KABANATA 3

165 32 19
                                    

Padabog na pumasok ang kambal sa kwarto.

"What the f*ck is wrong with you Jade? Why are you arguing with Anna?" Iritang tanong ng kakambal niyang si Jane.

"Eh nakakainis na siya eh. Akala mo kung sino umasta at isa pa Jane mukha yatang nakakalimutan mo na mas matanda ako sa iyo. I am your older sister after all!" Saad niya sa kakambal niya gamit ang mataas na boses.

Nagulat naman ang kakambal niya sa pagtaas ng boses niya. Parang hindi si Jade ang kaharap niya. Parang may iba sa kakambal niya.

"Ano ba kasi ang problema mo?" Tanong ni Jane.

"That sl*t is flirting with Zac. And if you don't notice let me show you this." Sambit ni Jade at pinakita kay Jane ang video sa cellphone niya.

Makikita sa video kung paano akitin ni Anna si Zac. Kung paano pilit na halikan ng dalaga ang kasintahan niya.

Habang pinapakita niya kay Jane ang video ay siya namang panginginig ng kamay niya.

"Now tell me what the f*ck is my problem with that sl*t!" Saad ni Jade at pinatay ang video. "If she thinks I will let get rid of her, nagkakamali siya. Dahil wala sa bokabolaryo ko ang hayaan lang ang taong may planong sirain ang kung anong meron ako," Seryosong sambit ni Jade dahilan para matulala si Jane.

Jane was shocked on what her twin sister said. Parang hindi ito ang kakambal niyang mahina at tahimik lang. What she is facing right now is a fiercer version of her twin sister.

Umiiling na bumaba si Jane samantalang naiwan lang sa kwarto si Jade na nakangisi.

"Ang tagal namang dumating nila Kristof. Nang maumpisahan na ang taguan." Ngising sambit niya habang nakaharap sa salamin at may hawak na kulay dugong subre.

KINAHAPUNAN

Nasa kusina ang magkakaibigan. Nagkwekwentuhan ang iba habang ang kambal at si Anna ay hindi parin nagpapansinan ng bigla silang nakarinig ng sunod sunod na busina mula sa labas ng mansion.

"I think sila Kristof na iyon." Excited na saad ni Jamaica at lumabas ng bahay upang salubungin ang mga bagong dating na kaibigan.

Sumunod naman sa kanya ang iba pa samantalang naiwan si Jade sa kusina. Siya kasi ang nakatukang magluto ng kanilang panghapunan.

Nagpatuloy siya sa pagluluto habang ang mga kaibigan ay nag iingay na sa labas ng sala. Nagplano siyang magluto ng adobong baboy. Bago kasi sila pumunta sa mansion ay nag grocery na sila at nagdala si Jamaica ng mini refrigerator kaya nalagyan nila iyon ng mga pagkain nilang dapat ilagay doon.

Pagkasapit ng hapunan ay magkakasabay silang kumain. Pinagsilbihan niya ang mga kasamahan na ikinagulat naman ng kakambal niya. Sapagkat kahit si Anna ay pinagsilbihan niya rin.

"Hmmm it smells so delicious Jade you are still the good cook I know," Kristof said with praise.

"Thanks Kristof I hope you like it," Sagot niyang naka ngisi. "So? Lets all eat?"

Nag-umpisa na silang kumain ng biglang sumigaw si Anna.

"WAHHHHHH!!!! May mata!!!!!" Sigaw niya at nabitawan pa ang kutsarang hawak niya dahilan para malaglag ito sa sahig.

"What the f*ck Anna. Oo may mata iyan. Mata ng baboy! P*tang ina. Napaka arti mo talaga. As if naman hindi ka namin kasama ng bumili tayo niyan," May halos inis na saad ni Zac.

"Yes I am with you but I didn't know na may kasamang mata ng baboy iyan." Nandidiring saad ni Anna sabay turo sa mata ng baboy na nasa plato niya.

"Alam mo, Anna. If you don't want to eat then don't. Hindi iyong mag iinarte ka diyan. Papansin," Matapang na saad ni Jade na nakangisi pa.

"Sinadya mong ilagay sa pinggan ko ang matang iyan Jade. I knew it. Kasi you are mad at me!!" Sigaw niya sabay duro ng tinidor kay Jade subalit hindi siya nito pinansin at lumapit pa ito sa gawi niya at pinulot ang kutsara sa sahig.

"Alam niyo ba sabi ni lola. Kapag daw may nahulog na kutsara ibig sabihin may bisitang babae tayo na paparating. Are you guys expecting someone else?" Nakangising tanong ni Jade sa mga kaibigan.

"Ayan ka na naman Jade. Your weirdness and your superstitious beliefs," Saad ni Jamaica.

Nakatitig naman sa kaniya ang iba nilang kasama samantalang si Kristof naman ay nagsalita. "Hindi kayo naniniwala sa superstitious?" Tanong nito.

"Oh Kristof don't tell me naniniwala ka sa babaeng ito?" Tanong ni Anna at tinuro pa si Jade na nasa tabi parin niya.

"There is nothing wrong in believing. And besides we are Filipinos. And superstitious beliefs are part of Philippine culture. But I don't care if you believe or not. Wala ka namang pinapaniwalaan kahit sino hindi ba?" Sagot sa kanya ni Kristof na nagpatahimik sa kanya.

Tumayo si Anna at nilingon si Jade. "I better go, I lost my appetite." Saad niya na kay Jade parin ang paningin.

"No one ask and no one cares Anna. Mamatay kaman sa gutom," Sagot ni Jade na nagpa nganga sa kanila pero nagpangisi kay Kristof.

Kristof knows what Jade's attitude really is. Dahil sa totoo lang si Jade talaga ang gusto niya at hindi si Jane. Subalit si Jane ang naligawan niya dahil girlfriend na ni Zac si Jade.

"Kumain na tayo guys and let's plan for what we will do tonight." Sagot ni Jamaica at nagpatuloy na sa pagkain.

Nagpatuloy narin sa pagkain ang iba. Samantalang si Anna ay pumunta sa sala. Simula noong pinagbawalan sila ng matandang care taker na buksan ang aparador ay naintriga na siya.

"What is really inside you, old cabinet? Bakit nga ba bawal pakialaman ang mga sulat na nasa loob mo?" Saad niya at binuksan ang aparador.

Agad na tumambad sa kanya ang napakaraming lumang sulat. Pero may isa doon na nakakuha ng atensyon niya. Ang kulay dugong subre na parang may mga sunog ng parte. Wala sa sarili niya itong binuksan at binasa.

"YOU'RE NEXT. WANNA PLAY HIDE AND SEEK?" Pagbasa niya sa salitang naka sulat sa lumang papel. "You're next? Anong klaseng letter naman ito? Ang corny." Natatawang saad niya.

"Hindi ba at sinabi ko na huwag mong papakialaman ang loob ng aparador?"

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now