Habang nasa hospital sila ay humarap si Jana sa salaming nasa loob ng kwarto niya.
"It's really so nice to be you Jade. Now that I am free I can enjoy the life that you had. I can now enjoy this beautiful face, this sexy body and this freedom. Isama pa na masosolo ko si mama dahil pareho na kayong wala ni Jane." Kausap niya sa sarili sa harap ng salamin habang hinahaplos ang kanyang mukha.
"Sino ang kausap mo anak?" Bigla naman siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat.
"Kanina ka pa diyan ma?" Tanong niya.
"No anak, kararating ko lang." Sagot nito at umupo sa dulo ng kama.
She need to act nice and malambing dahil ganun ang ugali ni Jade. "I'm just talking to myself ma, masaya lang ako dahil ligtas ako but at the same time I'm sad because we lost Jane."
Umarte siyang nalulungkot kaya nilapitan siya ng ina para aluin. "Wala na tayong magagawa Jade, wala na talaga ang kakambal mo. What we need to do right now is to move on. The investigating team is now focusing on Jane and your friends case. And hoping na sana ay mahuli ang mga gumawa nito sa kanila." Saad ng ina niya habang hinahagod ang likod niya.
Pasimple siyang kinabahan. Hoping na walang maiwang ebidensya sa krimeng ginawa niya. She maybe burnt the whole house pero alam niyang gagawin ng mga imbestigador ang lahat para lang ma solve ang kaso.
Nasa ganun silang posisyon ng pumasok ang isa sa mga imbestigador. "Kailangan po naming makausap ang anak niyo Mrs. Santillan," anito.
Agad naman siyang umarte na natatakot. "Mama ayoko po, natatakot po ako mama." Saad niya at sumiksik sa ina.
"Anak kailangan ka nilang makausap," turan ng Mama niya.
"Mama ayoko nga po, besides hindi ko naman po kilala iyon eh!" Sigaw niya kaya nagulat ang ina.
Kahit siya ay nagulat din sa pagsigaw niya kaya humingi siya ng pasensya sa ina at sa imbestigador.
"Sir siguro pwede naman pong ipagpaliban muna ang pagtatanong sa anak ko? mukhang may trauma po siya eh," turan ng ina.
Tango lang ang isinagot ng imbestigador sa ina niya subalit ang matatalim nitong mga mata ay nasa kanya kaya nilabanan niya ang mga titig nito.
Bago lumabas ang Imbestigador ay may napansin siyang papel na nahulog mula sa folder na hawak nito. Marahil ay hindi nito napansin na mayroong nahulog dahil dumiretso lang ito palabas ng pinto.
"Ma, gusto ko po sanang magpahinga." Saad niya at humikab.
"Ohh you really should anak. Uuwi muna ako para kumuha ng mga gamit mo," saad ng ina.
Tinanguan niya naman ito at humiga na sa hospital bed. Hinalikan muna siya sa noo ng mama niya bago ito umalis.
Nang masigurado niyang nakalayo na ang ina ay bumaba siya sa hospital bed at pinulot ang papel na nahulog ng imbestigador kanina.
At parang tinakasan siya ng dugo sa nabasa niya.
'YOU'RE NEXT'
Basa niya sa nakasulat sa papel. Agad niya itong pinagpupunit at nag umpisa na siyang manginig.
"No, No! Hindi pwede. I am the one who did that thing, hindi ako pwedeng mamatay!" Sigaw niya habang umiiyak na tumtawa. "That investigator, does he knows what I did?" saad niya habang kinakagat na ang dulo ng kanyang kuko. "Imposible, walang nakakaalam ng ginawa ko. M-maybe h-he just s-saw it doon sa m-mansyon. Yes, tama tama doon niya lang iyon nakita at hindi niya lang namalayang nahulog niya." pagpapakalma niya sa sarili. "Pero p-paano siya nagkaroon ng ganun? I make sure na nasama iyon sa pagsunog ko sa kanila Jane at Zac." Sambit nya na naman at naglakad paroon parito sa loob ng kwarto.
Nag umpisa na siyang pagpawisan at makaramdam ng init. Kinakabahan na siy iyon ang alam niya.
'Pero bakit naman ako kakabahan? Wala kang ginawang masama Jana. Inosente ka, wala kang pinatay' saad niya sa isip at tumawa.
Alam niya sa sarili niyang kailangan niiyang kumalma kaya tinawagan niya ang mama niya. "Mama, I'm scared." Umiiyak na sambit niya.
["Calm down Jade, pabalik na ako diyan sa hospital."]
Sa sinabing iyon ng ina niya ay mas lalo siyang kinabahan.
"What the f*ck is happening to me?!" Sigaw niya.
Nag umpisa na siyang magwala at manira ng gamit sa kwarto niya.
Habang nagwawala siya ay biglang bumukas ang pinto. "Jade what's going on?" Tanong ng ina niya.
"Stay away from me! Leave me alone!" Patuloy na sigaw niya habang nagwawala.
"Bakit ka naman namin iiwan? Hindi kami ikaw Jana"
"How dare you left us alone? We are calling you! We are asking for your help!"
Mga boses na naririnig niya na.
"No! Leave me alone!" Sigaw niya naman.
Dahil sa pag alala at takot ng ina ay tumawag nalang ito ng Doctor imbes na lapitan siya.
Maya maya ay kasabay na ng mama niya ang isang doctor at dalawang lalaking nurse. Hinawakan siya ng dalawang nurse at pilit na pinapahiga sa kama. Kahit anong pag pupumiglas niya ay walang epekto sa dalawang nurse na gumagapos sa kanya.
Nang matagumpay siyang napahiga ng mga ito ay lumapit na ang Doctor at tinurukan siya ng pampakalma. Ilang sandali rin ay umepekto na ang gamot kaya unti unti na siyang kumalma. Hanggang sa nakatulog na siya.
"What happened to her earlier ay epekto ng mga nangyari sa kanya at sa mga kasamahan niya. Your daughter is traumatize Mrs. Santillan," paliwanag ng Doctor sa ina niya.
"Kahit sino naman Doc ay mat-trauma sa mga nasaksihan niya." Sagot ng ina at lumapit sa anak na natutulog na ng mahimbing.
"I do suggest you let her see a psychiatrist Mrs. Santillan I assure you makakatulong ito sa anak mo," suhestiyon ng Doctor.
"Doc is there a possibility na bumalik ang sakit niya?" Tanong ng ina.
"What do you mean Mrs. Santillan?"
"She was diagnosed with Dissociative Identity Disorder when she was a kid." Saad ng ina at binalingan ng tingin ang inaakala niyang anak na si Jade.
"Kapag nagpatuloy ang pagwawala niya dahil sa mga nangyari Mrs. Santillan we are sorry to say na yes. Lalo na kapag galit siya or natatakot. So I do suggest na ipatingin niyo talaga siyia sa isang Psychiatrist, the earlier the better." Saad ng doctor at tinapik ang balikat ng ina niya bago nagpaalam na umalis.
Pagkaalis ng Doctor ay nilapitan ni Mrs. Santillan ang anak na mahimbing ang tulog. "Hindi pwedeng bumalik ang sakit mo Jade, hindi pwedeng bumalik si Jana."
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Tajemnica / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.