KABANATA 15

122 15 8
                                    

Pagkasabi nun ni Jade ay umatras nalang si Zac sakto naman ang paglabas ni Jane.

"Why are you crying?" Tanging tanong niya sa kakambal nang malapitan niya ito.

"Patay na rin daw ang care taker, Jane," sagot ni Jade sa kanya.

Dumaan naman ang pagkagulat sa mata ni Jane. Binalingan niya naman ang apat na kaibigan. "Are you guys done burying James' body?" Tanong niya sa mga ito.

"Oo kakatapos lang naming ilibing si James ng marinig namin ang pagsigaw ni Jamaica," Saad ni Jeff.

"Punta tayong kitchen magluluto ako," Seryosong saad ni Jade na nahimasmasan na.

Nagpatiunang maglakad si Jade at sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan.

"Ano ang lulutuin mo?" Tanong ni Jamaica.

"Talbos ng kamote na may sardinas," Walang emosyong sagot sa kanya ni Jade.

"What? Ano tayo kambing?" Maarting turan ni Jamaica.

"Kung ayaw mong kumain e di huwag. Maghanap ka dun ng spam o 'di kaya ay bacon. May nandoon pa yata sa ref mo," Diretsong sagot sa kanya ni Jade.

"Bakit ba parang ang tapang mo Jade ha," Iritang saad ni Jamaica.

"Matapang naman talaga ako. Lalo ba kapag nasa tama ako." Sagot lang ni Jade sa kanya at pumunta na sa aparador para kunin ang delata.

"Arti arti. Mamamatay lang din naman," mahinang saad ni Jane pero narinig ni Jamaica.

"What did you just say? Mamamatay ako?" Gulat na tanong ni Jamaica.

"Bakit hindi ba? Lahat tayo ay mamamatay Jam, hindi ka bato!" Diretsong sagot ni Jane sa kanya.

"Hindi kaya ikaw ang pumatay kay Anna at James? Baka ikaw ang killer?" Malakas na saad ni Jamaica sapat lang na marinig ng iba nilang kasama.

"If I am the killer ikaw ang uunahin ko Jam. Dahil bwes*t ako sa'yo," Kalmadong sagot naman sa kanya ni Jane.

"Ayan ka na naman sa paratang mo Jamaica. Last time si Jade ngayon naman si Jane tumigil ka na nga," Sita sa kanya ni Kristof.

"Aba malay natin. Baka nga isa sa kanila ang killer," Pakikipagtalo ni Jamaica.

"Sinabing tama ba eh!" Sigaw ni Zac kaya napa-iktad si Jamaica.

Habang ang kambal naman ay parang wala lang narinig. Sabay pa nilang binilatan si Jamaica dahilan upang irapan sila nito.

"Mahilo ka sana." Parinig ni Jade at tumawa. Nakisabay naman sa kanya si Jane. Nagkuyom naman ng kamo si Jamaica at nilisan ang kusina.

"Katamad magluto, bahala na kayo diyan." Sambit ni Jade at padabog na lumabas ng kusina.

"Paktay. Kasi naman, hala sige kayo magluto diyan." Nang aasar na saad ni Jane at sumunod kay Jade.

"Ang hilig mag walk out ng mga babaeng 'yun." Kamot ulong sambit ni Jeff.

"Plano ko sana magluto ng adobo. Kaso wala na tayong tuyo, nasa girls na eh," pagbibiro ni Kristof dahilan para ang kaninang seryosong usapan ay napunta sa tawanan.

"So paano tayo kakain nito?" Tanong ni Jeff.

"Magsaing ka, mag iinit ako ng tubig. Mag cup noodles nalang tayo," Walang magawang sambit ni Zac.

Habang ang mga kalalakihan ay abala sa kusina. Ang isa naman sa kanilang kaibigan ay nasa banyo nag eenjoy panoorin ang videong kuha niya kung paano niya patayin ang care taker.

》FLASHBACK《

"Hindi ba ang sabi ko sa'yo ay ilock mo ang gate?" Saad niya sa care taker.

"Hija, ano ba naman iyang iniisip mo. Kapag nilock ko ang gate paano kayo makakauwi?" Sagot sa kanya nito.

"Aba't sumasagot kapa sa'kin," Inis niyang sambit.

"Sinasabi ko lang ang tama hija. Hindi naman kasi maganda ang iniisip mo. Mga kaibigan mo sila," Mahinahong saad ng matanda.

"Wala akong kaibigan! Alam mo iyan! Hindi nila ako tinuturing na kaibigan! Para sa kanila ay isa lang akong asungot!" Sigaw niya sa matanda.

"Kaibigan mo sila hija. Ikaw lang ang nag iisip ng ganyan," sagot sa kanya ng matanda.

"Tumahimik ka!" Sigaw niya ulit dito.

"Pero hija—"

Hindi na natapos ng matanda ang sasabihin nito nang bigla niya itong sakalin.

"Kapag sinabi kong tumahimik. Tumahimik ka!" Sigaw niya sa mismong mukha nito habang mas dinidiin ang pagkakasakal niya dito. "Ano masarap ba ha tiya?" Nanggigigil na saad niya habang ang matanda naman ay pilit tinatanggal ang mga kamay niyang nakasakal sa leeg nito.

Pero imbes na luwagan ang pagkakasakal ay mas lalo pa niyang hinigpitan ito. Halos lumuwa na ang mata ng matandang care taker at namumula narin ang mukha nito.

"Ano tiya? Masarap? Bakit kasi hindi mo nalang sundin ang gusto ko. Subrang simple lang naman eh. Ilock mo lang ang gate para hindi na kami makalabas ng sa ganoon ay mapapabilis ang trabaho ko." Matigas na saad niya at mas diniinan pa ang pagkakasakal.

Walang pasabing binalibag niya binitawan ang matanda at inilahad ang kamay niya sa mismong mukha nito. "Ang susi at padlock ng gate."

"H-hija t-tumigil ka na." Nauutal na saad ng naghahabol hiningang matanda.

"Sabing akin na ang susi eh." Sigaw niya at tinadyakan ang mukha ng matanda. "Gusto mo ba talagang mas lalong masaktan ha!"

Namilipit naman sa sakit ang matanda habang sapo ang mukhang tinadyakan ng dalaga.

"Ano ba kasi ang mahirap sa pinapagawa ko ha! Put*ng ina mo ka!" Sigaw niya ulit at kumuha ng bakal na tubo sa loob ng van na ginamit nila.

Nilapitan niya ang matandang nakahiga sa lupa at walang sabi sabing hinampas sa likod. "Gusto mo talagang mag laro tayo eh."

Napasigaw naman sa sakit ang matanda. Kaya kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at ibinusal sa bunganga ng matanda.

"Ang ingay mo. Nauubos na ang mga panyong nakita ko sa aparador eh." Saad niya matapos busalan ang matanda.

Iwinasiwas niya ang tubo sa ere at hinampas ng hinampas ang matanda. Kitang kita ang paghihirap sa mukha ng matanda. "P-patayin m-mo nalang ako h-hija," Nahihirapang saad nito.

"Ano ba yan. Para ka namang sina Anna at James. Ang boring niyong kalaro." Sigaw niya dito ay kinuha ang isang bote ng beer sa loob ng sasakyan ni Kristof.

Binasag niya ang bote at isinaksak ang matulis na dulo ng bote sa kaliwang dibdib ng matanda.

"Dead end." Tanging sambit ng dalaga at pinatay ang video. Dinelete niya rin ito para walang ebidensya.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now