Nanghihina na sa sakit si Zac habang si Jana naman ay nakatalikod sa kanila habang naninigarilyo. Kaya nilapitan siya ni Jane.
"Are you really going to kill Zac?" Tanong niya rito.
"And why are you asking?" Patanong na sagot nito sa kanya.
"Nothing." sagot niya rito at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Nag iisip kung paano siya makakaligtas, wala na siyang pakialam pa kung masaktan niya ang kakambal niya kung sakaling mangyari ang isang bagay na nasa isip niya. Ang saktan din siya nito.
Nilapitan niya si Zac upang tignan kung buhay pa ba ito, nakayuko nalang kasi ang binata.
"Do you also like him?" Nagulat pa siya sa biglang pagtanong ni jana sa kanya.
"I don't like him and wala akong planong traidorin ang kakambal ko," Saad niya.
"So bakit pakiramdam ko ay tinatraidor mo ako ngayon?" tanong nito sa kanya habang pinaglalaruan ang filter ng sigarilyo nito.
"Nagkakamali ka ng iniisip J-jana." Saad niya at palihim na minura ang sarili.
"So why are you stuttering?" nakangising sambit nito habang lumalapit sa kanya. "I want to know how loyal you are to me Jane," dugtong nito.
"What do you want me to do?" Kinakabahang sagot niya rito.
"Kill him," saad nito na ang tinutukoy ay si Zac.
"J-jana..."
"Why? hindi mo kaya?" tanong nito kaya umiling siya. "Talaga? Bakit kanina tinulungan mo akong patayin si Kristof?" Nakangisi nitong tanong.
Sa sinabing iyon ni Jana ay natahimik siya.
"Since you helped me killed Kristof earlier it means mamamatay tao ka na rin," nakangising saad ni Jana.
"P-pinatay niyo si K-kristof?" nauutal na tanong ng nanghihinang si Zac.
"Oh yes loverboy and ikaw na ang susunod." Sagot sa kanya ni Jana at tumawa na parang baliw. Tsaka tinalikuran ito at pumunto sa terasa.
Bumuntong-hininga si jane at nag isip ng kanyang gagawin. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas siya... sila ni Zac.
Naghanap siya ng matigas na pwedeng ipukpok sa batok nito. Bahala na...
Nagtingin tingin siya sa paligid hanggang sa nakakita siya ng isang antigong flower vase kaya pasimple niya itong kinuha at dahan dahang lumapit sa dalagang nakatalikod.
Akmang hahampasin niya na ito ng biglang itong nagsalita. "Sa tingin mo kapag hinampas mo ako niyan ay mamamatay ako." Saad nito at lumingon sa kanya.
Parang demonyong nanlilisik ang mga mata sa galit ang nasa harapan niya. Kaya atras siya ng atras dahil abante naman ito ng abante.
"You told me hindi mo ako ta-taidorin di'ba? So bakit mo ako hahampasin niyan?" tanong nito patukoy sa vase na hawak niya.
Akmang lalapit sa kanya si Jana kaya hinagis niya sa harapan nito ang vase dahilan para mabasag ito at tumakbo.
"Hala takbo Jane. Gusto mo ring maglaro ha!" Sigaw nito at tumawa ng malakas. "Siguraduhin mong hindi kita mahuhuli dahil kapag nahuli kita... dila mo lang ang walang latay," sigaw ulit ni Jana.
Takbo lang ng takbo si jane hanggang sa makalabas siya ng bahay. Saan ako pupunta? saad nito sa isip niya.
Sa subrang takot ay hindi niya na namalayan kung nasaan na siya. Tumigil siya at lumingon lingon. Nasa gitna na siya ng kakahuyan at alam niyang mas delikado siya sa lugar na iyon.
Pinakiramdaman niya ang paligid. "Kailangan kong makalabas sa lugar na ito, ayokong mamatay." Sigaw niya.
Nakakita siya ng isang malaking kahoy kaya umakyat siya dito. Para sa kanya ito lang ang ligtas na lugar. Sana lang ay hindi tumingala si Jana kapag hinanap niya ako rito. Saad niya sa isip.
