Pagkakuha niya sa itim na pusa ay lumapit siya pabalik kay Anna.
"You see this cute little cat? Ito yung binato mo nito." Saad niya at kinuha ang walang lamang plastic bottle na kanina ay hinampas niya sa mukha ni Anna.
Nanggilid na naman muli ang luha ng dalaga sapagkat naalala nito ang ginawa niyang pagbato ng plastic bottle dito.
"Paano kaya kung ipakalmot ko sa pusang ito ang makapal mong pagmumukha?" Ngising saad niya.
"Hmmmm irghhh hmmm," Tanging sambit lang nito kaya napatawa siya.
"Kakatawa ka naman videohan kaya kita? Kaso huwag na katamad eh," Maarting saad nito. "Kitty? You want to play with Anna? I think she wants to play with you." Saad niya at nilapit sa mukha ni Anna ang pusa.
Pilit namang nilalayo ng dalaga ang mukha niya sa pusa samantalang nilalapit niya parin ito habang tumatawa na parang baliw.
"Kitty alam mo ba, siya 'yung nagbato sa iyo ng plastic bottle. Gusto mo bang maghiganti?" Pagkasabi niya nun ay nilapag niya ang pusa sa lap ng dalaga. Nag umpisa naman umakyat papuntang dibdib ng dalaga ang pusa. Pagkarating nito sa mismong mukha niya ay nag umpisa na itong kalmutin ng kalmutin ang mukha niya. Humihiyaw sa sakit ang dalaga habang patuloy ang pag kalmot sa mukha niya ang pusa. Sa kabilang banda naman ay parang baliw na tumatawa ang kanyang kaibigan.
"Okay kitty enough baka pumangit si Anna eh." Turan niya at kinuha ang pusang nanggigigil sa pagmumukha ni Anna. "Hush kitty stop na," Pag papa amo niya sa pusang hawak niya.
Patuloy lang sa pag iyak si Anna kasabay ng pag tulo ng mga dugo mula sa kanyang mukha.
"Hala kitty umiyak si Anna ikaw naman kasi eh. Gigil na gigil ka sa kanya eh tingnan mo tuloy oh. Pumapangit na siya sayang yung ganda niya, tsk tsk." Kausap niya sa pusa sabay iling pa.
"Paano ba 'yan Anna? Hindi kana magugustuhan ni Kristof o kahit na sinong lalaki pa. Pero don't worry wala naman nang magkakagusto sa iyo. Lalo pa at hindi ka na nila makikita," Parang baliw na tawa niya.
Sunod na kinuha niya ay ang kutsara. Ito ang kutsarang nalaglag kanina ni Anna noong kumakain sila.
"Naaalala mo ito? At ito?" Saad niya at inilabas ang isang mata ng baboy na kanina ay nasa hapag kainan nila. "Gusto mong kumain?"
Umiling iling naman si Anna.
Sa loob ng dalaga ay hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin sa kanya ng isa sa mga kaibigan niya. Ganito ba talaga ang galit niya sa kanya?
"What if tanggalin ko ang mata mo gamit ito?" Patukoy ng dalaga sa kutsarang hawak niya.
"Hmmmmmmm hmmmmm." Umiiling na umiiyak na saad ni Anna dahil naka busal parin ito.
Lumapit siya sa mismong mukha ni Anna at tinantya ang kutsara sa mata nito. "Ay saktong sakto."
Hindi siya nag atubili pa. Padabog niyang tinusok ng kutsara ang mata ni Anna. Kung wala lang sigurong busal ang bunganga nito ay maririnig na ng buong mansion ang sigaw nito. Subalit wala siyang magawa dahil kahit na ang tali niya ay hindi niya man lang matanggal. Puro ungol lang ng iyak ang kaya niyang gawin.
'Bakit mo ito ginagawa? Bakit ganyan ka? Kaibigan kita. Bakit mo ginagawa ito? Ano ang kasalanan ko sa iyo?' Saad ng umiiyak sa sakit na si Anna.
Sa nangyayari sa kanya ay parang gusto niya nalang na patayin siya nito. Parang hindi tao ang nasa harap niya kung hindi demonyo. Demonyong walang awa na pumatay. Tawa ng tawa ang kanyang kaibigan habang tinatanggal nito ang isa niyang mata.
"Ano Anna? Mashakit?" May pangugutyang saad ng kaibigan niya.
'Patayin mo nalang ako pakiusap,' Natatanging saad nalang nito sa isip niya.
"Ano pa kaya ang pwede kong gawin sa'yo? Ang boring na eh." Saad nito at may kinuhang samurai sa gilid.
'Oh please tama na ayoko na.'
Iwinasiwas ng dalaga ang samurai sa ere kaya gumawa ito ng tunog na ikinapikit ni Anna.
"Saan ang gusto mong unahin ko na parte ng katawan mo?" Ngisi nitong parang demonyo na turan sa kaibigan.
Iling lang ang kaya niyang maisagot sapagkat may busal parin ang bibig niya.
"Unahin ko kaya itong kanang paa mo? Try ko nga baka kasi purol yung Samurai eh." Saad niya sabay putol ng kanang paa ni Anna.
Parang demonyong tumawa ang dalaga na enjoy na enjoy sa ginagawa niya. She is like chopping a pork meat.
"Isa pa?" Saad niya sabay putol naman ng kaliwang paa nito.
"Arghhhhhhhhhhhhhh hmmmmmmmm," Tanging nagagawang ungol ni Anna.
Nanghihina na siya. Hindi niya na alam kung makakatagal pa siya. Patuloy lang sa pag agos ng mga dugo mula sa magkabilang paa niya. Isama na ang mga dugong nagmumula sa kanyang mukha.
'Tama na please,' Umiiyak na saad ni Anna sa isip niya. 'Hindi ko na kaya.'
Iwinasiwas na naman ng dalaga sa ere ang samurai kaya gumawa na naman ito ng ingay.
"Kung iniisip mo na may tutulong sa'yo dito you are wrong. They are all asleep. Sleeping like a baby, putting so many sleeping pills on their food earlier is a big help. Sayang nga at hindi ka kumain eh. Mas mapapabilis sana ang trabaho ko," Parang baliw na tumawa nito.
Sunod na pinutol ng dalaga ng kanang braso ni Anna. At tatawa tawang pinutol ang kaliwa.
"Ang boring na. Hays patayin nalang kita," Bored na saad niya.
'Mabuti pa,' Saad ni Anna sa isip.
Walang emosyon niyang pinutol ang ulo nito at tumawa ng tumawa.
"Walang kwenta kang kalaro Anna. Ang boring..." saad niya at binitbit papasok ng bahay ang putol na ulo ng kaibigan.
Pagkapasok niya sa bahay ay dumiretso siya sa kusina. Nag ikot-ikot siya sa loob ng kusina habang nag iisip.
"Gotcha." Saad niya at lumapit sa mini refrigerator.
Nakangisi niyang pinasok sa loob ng mini ref ang putol na ulo ni Anna at pumunta na ng banyo.
Sa loob ng banyo ay nandoon na ang kanyang mga damit. Syempre alangan naman bumalik pa siya sa kwarto nila. E di mabibisto siya.
YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Mysterie / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.