KABANATA 14

127 19 3
                                    

Kinabukasan kahit naguguluhan sa nakita nila ay napagpasyahan nalang ng magkakaibigan na magtipun-tipon sa sala.

"We need to bury James' body baka mangamoy 'yan dito," Nanlulumong umpisa ni Jeff sa usapan.

"Siguro itabi nalang natin sa pinaglibingan natin kay Anna," Tugon ni Zac kaya tumango naman ang dalawa niyang kaibigang lalaki.

Habang ang tatlong babaeng kaibigan naman nila ay naglalaban na gamit ang tingin.

"Can you two stop staring at me?" Inis na saad ni Jamaica sa kambal.

"Why? Nagagandahan kami sa'yo eh," Pang iinis ni Jane.

"So true kambal, gandang nakamamatay." Dagdag ni Jade na sinabayan pa ng halakhak kaya ganoon din ang ginawa ni Jane.

"Alam niyo kayong magkapatid? Para kayong mga kuto, sarap niyong pag titirisin!" Sigaw ni Jamaica.

"Ikaw kaya tirisin namin? Dalawa kami isa ka lang." Ngising sambit ni Jade at nakipag apir sa kakambal na tumatawa.

"Can you girls stop that? Hindi na kayo mga bata," Saway ni Zac.

"Ohh, galit yan?" Pang aasar ni Jade kay Zac.

"Babe stop it!" Saway ulit ni Zac kay Jade.

"Baboy daw kambal oh." Natatawang ani Jane. "My twin is not a pig, hindi siya baboy diwata siya." Dugtong nito na parang umaarti pa.

Humagalpak naman sa tawa si Jade samantalang si Zac naman ay nagkuyom ng kamao.

"Oh Jane suntukan daw oh." Saad ni Jade nang mapansin ang nakakuyom na kamao ni Zac at humagalpak na naman sa tawa.

"ENOUGH!" Sigaw ni Kristof. "Parang hindi lang kayo namatayan ng kaibigan ah!" Dugtong niya kaya napatungo si Jade at Jane.

"Buti nga," Parinig ni Jamaica pero imbes mainis ang kambal ay binilatan pa nila ito kaya napairap nalang siya.

"Kris and Jeff kunin niyo na 'yung gagamitin sa paghuhukay, I'll help you. And the three of you kung pwede lang humiwalay kayo sa isa't isa." Saad ni Zac at tinignan pa ng masama ang mga dalaga.

"Opo lolo," Natatawang turan ni Jade.

"Parang hindi jowa ah," Sambit ni Jeff.

"Wala akong jowa." Tanging sagot ni Jade at hinila si Jane. "By the way Jamaica. Ikaw mag adjust doon ka sa labas, kami sa kwarto." Dagdag niya bago hilahin ulit si Jane papasok ng kwarto.

Tanging irap lang ang nasagot ni Jamaica sa kambal. "Sama nalang ako sa inyo. Mabobored lang ako dito sa loob," Turan niya sa tatlong binata.

"Are you sure? Look Jam—" Hindi na natapos ni Kristof ang sasabihin niya ng sumabad si Jam.

"Huwag nalang pala. Mag iikot ikot nalang ako sa labas. Baka sakaling may pwede tayong labasan maliban sa gate na naka lock," Sabad niya kaya tumango naman si Kristof.

Lumabas na silang apat. Ang tatlo ay nag umpisa ng maghukay sa bakanteng lupa katabi ng pinaglibingan nila kay Anna habang si Jam naman ay nag ikot ikot.

Sa pag iikot ng dalaga ay napansin niya ang mga tuyong dugo sa lupa kaya sinundan niya ito hanggang sa umabot siya sa lugar kung saan nakaparada ang mga sasakyan na gamit nila.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay napansin niya kung saan ito patungo.

"Bakit may mga blood drops dito?" Saad niya sa sarili at binuksan ang pinto ng Van.

Halos masuka siya sa nakita niya. "WAHHHHHHHHHHHHH!" Nanginginig na sigaw niya. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya kaya napasalampak siya sa lupa.

"What happened?" Humihingal na saad ni Kristof na sinusundan ni Zac at Jeff na parehong hinihingal din.

"Y-yung c-care taker." Nanginginig na saad ni Jamaica habang tinuturo ang loob ng van.

Dali daling lumapit ang mga binata sa van kaya nakita rin nila ang wala ng buhay na matanda.

"What the f*ck." Tanging sambit ni Zac at tinakpan ang ilong. Nangangamoy na kasi ang bangkay.

"Kaya pala hindi na natin siya nakikita." Tugon ni Jeff na nakatakip din sa ilong.

"Ano to?" Saad ni Jamaica at pinulot ang isang duguan at lumang subre. "You're Next?" Basa niya dito na puno ng pagtataka.

Kinuha naman ito ni Jeff sa kanya. "It looks familiar to me." Tugon ni Jeff at nag isip. "Tama may napulot din akong ganito kagabi."

"Saan mo napulot ang ganyang subre?" May halong takot na saad ni Kristof.

"Sa direksyon kung saan nakita ang bangkay ni James," Wala sa sariling sagot ni Jeff.

"Kung nakuha mo ito kagabi sa kung nasaan ang bangkay ni James at nakakuha din ng ganito ngayon si Jamaica, hindi kaya death note ito?" Parang imbestigador na saad ni Zac.

"What? Ano to movie?" Natatawang tugon ni Jamaica.

"What if Zac is right?" Naguguluhang sambit ni Kristof.

"Then what if he is not?" May pagtutol na saad ni Jam.

"Kung death note nga ito. Saan ito galing?" May bahid ng takot na saad ni Jeff.

"Guys ano ba. We are now in millenial era. So don't mind this thing." Sabad ni Jamaica at pinunit ang papel.

"Bakit mo pinunit?" May iritang saad ni Zac. "It can be our evidence and clue to catch the killer."

"Oh sh*t." Saad ni Jeff ng may mapansin siya sa loob ng bulsa niya. "Hindi nag iisa ang subreng iyan." Saad niya at dinukot mula sa bulsa ang duguang subre.

Kinuha naman ito ni Zac mula sa kanya. "Magkakapareho ang subre at sulat."

"So what do you mean?" Takang tanong ni Jamaica.

"Isa nga sa atin ang killer," Tanging sagot ni Jeff na sinang ayunan din nina Zac at Kristof.

"Nasaan ang kambal?" Tanong ni Kristof.

"Nasa loob ng kwarto," Tanging sagot ni Jamaica.

Patakbong pumasok ng bahay ang mga binata.

"Jade, Jane!!" Sigaw agad ni Zac pagkapasok.

"Why the heck are you shouting?" Sigaw pabalik ni Jade.

"The care taker is also dead," Diretsang saad ni Kristof na nakasunod pala.

"What?! Nasaan siya?" Nag aalala at natatarantang sambit ni Jade.

"Jamaica saw her cold body inside the van," Sagot sa kanya ni Jeff.

"Oh fudge. What the hell is happening na ba. Bakit kasi hindi kayo nakinig sakin eh. Ang daming signs nung papunta palang tayo pero hindi kayo nakinig. Now what? Ano na ang mangyayari sa atin? We can't even get out of this freaking mansion!" Umiiyak na sigaw ni Jade. Akmang lalapit sa kanya si Zac pero umatras siya. "Don't come near me assh*le."

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now