Nang umalis na ang dalawang binata ay umupo naman si Jamaica sa putol na punong nakatumba.
"This is so freaking sh*t. This must be a retreat not a hide and seek," saad niya sa sarili.
"You're right."
Sagot ng taong nasa likod niya kaya pabalikwas siyang tumayo.
"And who the hell are you?" Matapang na tanong niya kahit sa loob-loob niya ay natatakot na siya.
"Tapang naman," sagot ng dalagang nakamaskara.
"Oh yeah, ikaw lang naman ang duwag," mataray na sagot niya.
"Talaga ba Jamaica?" May halong pang aasar na sambit ng dalaga.
"Sino ka ba ha." Sigaw niya dito at inabot ang maskarang naka takip sa mukha nito. Pero hindi pa man niya naaabut ang mukha nito ay sinaksak ng dalaga ang kanyang braso kaya napasigaw at napaiyak siya sa sakit.
"Akala ko ba matapang ka? Eh bakit ka umiiyak? Lanseta pa nga lang ang sinaksak sa'yo umiyak kana?" Nang aasar na tanong ng dalaga at diniin pa lalo ang lanseta.
"Tama naaaaaa!" Umiiyak na sigaw ni Jamaica.
"Ang ingay mong higad ka!" Sigaw ng dalaga at tinulak si Jamaica kaya nasalampak ito sa lupa.
"S-sino k-ka?" Nauutal at umiiyak dahil sa sakit na tanong ni Jamaica.
"Who you para sagutin ko? Teka nga ang ingay mo." Sambit ng dalaga at nilabas sa bulsa ang isang underwear ng lalaki. "See this? This is Zac's favorite underwear, actually I am the one who bought this."
Sa sinabing iyon ng dalaga ay napa awang ang bibig ni Jamaica. "J-jade?". Tanong niya.
"Oh you got it right." Natatawang tugon ni Jade at tinanggal ang maskarang nakatakip sa mukha niya at tumawa na parang baliw.
"T-tama nga ako. I-ikaw ang killer. Ikaw ang pumatay sa kanila," pasigaw ni Jamaica.
"Yes it's me. And as what Zac said You're Next." Saad ng dalaga at tumawa na naman na parang baliw.
Agad na tumayo si Jamaica kahit namimilipit sa sakit dahil sa pagkasaksak sa braso niya. Pero ng akma siyang tatakbo ay hinablot ni Jade ang buhok niya at sinaksak siya sa gilid. Kaya napahiyaw na naman siya sa sakit at napaupo ulit.
"Sa tingin mo hahayaan kitang makatakas?" Natatawang saad ni Jade.
"Ano papatayin mo rin ako kagaya ng ginawa mo sa kanila ha!" Matapang na sigaw ni Jamaica.
"Ang ingay!" Sigaw pabalik ni Jade at ginawang busal sa bibig ni Jamaica ang underware ni Zac. "Gusto mong matikman ulit si Zac di'ba? Ang kaso mamamatay kana kaya yang underwear niya nalang ang tikman mo."
Pagkatapos niyang busalan si Jamaica ay hinawakan niya ito sa buhok at pabarag na kinaladkad papuntang gitnang parte ng kakahuyan.
Nang makarating na sila sa gitna ay padabog niyang binitawan si Jamaica malapit sa isang hukay.
"See that pit? That pit is full of snakes. Mga kauri mo, ang kaso nga lang hindi mo sila kakampi. Kasi mga alaga ko sila, and you know what I just told them earlier? Ang sabi ko makakakain na sila kasi gutom na sila eh. Maawain kasi ako sa mga hayop Jamaica ang kaso sayo? Hindi ako naaawa at hinding-hindi ako maaawa," saad niya.
Umiiyak namang umuurong si Jamaica palayo sa hukay pero tinutulak siya pabalik ni Jade dito.
"Alam mo Jamaica? Parang ang bilis naman kung mamamatay ka lang sa kagat ng mga ahas ko. What if maglaro muna tayo? Ganito ang mechanics ng game, may mga itatanong ako sa'yo kapag hindi mo nasagot ng tama sasaksakin kita sa kahit saang parte ng katawan mo. Pero kapag nakasagot ka edi hindi." Saad ni Jade at pinaglalaruan pa sa kamay niya ang lanseta.
Tinanggal na ni Jade ang busal sa bibig ni Jamaica para naman makapagsalita ito. "And oh, one more thing. Don't you dare shout baka marindi ako at puso mo mismo ang masaksak ko." Utos ni Jade at para namang tutang tumango si Jamaica.
"Good girl." Sambit ni Jade at pinat ang ulo ni Jamaica.
"Unang tanong, Kailan mo inumpisahang landiin si Zac?" Tanong ni Jade.
"W-when I n-noticed na n-nilalandi din siya ni A-anna." Sagot ni Jamaica dahilan para saksakin siya ni Jade sa binti.
"Weeh?????" Pang aasar niya. "Totoo?"
"I-i'm t-telling the truth," nahihirapang saad ni Jamaica.
"Ayy totoo? Sorry akala ko scam eh, legit pala," may arting turan ni Jade. "Okay next question, did you ever slept with my boyfriend?"
"Y-yes," nakayukong sagot ni Jamaica kaya sinaksak na naman siya ni Jade sa kabilang binti kaya napadaing ito. "Y-you s-said when I t-tell you the truth h-hindi mo a-ako s-sasaktan," nahihirapang sambit ni Jamaica.
"Hala? Sinabi ko ba iyun? Akala ko 'yung sinabi ko is kapag hindi ko nagustuhan ang sagot mo ay sasaksakin kita eh. Shocks, tanga mo naman self." Saad ni Jade at tumawa ng malakas. "Okay, back to the game. Do you still remember the incident happened noong cheerdance competition sa school? 'yung nalaglag si Jane at nagka injury?" Tanong niya at bumaling kay Jamaica habang nakatutok ang lanseta sa mukha nito, tumango naman si Jamaica. "Why did you block the guy who is carrying Jane while she is doing the stunt?" Tanong niya dito dahilan para mapalunok si Jamaica. "Uulitin ko Jamaica, bakit mo ginawa 'yun?p!" Sigaw ni Jade.
"B-because I envy her. I also a-auditioned for that part pero siya ang napili," nauutal na tugon ni Jamaica.
Sinaksak ulit ni Jade ang binti niya. "So kaya mo pinatid 'yung lalaki? What if nabagok ang ulo ng kakambal ko noong nahulog siya? E di namatay ang kakambal ko 'diba? Oh baka mas maaga kang namatay kaysa ngayon." Seryosong sambit ni Jade habang masamang nakatingin kay Jamaica na humihiyaw at umiiyak na sa sakit. "Inggit,selos ano pa? Hah Jamaica ano pa? Kahit ano pa ang dahilan mo hindi kana makakatakas sa kamatayan mo." Sambit ni Jade at ngumisi kasabay ng pagtulak kay Jamaica palaglag sa hukay na puno ng iba't ibang klase ng ahas.
Pagkalaglag ni jamaica sa hukay ay nag-umpisa na siyang tuklawin ng mga ahas. Sa bawat tuklaw ng mga ito sa kanya ay kasabay nun ay ang paghiyaw ni Jamaica sa sakit na dahilan upang sumayaw sayaw si Jade sa itaas.
"Hearing you scream for your life is like a beautiful music to my ears, Jamaica. But don't worry Jam may susunod naman sa'yo." saad ni Jade na nakangisi at tinalikuran na ang hukay kung nasaan ang dalagang si jamaica na nanghihina na dahil sa tuklaw ng mga ahas.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Misterio / SuspensoMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.