KABANATA 9

130 23 7
                                    

Nasa kusina na sila Kristof at patuloy na naghahanap ng mga kandila sa cabinet.

"What do you think will happen to us now Kris? Ayokong matulad kay Anna," May bahid ng takot na saad ni James dahilan para lingunin siya ni Kristof.

"Don't be gay James." Tanging sagot lang ni Kristof at kinuha ang isang pack ng kandila sa aparador.

Magkasunod na lumabas ng kusina at tumungo ng sala ang dalawang binata.

"Where are the twins?" Tanong ni Kristof sa mga natira sa sala.

"Pumasok sila sa kwarto." Saad ni Jamaica at tumayo. Pagkatayo niya ay may kung anong nahulog sa bulsa niya. Nakita ito ni Zac at pasimpleng tinakpan ng paa niya.

"Saan punta mo Jam?" Tanong ni Jeff.

"Papasok sa kwarto. Katamad kayong kaharap eh," Pabalang na sagot ng dalaga.

"Aren't you scared? Baka katayin ka ng kambal doon." Natatawang saad ni James.

"Atleast may magiging witness," Ngisi niyang sagot.

"Knowing Jade hindi siya palaging nangunguna," saad ni Zac kaya nilingon siya ni Jam na nakatalikod na sa kanya.

"Talagang kilalang kilala mo si Jade ano?" Ngising saad ng dalaga.

Tumayo naman si Zac. "Yes, and what you are accusing her is not true," Saad nito kaya tumalikod nalang si Jamaica at nagmartsa na papuntang kwarto nila.

Pasimple namang yumuko si Zac para kunin ang kung anong nahulog kanina sa bulsa ni Jamaica.

"Guys kwarto lang ako ha. Medyo inaantok na rin ako eh. Besides it's black out," saad niya sa mga kaibigan, hindi niya na hinintay ang sagot ng mga ito at dumiretso na sa kwarto.

Pagkarating sa kwarto ay tinignan niya ang bagay na kanina ay nalaglag sa bulsa ni Jamaica.

"This is Anna's bracelet," Sambit niya sa sarili. "Paanong na kay Jamaica 'to?"

Because of what he have in his hand right now Zac think of accusing Jamaica.

"Hindi kaya si Jam ang pumatay kay Anna?" Naguguluhang sambit niya sa sarili.

Pero kung si Jam nga, bakit? Bakit niya gagawin kay Anna iyon? Ang daming tanong na nabubuo sa isip ni Zac sa mga oras na iyon.

Patuloy niyang tinitignan ang bracelet ni Anna ng biglang bumukas ang pinto kaya nataranta siyang pinasok ang bracelet sa bulsa niya.

"Oh dude, anong nangyari? Para kang nakakita ng multo. Nataranta kapa," sambit ni James.

"Sino ba naman ang hindi matataranta eh bigla kang papasok. Tapos black out pa ul*l," Saad niya kaya napatawa naman si James.

"Easy dude," Natatawang saad nito. "By the way who will cook for tonight? I'm hungry na eh."

"Si Jade dapat eh. Ang kaso wala yata sa mood," Saad ni Zac.

"Ohh. In that case, I guess ako nalang ang magluluto. Pero dude, hotdog at itlog lang ang kaya kung lutuin ha," Seryosong saad ni James pero napatawa pa si Zac. "Why are you laughing f*cker?"

"Nothing dude. Ayos 'yan atleast may alam kang lutuin." Saad ni Zac at tinapik ang balikat ni James bago humiga sa kama.

Iling iling at nagkakamot ulo namang lumabas si James ng kwarto. Pagkarating sa sala ay nakasalubong niya si Kristof.

"Where are you going?" Tanong nito sa kanya.

"Kitchen, ako magluluto ngayon. Our cook is not in her mood." Tanging sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Samantalang sa kwarto naman ng mga babae ay may kanya kanya silang ginagawa. Tutok sa cellphone si Jane, si Jade naman ay nasa bintana ang tingin habang si Jamaica naman ay kanina pa aligaga sa kanyang hinahanap.

"Jam what's wrong? Kanina pa kita napapansin. Are you looking for something?" Tanong ni Jane.

"Its none of your business," Matigas na saad nito.

"Fine, sana hindi mo makita." Sagot ni Jane at inirapan si Jamaica.

"What ever." Maarting saad ni Jamaica at ginantihan ng irap si Jane.

"Ah Jade. May laman pa powerbank mo?" Tanong ni Jane sa kakambal.

"Yeah, nasa maleta ko." Tanging saad ng kakambal niya na nasa labas ng bintana parin ang tingin. Agad namang pumunta si Jane sa kung nasaan ang maleta ng kakambal.

"You brought two powerbanks?" Tanong ni Jane sa kakambal.

"Yeah, because I know hindi mo madadala 'yung sa'yo o kung dala mo man ay lowbat na agad. Puro ka tiktok eh," Nang aasar na saad ng kakambal niya.

"Chee bruha ka! Magpapahiram ka nga mang aasar ka naman!" Saad ni Jane at binato ng neck pillow si Jade pero nasalo naman nito.

"Ikaw nga manghihiram na nga lang tatalak pa eh." Saad ni Jade at binato pabalik kay Jane ang neck pillow.

"Can you two shut up and stop acting like kids?" Irita at maarting bulyaw ni Jamaica. "Your voices are too iritating!"

"E di lumabas ka para hindi mo marinig." Sigaw ni Jade at binato ng headphone si Jamaica. "O hindi kaya ayan headphone isalpak mo sa taenga mo!"

"Ano ba ang problema mo ha weaksh*t!" Sigaw ni Jamaica.

"Wala, pero ikaw parang meron." Ngising saad ni Jade samantalang ang kakambal niya ay pinapanood lang silang dalawa.

"And who told you na may problema ako ha?" Tanong ni Jam.

"Wala, but your actions tells me. What is your problem nga ba Jamaica?" Ngising tanong ni Jade.

"You f*ckng don't care." Tanging sagot nito.

"So meron nga?" Sabad ni Jane. "Nakaka curious naman Jam."

"Alam niyo kayong magkapatid pareho kayong napaka pakialamera." Iritang saad ni Jamaica na nakapameywang pa.

"Malamang kambal kami eh," Pabalang na sagot sa kanya ni Jade.

"T*nga lang Jam?" Humahalakhak na turan ni Jane.

"Can you two stop?" Saad niya ulit.

"What if we don't? May magagawa ka?" Ngising sambit ni Jade.

Napaatras naman si Jamaica ng maglakad palapit sa kanya si Jade .

"Oh? Why you look scared? You said Jade is a weaksh*t di'ba?" Saad ni Jane at ngumisi.

Lumapit rin sa kanya si Jane kaya dali dali siyang tumakbo papunta sa pintuan ng kwarto at binuksan ito. "Mga baliw!" Sigaw nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Halakhak naman ang naging tugon ng kambal sa sinabi niyang iyon.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now