Sa sinabing iyon ni Zac ay bumakas ang takot sa sistema ni Jamaica. Lakad dito, lakad doon ang ginawa ng dalaga habang kagat kagat ang mga daliri sa kuko.
"I don't want to f*cking die. I have lots of dreams pa, I have so many plans to do. Zac help me." Saad ni Jamaica at lumingkis kay Zac.
"Makalingkis parang ahas ah, baka nakakalimutan mo nandito ang ORIGINAL," parinig na Jane na ikinataas ng kilay ni Jamaica.
"Hayaan mo na kambal baka huling lingkis niya na iyan," Natatawang sabad ni Jade.
"Bwes*t ka!" Sigaw ni Jamaica kay Jade na tatawa tawa sa gilid. "Zac can you sleep with us sa room namin? I'm so scared," dugtong niya pa.
"Sus, hokage moves kambal. Huwag ka patalo." Sabad ni Jane na kay Jade ang tingin.
Sasabat sana si Jade ng biglang sumabat si Kristof. "Can you please stop arguing like kids? And Jamaica. Sa labas ng kwarto niyo kami matutulog ni Zac. We still need to respect your privacies as a women," saad nito.
"Ayyy, epic fail ang plano." Parinig ni Jane at umalis ng sala.
"Alam mo kayo ng kakambal mo mga bwes*t kayo. Bakit pa kasi kayo sumama dito." Duro niya kay Jade.
"Pinasama niyo eh." Tanging sagot ni Jade at umalis din ng sala.
"Tumigil ka na nga Jamaica, huwag kang umasta na pakiramdam mo perpekto ka," sambit ni Kristof. "By the way Zac pwede mo akong samahan? Babalikan lang natin ang katawan ni Jeff. Gusto kong bigyan siya ng maayos na libing," saad niya kay Zac.
"Alright, tara." Tanging sagot ni Zac at balibag na tinanggal ang kamay ni Jamaica na nakalingkis sa kanya. Tinignan niya pa muna ng masama si Jamaica bago sumunod kay Kristof na naglakad na pala palabas.
"Hoy! Iiwan niyo ako dito? Wait sasama ako." Siagaw niya at sumunod sa dalawang lalaki.
Palihim na sumulyap sa kanila ang dalagang nakangisi. "Hala sige buntot pa."
Biglang kumirot ang kanyang sintido kaya pumasok sa loob ng kwarto ang dalaga at humarap sa salamin.
"Bakit mo siya pinatay?"
"Kasi gusto ko."
"Pero hindi tama, una si Anna."
"Hindi ako ang pumatay kay Anna. Dahil ikaw ang pumatay sa kanya." Saad nito at ngumisi.
"Hindi! Hindi ko magagawa 'yun."
Pwes, nagawa mo. Kaya kahit ano pang sabihin mo, may bahid na ng kasamaan 'yang mga kamay mo."
"Tumahimik ka! Hindi ako ang pumatay sa kanya, Jana!" Sigaw niya sa harap ng salamin at pinagsusuntok ito.
"Kahit anong gawin mo, sarili mo parin ang nasasaktan mo at hindi ako! Dahil ako? Parti ako ng pagkatao mo."
"TAMA NA!" sigaw niya dahil muli na namang kumirot ang sintido niya.
Sa subrang sakit nito ay nawalan siya ng malay.
Habang naglalakad sina Jamaica, Kristof at Zac sa madilim na kakahuyan hawak ang mga cellphone nilang ginawang flashlight ay naglalagay sila ng marka para kung sakaling maligaw sila ulit ay mabilis nilang malalaman ang daan pabalik.
"Guys matagal pa ba? My feet are aching na," reklamo ni Jamaica.
"Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na sumama ka?" supladong sambit ni Zac.
"Ayokong makasama 'yung kambal," mataray na sagot niya.
"Then magtiis ka, It's your choice to come with us so huwag kang mag reklamo." Seryosong saad ni Kristof habang nagpapatuloy sa paglalagay ng marka.
"Malayo pa ba Kris?" Tanong ni Zac.
"Mala—"
Naputol ang sinabi ni Kristof ng sumigaw si Jamaica.
"ARGHHHHHHHHHHHH! a-ahas," Tanging sambit niya.
"Takot ka sa kauri mo?" Pang aasar ni Kristof.
Hindi nagsalita si Jamaica pero sumenyas siya ng f*ck you. Pero tinawanan lang siya ni Kristof bago sinungkit ng hawak niyang kahoy ang ahas at tinapon palayo. "Its just a Milk Snake wala 'yung venom." Walang ganang saad niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ahas parin 'yun." Sambit ni Jamaica at naglakad na ulit.
Buong paglalakad nila ay hindi kumikibo si Zac. He is thinking on how he could get rid of Jamaica. After all alam niya sa sarili niyang mas mahal niya si Jade kaysa rito. Jamaica just seduced her na kahit kailan ay hindi ginawa ni Jade. Hindi niya lubos maisip kung paano niya nagawang lokohin ang kasintahan niyang ubod ng bait.
"We're here," sambit ni Kristof dahilan para mabalik siya sa reyalidad.
"Is the killer really mad at Jeff? Mukhang pinaranas niya sa kanya ang hell," hindi makapaniwalang saad ni Jamaica.
"Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi basta basta ang killer. Isipin niyo ha. Apat na tao na ang napatay niya," seryosong saad ni Zac.
"Baka may sayad?" maarting tanong ni Jamaica.
"A Psychopath," tanging saad ni Kristof.
"Hah? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Jamaica.
"They are a people suffering from chronic mental disorder with abnormal or violent social behavior. Kumbaga kapag nag umpisa na silang manakit ay hindi na sila madaling mapatigil. Some are enjoying on what they are doing," paliwanag ni Zac.
"Hala, para palang mga baliw? Ang creepy." saad ni Jamaica at umarting natatakot.
Lumapit si Kristof sa sunog na bangkay ni Jeff at maingat nitong binalot ng puting kumot ang katawan nito.
"Saan mo nakuha iyan?" Tukoy ni Jamaica sa puting kumot.
"Sa subrang pag iinarte mo kanina ay hindi mo napansin na umalis ako doon sa sala at kumuha ng kumot sa aparador ng kwarto," pamimilosopo sa kanya ni Kristof.
"Whatever." sagot ni Jamaica at umirap pa.
"Saan siya natin ililibing?" Tanong ni Zac kay Kristof.
"Doon nalang siguro?" patanong naturo ni Kristof sa hindi kalayuang parti ng kakahuyan.
"Jamaica stay here. Babalik din kami agad and please huwag kang aalis dito. Hindi mo kabisado ang kakahuyan," bilin ni Zac sa kanya.
"Balik kayo agad ha. Ang creepy pa naman dito tapos gabe na eh. Bakit kasi hindi niyo alang ipagpabukas iyan," saad niya.
"Babalik din kami agad. Just stay here or pwede ka rin namang sumama nalang sa amin" saad ni Kristof.
"Huwag na dito nalang ako. Masakit na paa ko eh," saad ni Jamaica.
"Okay balik kami agad." Saad ni zac at umalis na nga sila ni Kristof dala ang bangkay ni Jeff na binalot ng kumot.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Misterio / SuspensoMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.