Kahit kumakain na sila masama parin ang tingin ni Jade kay Jane. Para siyang Lion na kahit anong oras ay manlalapa ng kanyang pagkain.
"Are you girls having some arguments? Ang sama ng tingin mo kay Jane," tanong ni Kristof kay Jade.
"Wala," tanging sagot ni Jade.
Kaya tumingin si Kristof kay Jane na nasa tabi niya. "Jane?"
"Jade is telling the truth Kris." Sagot ni Jane at binaling sa kakambal na nasa harap niya ang tingin.
Jade raise her right eyebrow and mouthed 'what?' kaya pasimple siyang umiling at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Pero ang binatang si Kristof ay pasimple parin nakamasid sa kambal.
"I'll wash the dishes," presenta ni Jane nang matapos na silang kumain.
Tango lang ang isinagot ng dalawang binata subalit si Jade ay walang kibong lumabas ng kusina.
Si Kristof ay dumiretso sa likod ng bahay para manigarilyo. Akmang sisindi na siya ng may magsalita sa likod niya dahilan kaya nagulat siya at nabitawan ang lighter niya.
"Smokers don't grow old. They die young." Saad ni Jade at sumandal sa pader.
"F*ck Jade, bakit ka nanggugulat?" Tanong niya habang nasa dibdib ang kaliwang kamay.
"Sorry, I didn't mean to," tanging sagot nito.
"What are you doing here?" Tanong ni Kristof.
"I want to play." Sagot nito at walang pasabing tinadyakan sa sikmura.
"Wtf Jade." Tanging sagot nito habang nakahawak sa tiyan at namimilipit sa sakit
"Bangon," utos nito.
Dahan-dahan namang bumangon si Kristof. "A-ano ba ang p-problema mo?" nauutal dahil sa sakit na tanong nito.
"I just want to play." Sagot ni Jade at kinuha ang nalaglag na lighter ni Kristof. "I want to play with this." Jade said and lit the cigarette using Kristof's lighter.
"So bakit kailangang manipa?" Tanong ni Kristof.
"Kagaya ng sinabi ko kay James noon. "Trip ko lang." Sagot ni Jade at ngumisi na parang demonyo.
Lumapit si Kristof sa kanya para hawakan siya sa braso.
"Bitawan mo ang kamay ko Kris," Seryosong saad niya.
"Ano ako tanga? At bakit naman kita bibitawan ha? I knew in the first place ikaw ang pumapatay. I know you are the psychopath, Jade." Saad ni Kristof at marahas siyang hinila.
Pero para siyang posteng hindi man lang natinag sa ginawa ni Kristof. "I am not Jade, I am Jana." Sagot nito at sinaksak si Kristof sa tagiliran kaya napaluhod ito.
"H-help." Nahihirapang sambit ni Kristof habang nakahawak sa tagiliran niya.
"In every shout that you make the more blood you lose Kris." Ngising saad ng dalaga at Sinisilaban ang matalim na parte ng lansetang hawak gamit ang lighter ni Kris.
Yumuko naman si Jade or should we say Jana. "Do you know some are using fire to sterilize something na gagamitin para manghiwa?" Saad niya.
Inilabas niya ang puting panyo na nasa bulsa niya at ginawang busal sa bibig ni Kristof. Hindi niya ito matali ng maayos dahil tinatanggal ito ng binata kaya sinaksak niya ang kabila pa nitong tagiliran. Napasigaw naman si Kristof.
Walang pasabi niyang binusalan si Kristof gamit ang puting panyo. "Kung hindi ka sana makulit, hindi ka masasaktan," seryoso niyang saad. "Ang hirap niyong kalaro."
Pinainit niya ulit ang patalim ng lanseta at pabarag na binalibag pahiga si Kristof. "They say, cigarette smoking is dangerous to your health." Saad ni Jade at hiniwaan ng mas malaki ang tagiliran ni Kristof.
"ARGHHHHH!" Tanging sigaw lang ni Kristof sa gitna ng ginagawa ni Jade.
Pagkahiwa ni Jade sa sugat niya ay kinuha nito mula sa bulsa ni Kristof ang isang kaha ng sigarilyo. Isa isa niya itong inilabas mula sa kaha at inilabas ang mga tabacco mula dito at isiniksik sa tagiliran ni Kristof.
Agad niya itong sinindihan. Kaya mas lalong napahiyaw sa sakit si Kristof habang pilit na ginagalaw ang katawan para matanggal ang mga tabaccong nagbabaga sa kanyang tagiliran.
Samantala si Jade naman ay nagsasayaw-sayaw sa usok na nagmumula sa ginawa niya.
Nang mapansin niyang unti unti ng nauubos ang tobacco ay kumuha namn siya ng kung ano anong tuyong damo sa tabi tabi.
Habang abala si Jade sa ginagawa niya ay pinilit ni Kristof na makatayo.
"At sa tingin mo makakatakas ka?" Nakangising saad ng kung sino.
"Jane," tanging sagot ni Jade.
Walang pasabing tinadyakan ni Jane si Kristof at kinaladkad ito ng matumba na.
"Nasaan si Zac?" Tanong ni Jade.
"Pinatulog ko na." Sagot ni Jane at tinalian si Kristof. "Anong sunod mong gagawin dito?"
"Pausukan. Total mahilig naman magpausok yan eh," sagot ni Jade.
"Tulungan na kita diyan." Saad ni Jane at tinulungan si Jade sa pagkuha ng mga damo.
Nang marami na ang kanilang nakuha ay nilagay nila ito sa palibot ni Kristof na nagpipilit na kumalas sa pagkakatali sa kamay at paa nito.
"Ang galing mo talagang umarte kanina kambal." Natatawang saad ni Jade at nakipag apir kay Jane.
"Syempre para naman magmukhang tanga yung mga taong iyan." Patukoy ni Jane sa mga nagbabasa ng kwento nila. "Nasaan na ang lighter nito?" Tanong niya sa kakambal niya sabay turo kay Kristof.
"Here, ikaw na ang sumilab sa mga damong yan," utos ni Jade na agad namang sinunod ni Jane. "You will be lucky if you can escape," nakangising saad ni Jane.
Dahil sa usok na nalalanghap ni Kristof ay napapaubo na ito.
"Grabe ka makasaksak kanina ah," natatawang sambit ni Jane.
"Nanunuod ka pala." Saad ni Jade at nakangising tinitignan si Kristof na nahihirapan ng huminga dahil sa makapal na usok mula sa mga damo.
"Mamamatay na ba iyan?" Tanong ni Jane.
"Ewan ko. Kung mabubuhay man iyan ay may cancer na sa baga," natatawang saad ni Jade.
"Patayin mo nalang." Sagot ni Jane at hinagis kay Jade ang samurai, ito ang samurai na ginamit para patayin si Anna.
Pagkasalo ni Jade ay agad niyang hinambalos ito kay Kristof. Kaya putol ang ulo ng binata.
"Isa nalang." Sabay nilang saad at nakipag apir sa isa't isa.
Magkahawak kamay ang kambal na pumasok ng bahay. At nadatnan nila ang nakagapos na sa upuang kahoy.
"Tinali ko na baka magising at makatakas pa eh," sambit ni Jane na ikinatango ni Jade.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Misterio / SuspensoMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.