Masayang nakatingin si Jade sa unti unti nang nawawalan ng hininga na si Jamaica.
"Manunuklaw na nga lang kasi ang pag aari ko pa, iyan tuloy pinagtutuklaw ka ng mga kauri mo." Saad ni Jade at tumawa ng mahina.
Pagkatapos ng matagumpay na trip ni Jade ay inayos niya na ang sarili at dali daling umalis sa lugar.
Nakarinig siya ng kakaunting ingay at panigurado ay mula sa kung saan naroroon sila Zac at Kristof iyon kaya naman...
"Babe? Kris? Where are you?" Sigaw niya at ngumisi.
Patuloy lang siya sa pagsigaw hanggang sa malapit na sa kanyang kinaroroonan ang dalawa.
Agad siyang sumalampak sa damuhan at sinugatan ang kanyang talampakan. Pagkatapos niyang gawin 'yun ay nag umpisa na siyang humiyaw dahil sa sakit.
"What the f*ck, Jade what happened to you?" Agarang saad ni Zac pagkalapit sa dalaga at inalalayan itong tumayo.
"I c-can't stand babe. M-masakit 'yung t-talampakan ko." Nauutal at naiiyak niyang saad sa binata.
Sa sinabi niyang iyon ay hindi na nagdalawang isip si Zac na buhatin siya ng pangkasal. "Kristof puntahan mo si Jamaica and tell her nauna na ako kasama ko si Jade," utos niya kay Kristof na agad namang tumango.
Patago namang ngumisi si Jade. 'Iyun ay kung makikita mo pa siyang buhay, Kristof'.
"Sige bro, you two take care," saad ni Kristof at tumango naman si Zac bilang tugon.
Pagkaalis ni Kristof ay umalis narin si Zac karga si Jade pabalik sa bahay.
Kristof started looking for Jamaica dahil wala ito sa lugar kung saan nila ito iniwan.
"Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Ang arte kasi eh," saad niya sa sarili.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa mayroon siyang napansin sa hindi kalayuan. Wala sa sarili niya itong pinulot pero agad ding nabitawan.
'You're Next' basa niya sa nakasulat.
"Wtf!!JAMAICA!" Nag umpisa na siyang sumigaw. "No this can't be, I don't want to die. Hell Jamaica where are you!" Sigaw niya ulit at naglakad-takbo.
Pagkadating nila Zac sa bahay ay agad niyang inilapag sa sofa si Jade.
"What happened? Why is your foot bleeding kambal?" Agad na tanong ni Jane na kasalukuyang nasa sala din.
"Nakatapak lang ng matalim na kahoy kambal," mahinang sagot ni Jade.
"Zac, pakikuha nga ng first aid kit sa kitchen. Nasa aparador katabi ng ref," utos ni Jane.
"Okay sige." Sagot naman ni Zac at pumunta na ng kusina. Agad niya namang nakita kung nasaan ang first aid kit kaya bumalik siya agad sa sala dala ito.
Tumayo naman si Jane at sinalubong si Zac para kunin ang kit. "Thanks."
Jane started cleaning Jade's wound. "Bakit ba kasi tatanga tanga ka," pagmamaldita niya sa kakambal.
"Kasalanan ng kahoy iyon Jane, kaya siya ang tanga," pamimilosopo ni Jade sa kakambal kaya tinaasan siya ng kilay nito.
"Teka lang Jade, why are you there?" Takang tanong ni Zac.
"Ah k-kasi... ang tagal niyong m-makabalik eh. Aray naman kambal dahan-dahan!" Sigaw niya sa kakambal at pinalo ang kamay nito.
"Huwag ka kasing malikot, nilalagyan ko ng gaza 'yung sugat mo ang likot likot mo," saway naman ng kakambal niya sa kanya.
"Eh kasi naman Jane, nakikiliti ako eh," saad niya.
Malakas naman na tumawa si Jane habang si Zac ay pinipigilan ang tawa.
"Subukan mong tumawa babe. Puputulin ko dila mo!" Pagbabanta niya kay Zac sabay tingin ng masama dito.
Tinaas naman ni Zac ang dalawang kamay senyales ng pagsuko. "What did you just called me?" Bakas sa mukha ni Zac ang pagkagulat.
"Hala siya? Late reaction." Natatawang sambit ni Jade na sinabayan naman ng tawa ni Jane.
"Guys ano ba!" Sigaw ni Zac na namumula.
"Kambal kinikilig siya." Pangungutya ni Jane at humalakhak naman ng tawa.
Nasa kalagitnaan sila ng pagbibiruan nang biglang pumasok ang hinihingal na si Kristof.
"Jamaica is dead," agad na sambit nila dahilan para matigil sa pagtawa ang tatlo.
"What? Teka lang. Hindi ba at magkakasama kayong tatlo na pumunta doon?" Takang tanong ni Jane.
"Yeah magkakasama kami, pero nagpaiwan kasi siya eh. And 'nung bumalik na kami nakita ko si Jade na nakaupo sa lupa at dumudugo na ang talampakan," pagpapaliwanag ni Zac.
"Where is she?" Inosenting tanong ni Jade.
"I think nahulog siya sa hukay na puro ahas. Doon ko siya nakitang wala ng buhay eh," hinihingal parin na saad ni Kristof.
"Hukay na puro ahas? Paano nagkaroon ng ganoon doon?" Nakakunot noo na tanong ni Zac.
"I don't even know and guess what I just found." Nilahad ni Kristof ang duguang subre na napulot niya kay Zac.
"Saan mo napulot ito?" Tanong ni Zac.
"Doon sa kakahuyan mismo. Malapit sa hukay kung nasaan si Jamaica." Saad ni Kristof at pasalampak na umupo sa sahig.
"So kung patay na si Jamaica at ikaw ang nakapulot ng subre-"
"It means You're Next Kristof," pagputol ni Jade sa sasabihin sana ni Jane.
Sa sinabing iyon ni Jade ay napatayo si Kristof. "P*tang inang killer na iyan. Ang lakas ng trip niya ha. Una si Anna, sinunod si James, tapos si Jeff, kanina si Jamaica tapos ako na ang sunod? Ano tingin niya sa atin? Insekto na kapag trip patayin ay papatayin niya nalang? Kapag talaga nakaharap ko ang killer na iyan ako ang papatay sa kanya." May bahid ng galit sa paraan ng pagsasalita ni Kristof.
Palihim naman na ngumisi si Jade. "Tapang natin Kristof ah," pagbibiro niya kunwari sa binata.
"I'm just stating the fact here, Jade. Kung sa tingin niya ay matatakot ako sa kanya pwes nagkakamali siya. Baka ako pa ang pumatay sa kanya." Siguradong tugon ni Kristof.
"My next player makes me more exciting," Natatawang sambit ni Jade sa kanyang isip.
"Paano ba iyan Kristof? You're Next na." Pagbibiro ni Jade kaya sinamaan siya ng tingin ni Zac.
"Babe,"saad nito.
"Nagbibiro lang ako okay? Pero nasa iyo na 'yun Kristof kung seseryusuhin mo." Sagot ni Jade na tumayo at paika-ikang naglakad papuntang kwarto nila. Sinundan naman siya ni Jane para alalayan.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.