KABANATA 23

93 12 5
                                    

Kasalukuyang nasa kwarto sina Jade at Jane.

"I saw you did it." Saad ni Jane pagkatapos siguraduhing walang nakikinig.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Jade.

"Why did you kill her?" Pabalik na tanong ni Jane.

Nakuha naman agad ni Jade ang tanong ng kakambl niya.

"Because she is a b*tch?" Parang hindi siguradong sagot ni Jade.

"Jade ano ba, this is not you. Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mo," may halong galit na sambit ni Jane.

"Makukulong ako kapag nagsumbong ka my dear twin sister. So let me ask you, will you let me go to jail?" Nakangising tanong ni Jade sa kakambal.

Napahilamos naman si Jane sa sinaad ng kakambal niya.

"Hindi naman ikaw ang pumapatay di'ba?" Nag aalinlangang tanong ni Jane.

"Pwede ba Jane tumahimik ka. Ang dami dami mong tanong! At isa pa I'm not the one who killed them," mahina pero matigas na sambit ni Jade.

"Them? You mean ikaw din ang pumatay sa iba?" May halong kaba na saad ni Jane.

"I said I'm not the one who killed them!" Galit ng sambit ni Jade.

"Kung hindi ikaw eh sino?!" Galit na rin si Jane.

"It was Jana," walang emosyong tugon ni Jade.

"And who the hell is that Jana?" Tanong na naman ni Jane.

"The other me. Want to meet her? Kaso baka saktan ka niya." This time Jade is looking at Jane while smirking.

Napaatras naman si Jane dahil tumayo si Jade mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama.

"Oh, bakit ka umaatras?" Nakangisi parin si Jade.

"Jade stop. Natatakot ako ano ba." Saad ni Jane at tinutulak palayo sa kanya si Jade.

Agad namang humagalpak ng tawa si Jade. "Wtf Jane. If you can only see yourself." Saad ni Jade at humalakhak na naman tsaka siya tinalikuran at lumabas ng kwarto na parang walang masakit sa talampakan nito.

Nang makalabas na si Jade ay napahinga naman ng malalim si Jane habang nakahawak sa dibdib niya.

She saw everything...

FLASHBACK

Nakarinig ng kung anong nabasag si Jane mula sa kanilng kwarto kaya sinilip niya ito. She saw her twin sister facing the broken mirror with blood stains.

Nanginginig ang kakambal niya habang nakatingin sa salamin. Akmang magsasalita sana siya ng bigla itong nahimatay.

Kaya agad agad niya itong nilapitan at ginising.

"Jade, hey wake up." Saad niya habang tinatapik ang pisngi ng kakambal.

Ilang minuto din ang nakalipas bago gumalaw si Jade. "Anong nangyari?" Agad na tanong nito.

"Ikaw kaya ang tanungin ko? Anong nangyari? Bakit may basag ang salamin? Bakit may dugo?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Jane.

Hinawakan ni Jade ang ulo niya.

"Did you just punch the mirror?" Tanong ni Jane dahil napansin nito ang dugo sa kamao niya.

"H-ha?, hindi ko alam. Jane pakuha naman tubig oh. Nauuhaw ako," mahinang pakiusap ni Jade na agad namang sinunod ni Jane.

Lumabas si Jane sa kwarto at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na sana siya sa kwarto nang makitang lumabas ang kakambal niya at dire-diretsong naglakad palabas ng bahay.

Agad niyang inilapag ang basong may tubig sa malapit na platera at sinundan ang kakambal niya.

Parang wala sa sarili ang kakambal niyang naglalakad papunta sa kakahuyan. Kahit na nagtataka ay sinundan niya parin ito. Nais niya itong tawagin pero may kung ano sa kanyang sistema ang pumipigil sa kanya.

Nang makarating na sa gitnang bahagi ng kakahuyan si Jade ay may kinuha itong itim na bag. Lumapit siya ng kunti dahilan para makagawa siya ng ingay. Nagpigil siya ng hininga at nagtago sa malaking puno na nasa tabi niya nang lumingon ang kakambal niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpasya siyang sumilip ulit. Nakita niyang naka itim ng jacket ang kakambal niya at may suot na itong maskarang nakatakip sa buong mukha nito.

'Ano ang gagawin mo Jade?' Tanong niya sa isip.

Nabalik siya sa ulirat nang maglakad na ulit ang kakambal niya. Ilang distansya lang ang layo ay napansin niya ng pumunta ang kakambal niya sa isang malaking hukay. Sa tabi ng hukay ay isang napakalaking kulay blue na drum. Agad itong binuksan ni Jade at binuhos ang mga laman nito sa hukay.

Ahas, maraming ahas iyon ang nakita niya.

Ang daming tanong na bumagabag sa sistema ni Jane. Isa na doon ay kung saan niya kinuha ang subrang daming ahas na iyon at para saan niya iyon gagamitin.

Pagkatapos ng ginawang iyon ni Jade ay naglakad na naman ito habang si Jane ay patuloy lang sa pagsunod sa kanya.

Hanggang sa narating nila ang isang lugar kung saan may babaeng nakaupo.

'Jamaica? Ano ang gagawin mo Jade?'

Nakita niya lahat, kung paano pahirapan ng kakambal niya si Jamaica. Hanggang sa kung paano niya ito itulak sa malalim na hukay na punong-puno ng mga ahas.

Kanina palang ay nais niya nang pigilan ang kakambal niya. Pero noong nakita niya kung paano ito magalit ay naduwag siya. Naduwag siya na baka pati siya ay saktan nito. Ang nasaksihan niya ay hindi ang kakambal niya kung hindi ibang tao. Parang ibang ktauhan na nasa katawan ng kakambal niya.

END OF FLASHBACK

"Hey Jane. Kanina kapa kinakausap." It was Kristof na kumakalabit sa kanya.

"H-ha? Bakit?" Nauutal niyang tanong.

"Dinner is served ayaw mong kumain? And hey, why are you crying?" Tanong naman ng binata.

Hinawakan ni Jane ang pisngi niya. Tama nga si Kristof umiiyak nga siya. "Ah wala may naalala lang ako," saad niya.

"So ano? Let's go na kakain na tayo." Pagyayaya ni Kristof sa kanya habang nakalahad ang kamay nito.

Inabot niya naman ang kamay nito at tumayo na sa pagkakaupo sa sahig.

"S-sino ang nagluto?" Tanong niya habang naglalakad kasabay si Kristof.

"E di ang lovebirds. Bati na yata sila, but I do wander kung ano ang nangyari kay Jamaica," nagtatakang tanong ni Kristof.

Sa tanong na iyon ni Kristof ay natalisod si Jamaica. Kung hindi siya agad na nahawakan ng binata panigurado ay nasubsub na siya.

"Hey be careful," mahinahong sambit ng binata. "Are you really sure you are okay?" Tanong na naman nito.

"Yes I am so don't worry." Sagot niya dito at nagpatiunang pumasok ng kusina.

Pagkapasok niya ay ang matatalim agad na mga mata ng kakambal niya ang sumalubong sa kanya.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now