KABANATA 10

132 24 4
                                    

Naiiritang lumabas ng kwarto si Jamaica at padabog siyang pumunta ng sala.

"Hey what's wrong?" Tanong ni Kristof habang naglalaro ng zombie catcher sa cellphone niya.

"That twins are getting into my nerves, arghhhh!" May iritang saad ni Jam na nanggigigil pa.

Tiningala naman siya ni Kristof. "Hey calm down. Sige ka baka pumutok ka dyan, umuusok na ilong mo oh."

"Isa ka pa! Makaalis na nga." Saad ni Jam at naglakad papuntang main door.

Hinabol naman siya ni Kristof at hinawakan sa braso. "Hoy saan ang punta mo ha. Alam mo naman na delikado di'ba, dito ka lang."

"Ano ba, huwag mo nga akong pakialaman!" Pasigaw na sambit ni Jamaica.

"Ayaw ko lang na mabawasan na naman tayo Jamaica." Matigas na sambit ni Kristof at hinatak siya paupo ng sofa. "D'yan ka lang hindi ka tatayo diyan."

"Ano ba problema mo? Huwag mo nga sabi akong pakialaman eh. Paulit ulit na Kristof," Naiinis na sambit ni Jam.

"Ano lalabas ka? Gusto mong matulad kay Anna ha!" Saad nito gamit ang mataas na boses dahilan para matigilan si Jam at mapaayos ng upo.

Hindi na nagsalita pa ang dalaga at kinuha nalang ang cellphone niya sa bulsa at doon nalang itinuon ang pansin.

"Makikinig ka rin naman pala, nagmatigas pa." Saad ni Kristof at bumuntong hininga. 

Inirapan naman siya ng isa.

"Dinner is served." Saad ng kakarating lang na si James.

Nilingon naman siya ni Jamaica. "Ikaw nagluto?"

"Ah oo, parang wala kasi sa mood si Jade eh," tanging sagot nito.

"Oh, talaga ba? Ano niluto mo bro?" Tanong ni Kristof.

"Hotdog at itlog lang bro," sagot nito.

"Pfft, ano yan? Breakfast?" Pigil tawang saad ni Jam.

"Ang arte mo. Kung ayaw mong kumain e di matulog kang gutom, I'll call the others." Saad nito at naglakad papuntang kwarto ng mga babae.

Inilingan naman ni Kristof si Jamaica.

"What's wrong with being honest hah?" Mataray na tanong ni Jam.

"That's not honesty. You are insulting the one who made dinner for us." Sagot nito at naglakad papuntang kusina.

"Hey, don't leave me here! Pest*ng black out to." Maarting sambit ni Jam at sinundan si Kristof.

"Susunod rin pala," Bulong ng binata.

Nang makarating na si James sa kwarto ng mga babae ay kumatok na siya dito. "Girls dinner is serve kumain na tayo para makatulog ng maaga, black out parin eh."

Bumukas naman ang pinto ng kwarto at bumungad sa kanya si Jade. "Sige susunod kami ni Jane." Sagot nito kaya tumango lang siya.

Sunod niyang pinuntahan ang kwarto na ina akupa nilang mga lalaki. "Zac dude. Kain na," Sambit niya dito.

"Sige sunod ako," Tanging saad nito mula sa loob.

Agad ng bumalik si James sa kusina. Napansin niya agad na wala ang isa nilang kasama.

"Where's Jeff?" Tanong niya.

"I don't know. Wala ba sa kwarto?" Tanong ni Kristof.

"Zac is the only one there," Sagot niya dito.

"If Jeff is not around? Oh f*ck. What if? Oh please not again," Bakas ang takot na saad ni Jamaica.

"Don't say that," Sambit ni James.

"Bakit parang nagtatalo kayo?" Tanong ng kararating lang na si Jeff.

"Oh f*ck. Where have you been? Akala namin nawawala ka na." Saad ni Jamaica at nagbuntong hininga.

"Ha? Nasa cr ako eh. Tumambay," Kamot batok na saad ni Jeff.

"Akala namin nawawala kana," Saad ni Kristof.

"Chill guys." Saad niya at inakbayan si Jamaica. "You look worried. Are you afraid na baka mawala ako?"

Binatukan naman siya ni Jamaica. "Idi*t, alam mo naman ang nangyari kay Anna di'ba."

"Well, hindi naman ako si Anna eh," Sagot nito.

Inambahan naman siya ulit ni Jam pero umalis na siya sa tabi nito at umupo na sa upuan.

Magkasunod naman na dumating ang iba nilang mga kasama kaya kumain na sila.

Pagkatapos nilang kumain ay nagsipasok na sila sa kani-kanilang mga kwarto. Samantalang si Jeff ay bumalik naman sa cr para tumambay.

Pagkapasok niya sa cr ay agad niyang sinalpak ang headset sa magkabilang taenga. Nasa kalagitnaan na siya ng pinapanood ng makarinig siya ng kalabug. Kaya dali dali siyang tumayo at sumilip sa pinto ng cr.

Isang anino ang kanyang napansin na papalapit sa lugar niya kaya inalerto niya ang sarili.

Isiniksik niya ang sarili sa likod ng pinto ng makitang papalapit na sa kanya ang anino. Mas lalo siyang natakot ng buksan niti ang pintuan ng banyo. Kaya napasigaw siya.

"What the f*ck!" Pasigaw na saad ni Jane. "Bakit ka ba sumisigaw!"

"Sh*t Jane. Ano kaba naman bakit ka nananakot?" Nakahawak sa dibdib na saad niya.

"Anong nananakot? Gag* kaba? Eh mag babanyo ako eh. Anong nananakot pinagsasabi mo. At teka bakit ba nandito ka? At hindi kapa nagsasarado ng pinto ul*l!" Singhal nito sa kanya.

"Aba malay ko ba na gagamit ka ng banyo. At isa pa ang sarap tumambay dito eh. At hindi ko sinara kasi black out," Paliwanag niya.

"Eh ano naman kung black out? Dapat nilo-lock mo parin ang pinto o di kaya ay isinara man lang. Paano nalang pala kung tumatae ka ha? Tapos bigla akong  pumasok kasi akala ko walang tao? Yuck Jeff kadiri ka! Hala sige labas. Kasi gagamit ako ng banyo!" Pagtataboy niya kay Jeff. 

Kamot ulo namang lumabas ng banyo si Jeff.

"Bilisan mo Jane, at tatambay pa ako diyan!" Sigaw niya.

"Ah bahala ka diyan!" Pabalik na sigaw ni Jane mula sa loob.

Padabog naman na lumayo si Jeff sa banyo at pumunta nalang sa sala.

"Kainis na black out to oh. Lowbat na ang phone ko," Saad niya sa sarili.

Habang nasa sala ay nilibot niya ang paningin. At nagtingin tingin sa mga gamit na nandoon habang iniilawan nito ng flashlight mula sa cellphone niya. Sa paglalakad niya habang nagtitingin tingin ay may hindi sinasadya siyang naapakan kaya pinulot niya ito.

"You're Next?" Pagkakabasa niya sa papel na nasa loob ng duguang lumang sobre.

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now