KABANATA 4

155 27 17
                                    

Pagkatapos maghapunan ng magkakaibigan ay napagdesisyunan na nilang pumunta sa sala. Subalit pagkarating nila doon ay nagulat sila sa kanilang nakita.

"What the f*ck! What happened here?" Tanong agad ni Jamaica.

Nagkalat sa buong sala ang napakaraming sulat. Sapagkat ang lumang aparador ay nakabukas na.

"I'll go check Anna in the room. Sinabi ng huwag pakialaman ang aparador pinakialaman niya, napaka atripida talaga." Sabad ni Jane at pumunta sa kanilang kwarto.

"What's going on?" Tanong ng kakalapit palang na si Jeff. "Ohh, why is there so many letters scattered on the floor?"

"Hindi ba at sinabi kong huwag ninyong bubuksan ang aparador?" Saad ng kung sinong nasa likuran nila.

Napatalon naman sa gulat ang iba sa kanilang mga kasama.

"Manang naman ang hilig niyo pong manggulat. And besides we didn't know who opened it. Kakarating lang namin dito sa sala," Pagpapaliwanag ni Zac.

"I can't find Anna," Sabad ng kararating lang na si Jane.

"She is not in the cr," Saad din ni Jade na hindi nila namalayan ay umalis din pala.

"So where the h*ll is she? Imposible naman na umalis siya? She is not familiar with this place though," Saad ng nag aalalang si Jamaica.

"Hanapin niyo siya bago sumapit ang alas dose." Tanging saad lang ng matanda at umalis na sa kanilang harapan.

Sila naman ay nagsi-upo na sa sofa.

"Why don't you try to call her?" James suggested.

Agad namang inilabas ni Zac ang cellphone niya kaya ang mga matatalim na mata ni Jade ay dumako sa kanya. Hindi niya ito napansin dahil nakafocus siya sa cellphone niya. Samantala hindi naman nakatakas sa paningin ni Jane ang talim ng titig ng kakambal niya sa kasintahan nito.

"Zac, bakit parang ikaw yata ang subrang concern?" May halong inis na sambit ni Jane. Oo naiinis siya. Zac is her twin's boyfriend but the way he acts right now is different.

Sa sinabi niyang iyon ay parang natauhan si Zac at ibinulsa ulit ang cellphone niya.

"Ako nalang ang tatawag." Saad ni Jamaica at dinial ang number ni Anna. "Sh*t walang signal," saad niya sa mga kaibigan.

"What? Sh*t its already 10pm. We need to find her." Saad ni Kristof at tumayo na.

"And ano naman kung 10pm na? Or kahit 12midnight? We can still find her tomorrow. And besides I'm sleepy as f*ck na," naiiritang saad ni Jane.

"12mn is demon hour. 3,6,9,12. And sa mga oras na iyan ay may mga gumagalang espirito," Walang ganang saad ni Jade.

"Oh shut up Jade. Wala kana bang masabing matino?" If I don't know you, I will think you are freaking crazy." Saad ni Jamaica at umirap.

Kahit na nagtatapang tapangan si Jamaica ay mahahalata naman ang takot sa kanya base sa hand gestures niya. Kinikiskis na kasi nito ang kanyang mga daliri. Nakangisi naman siyang tinignan ni Jade.

"Ah talaga ba Jam? Pero bakit parang takot ka yata?" Pang iinis niya dito.

"I am not scared weirdo," Sagot sa kanya ng kaibigan.

"Sus hindi daw takot pero nanginginig." pasiring niya rito at naglakad na paalis ng sala. "By the way, kayo na ang maghanap dun kay Anna, tinatamad ako. Jane tara na matulog na tayo," Saad niya at sumunod naman ang kakambal niya sa kanya. "And hey Zac, fix yourself. Napaghahalataan ka," Saad niya sa kasintahan na sa mga oras na iyon ay naguguluhan na sa kanyang tinuran.

Nang makaalis na ang kambal ay sumunod na si Jamaica sa kanila kaya naiwan ang mga lalaki sa sala.

"Jade is kinda different right now, she is acting so weird," Pagbasag ni Kristof sa katahimikan. "Nag away ba kayo Zac?".

"Hindi naman. Nitong araw lang siya nag umpisang maging ganyan. Para ngang may kakaiba sa kanya eh," Sagot niya kay Kristof.

"What if we talk about that over this." Saad ni James at inilapag ang mga canned beers sa mini table na nasa harap nila.

"At talagang prepared kayo ha " Natatawang saad ni Zac.

"Ofcourse, hindi naman talaga retreat ang plano ni Jamaica eh. Long weekend vacation yata to," Sabad ni Jeff.

"Hay naku. Ang dami niyong alam dapat na yata kayong ipatumba," Tawang saad ni Zac kaya nagsitawanan sila.

Nag umpisa na silang uminom. Puro tawanan, kantwayan at kantahan ang pinaggagawa nila. Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan ng tumunog ang grandfather's clock.

"P*tangina." Mura ni Zac na nasa dibdib pa ang kamay dahil sa gulat.

Sino ba naman ang hindi magugulat eh halos mag echo sa buong bahay ang tunog.

"Oh sh*t it's 12mn na pala," Saad ni Jeff kaya natigilan silang lahat.

"S-si A-anna. Sh*t hindi natin siya hinanap," Saad ni Zac kaya nagsitayuan silang apat.

Pagkatayo nila ay parang binalibag sila pabalik sa upuan dahil sa subrang hilo. Hindi nila namalayan na subrang dami na pala ng kanilang nainom. Kaya nakatulog nalang sila.

Nang marinig na ng dalaga ang tunog ng grand father's clock ay lumabas na ito ng kwarto. Siniguro niya munang tulog na rin ang dalawa niyang kasama. Mahirap na baka mahuli pa siya.

Pagkarating niya sa sala ay napangisi siya ng makitang tulog na tulog rin ang apat na lalaking kasama nila.

Dumiretso agad siya sa pinakalikod na parte ng bahay kung saan niya itinali si Anna. Nadatnan niya itong tulog. Kaya kumuha siya ng kahoy at hinampas ito sa binti dahilan para magising ito at ngumiwi sa sakin.

"How are you b*tch? Hindi kaba nilalamok dito?" Nakangisi niyang tanong.

"Hmm hmmm hmmm hmmm irghhhh," Tanging sagot lang nito. Sapagkat mayroong busal ang bunganga nito.

"Ha? Ano? Hindi kita maintindihan eh. Pakilinaw naman," Natatawang saad niya dito.

Naluluha namang nakatingin sa kanya ang dalaga.

"Bakit kasi ang tigas tigas tigas ng ulo at pagmumukha mo. Sinabi ng huwag pakialaman, pinakialaman mo. Eh hindi naman sa'yo. Hindi mo pag aari!!" Sigaw niya sa mismong mukha nito sabay hampas ng bottle water na walang laman sa mukha nito.

Nakarinig siya ng kaluskos mula sa hindi kalayuan kaya nilapitan niya ito.

"Nandito kalang pala." Sambit niya at kinuha ang pusang itim.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now