Nang makapwesto na siya sa itaas ng kahoy ay nag umpisa na siyang umiyak. "I am not a killer." Mahinang saad niya sa gitna ng pag hahagulgol.
Nakatingala siya habang pinapanood ang mga ibon na lumilipad ng bigla niyang maalala si Zac kaya napabalikwas siya. Hindi niya pwedeng iwan ang kaibigan niya doon. Sapagkat sila nalang ang natitirang buhay, pero paano siya makakabalik sa bahay? paano niya maililigtas ang kaibigan?
"Zac sorry." Sambit niya at umiyak na naman.
Dahil sa pagod ay hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya.
Kinabukasan ay nagising siya dahil maraming tumutusok sa balat niya kaya dumilat siya.
Bubuyog, napakaraming bubuyog ay nasa pwesto niya at isang tumatawa na parang baliw na tinig ang naririnig niya mula sa baba kaya tinignan niya ito.
"Sa tingin mo hahayaan kitang tumakas?" Saad nito habang sinisira ang bahay ng bubuyog na malapit sa kanya.
Samantalang siya naman ay tinataboy ang mga bubuyog na lumalapit sa kanya pero dahil subrang dami ng mga ito ay hindi parin siya nakakaligtas sa ibang tumutusok sa kanya. Nang hindi niya na makayanan ay tmalon na lang siya sa puno.
Sa pagtalon niya ay tumama ang likod niya sa isang malaking ugat kaya napahiyaw siya sa sakit.
Lumapit sa kanya si Jana. "Masakit?" tanong nito at tumawa, wala naman siya sa sariling tumango.
Ngumisi naman si Jana at sinipa siya kaya mas lalo siyang namilipit sa sakit. "Dito nalang kaya kita patayin nuh?"
Umiling naman siya habang umiiyak pero tinawanan lang siya nito.
"Ahh so ayaw mo dito? Sige sige sa bahay nalang kita papatayin." Turan nito at kinaladkad siya gamit ang kanyang mahabang buhok.
Nagpupumiglas siya pero wala siyang lakas sapagkat masakit ang kanyang likod dahil sa pagkakabagsak at idagdag pa ang tusok sa kanya ng mga bubuyog kanina.
Nang makarating na sila sa loob ng bahay ay padabog siyang binitawan ni Jana at sinipa na naman sa likod.
"J-jane." nahihirapang saad ni Zac habang nakatingin sa kanya na nasa paanan nito.
"Z-zac," nahiharapan dahil sa sakit niyang turan.
"Awwww... ang sweet niyo naman, para kayong magkasintahan na parehong mamamatay maya-maya." saad ni Jana at tumawa na naman.
"J-jade p-please, spare your t-twin sister," Pakiusap sa kanya ni Zac.
"Uh oh correction I'm Jana. And what did you just say? Spare her? This traitor?" Tukoy ni Jana kay Jane at ngumisi. "Hahayaan ko naman siyang makaligtas eh... yun ay kung..." Yumuko ito sa kanya. "Papatayin ka niya." saad nito at binaling ang tingin kay Jane.
Jane look at Jana with anger. "You are an evil!!" sigaw nito kay Jana.
"Oh yes I really am." Sigaw nito sa mismong mukha niya at tinadyakan ang tiyan niya kaya napaubo siya.
"J-jana t-tama na!" Pinilit ni zac ang sariling sumigaw.
"Tumahimik ka! Isa kapang malandi ka! Don't tell me may gusto ka rin sa babaeng ito," duro ni Jana kay Jane. "O baka may relasyon din kayong dalawa? Mga makakati kayo pinagkakaisahan niyo si Jade!" Sigaw nito at tinadyakan ang upuan kung nasaan nakatali si Zac kaya natumba ito. Tutal hindi ka kayang patayin ni Jane, pwes... pareho kayong mamamatay." Sigaw nito at iniwan silang dalawa.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.