EPILOGO

158 10 0
                                    

BREAKING NEWS ALERT

"Isang 'di umano'y pasyente ang nagpakamatay sa loob ng Dominguez Medical Hospital. Ayon sa mga Doctor na saksi ang dalagita daw ay nag ngangalang Jade Santillan na siyang naka confine sa ospital na ito ng halos limang araw pa lamang. Marami rin ang nagsasabi na ang dalaga raw ay nakakaranas ng depresyon dahilan upang siya ay magpakamatay. Tunghayan po natin ang interview mula sa mga taong nakasalamuha niya."

"Nung unang araw niya palang dito ay palagi lang siyang tulala. Naalala ko pa noong chinecheck ko ang dextrose niya ay para siyang may mga binubulong na kung anu-ano pero hindi naman maintindihan."

"Minsan ko rin siyang narinig na parang may kaaway sa loob nung nagkataong dumaan ako sa hospital room niya. Pero ang pinagtatakhan ko ay siya lang naman ang naririnig kong sumisigaw. Minsan pa nga akong tumigil sa tapat ng pinto niya para makinig kung mayroon man siyang kausap pero wala eh. Siya lang talaga ang nasa loob "

"Nakita ko siya kahapon. Lumabas mula sa kwarto niya na para bang takot na takot. Basi sa kilos niya at pagtakbo ay parang may humahabol sa kanya. Wala pa nga siyang tsinelas eh at yung buhok niya pa ay parang sinabunutan. Nais ko man siyang sundan subalit onduty ako at hindi ko pwedeng iwan ang information desk "

"Nakita ko siyang lumabas ng elevator at nakatakip pa sa ilong habang may sinasabi na siya lang naman ang nakakarinig. Para pa ngang siyang nasusuka eh, para siyang nandidiri."

"Nakita ko siyang nakaupo sa hallway ng ospital kaya nilapitan ko siya. May sinabi pa siyang tulungan ko raw siya kasi may gustong pumatay sa kanya. Then I ask her what kind of help kaya tiningala niya ako. Pero ang ipinagtataka ko ay ang reaksyon niya ng makita niya ako. She even called me papa but she is stuttering. After that is nagwala na naman siya, I can't stop her so lucky na mayroong dalawang onduty nurse na dumaan sa hallway so I ask for their help para lang maturukan siya ng pampatulog for her to be calm."

"Narito po ngayon ang ina ng dalagang nagpakamatay pakinggan po natin ang kanyang panig."

"My daughter is sick, she is not just suffering from depression but she also have a multiple personality disorder. Mayroong dalawang pagkatao ang anak ko, ang isa ay mabait habang ang isa naman ay ubod ng sama. Pero hindi ko inexpect na darating sa puntong magpapakamatay siya. Hindi ko inexpect na iiwan niya ako ng ganun kabilis. I already lost her twin sister and now I also lost her. Hindi madali sa isang ina na ilibing ang kanyang anak subrang sakit lalo na at dalawang anak ko pa ang nawala sa akin. She is also capable sa pagkamatay ng kanyang kakambal at mga kaibigan, siya mismo ang nag confess sa akin. Maybe she was so scared na baka ipakulong ko siya kaya nagpakamatay siya. My poor daughter." Saad ng ina sa gitna ng interview habang umiiyak.

Pagkatapos ng interview ay lumapit naman si Mrs. Santillan sa mga investigator na may hawak sa kaso ng anak.

"Mrs. Santillan, base on our investigation ay hindi po nagpakamatay ang anak niyo. According to what we saw is aksidente po ang nangyari. Dahil kung siya man po ay nagpakamatay dapat mo dire-diretso ang bagsak niya sa kung saan siya nakitang patay," mahabang paliwanag ng isa sa imbestigador.

"What do you mean? Hindi ko maintindihan," nalilitong saad ng ina.

"May nakita po kaming finger print ng anak niyo sa isang maliit na parti ng bintana. Marahil ay aksidente po siyang nahulog sa bintana dahil nakahawak pa dito bago siya nahulog at natusok sa baling kahoy na nasa baba ng kanyang kwarto,"

Sa sinabing iyon ng imbestigador ay mas gumuho ang mundo ng ginang.

"Pero ang pinagtatakhan ko ay bakit ang gulo ng kwarto niya? Parang nagkaroon ng away sa loob," singit ng isa sa mga imbestigador.

"At meron rin po pala akong nakita." Saad ng isa at ibinigay sa head ng investigation team ang isang lumang maliit na subre.

Agad itong binuksan ng isa at binasa. "You're Next."

Pagkatapos mabasa ng head investigator ang sulat ay isinilid niya ito sa isang brown envelope para gawing ebidensya. Agad din naman siyang nagpaalam sa mga kapwa niya imbestigador dahil kailangan niya pang dalhin sa mga pulis ay karagdagang ebidensya.

Nasa gitna na ng byahe ay imbestigador ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Akmang sasagutin niya na ito ng bigla itong madulas sa kamay niya dahilan para ito ay malaglag.

"Sh*t mura niya habang binabagalan ang takbo ng sasakyan. Nang makatabi na siya sa sidewalk ay nagpreno na siya para kunin ang cellphone niyang nalaglag. Kinapa-kapa niya ito pero sa halip na cellphone ang madampot ay ang luma at maliit na subre ang kanyang nakuha. Umiling-iling pa siya. "Paano ka napunta dito? Isinilid kita sa brown envelope ah?" Tanong niya na para bang sasagot ang subre.

Kinuha niya sa passenger's seat ang brown envelope. Akmang isisilid niya na rito ang subre ng biglang may malaking truck na naligaw sa deriksyon niya.

FLASH REPORT

"Kapapasok lamang po na balita. Dead on the spot ang Head ng San Lazaro Investigation team nang aksidenteng mawalan ng preno ang 18 wheeler truck at dumiretso ito sa nakapasadang sasakyan ng nasabing Head Investigator. Ayon sa mga saksi ay wasak na wasak ang driver's seat kung saan nakaupo ang biktima dahilan kung bakit siya nawalan ng buhay. Ito po si Oscar Hernandez nag-uulat.

Be careful on what you receive because once you receive a Death Note. It means You're Next.

THE END.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now