samantalang sa kakahuyan naman ay parang nalilito na si Kristof at Jeff sa kanilang dinadaanan.

"Are you sure we are taking the right path Jeff? Parang nadaanan na kasi natin to eh," may halong inis na saad ni Kristof.

"'Yun nga bro eh. Parang tingin ko ay naliligaw tayo," tugon ni Jeff.

"What if maghilaway tayo? You know how to mouth whistle right? And just put a mark in every trees na dadaanan mo para kapag nahanap mo na 'yung tamang daan ay magkita tayo ulit dito. I'll also do the same thing," suhestiyon ni Kristof.

"I think that's a great idea. Sige I'll go this way and you go that way. Take care." Saad niya at tinapik ang balikat ni Kristof.

"You too," sagot nito sa kanya bago sila maghiwalay.

"Nice one, my job becomes easier." Saad ng taong kanina pa pala nakamasid sa kanila at sinundan si Jeff.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now