Napagpasyahan ng magkakaibigan na sa sala nalang magpatuloy ng pag uusap.
"So wala kayong plan na kunin ang ulo ni Anna sa mini ref ko?" Maarting tanong ni Jam.
"Eh kung ikaw kaya kumuha doon?" Sabad ni Jade.
Sasabat pa sana si Jam ng biglang may pumasok sa entrada ng bahay.
"Guys, guys. I found a chopped body at the backyard of this mansion." Humihingal nga sambit ni James.
"What the heck James. You scared us." Nakahawak sa dibdib na saad ni Jane.
"What did you just said?" Tanong ni Jam.
"I saw chopped body parts at the backyard. I guess that was Anna's body parts." Humihingal na pag ulit niya sa sinabi kanina.
"Where did you saw it?" Tanong ni Zac.
"Sa backyard nga. T*nga lang?" Sagot ni Jade at inirapan siya.
Napayuko naman si Zac sa tinuran ni Jade. While Jane and Kristof stops themselves from laughing.
"Tara, puntahan natin." Saad ni Jeff at nagpatiuna sa paglalakad.
Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan. Pagkarating nila sa likod na parte ng bahay ay halos masuka sila sa nadatnan. Nagkalat ang mga putol na paa, putol na braso at ang katawan nito. Parang galit na galit ang gumawa nito sa kaibigan nila.
"Who the f*ck did this ba?!" Umiiyak na saad ni Jamaica. "Is that person really mad at her? You!" saad niya sabay duro kay Jade. "Hindi kaya ikaw ang pumatay kay Anna ha?!. Because you are mad at her right?" Galit na saad niya.
"Are you accusing me?" Nakangising saad ni Jade.
"I am not accusing you! Because I know na ikaw ang pumatay sa kanya!" Sigaw niya sa kaibigang ngisi lang ang isinagot sa kanya.
"Baka nakakalimutan mo, magkakasama tayo sa iisang kwarto. At oo galit ako sa kanya pero kayo na rin ang nagsabi diba? Mahina ako. So paano ko magagawa ang pumatay?" Kalmadong sagot ni Jade.
"And knowing Jade, mahimbing siya kung matulog. Kaya huwag na huwag mong pag bibintangan ang kakambal ko!" Sigaw ni Jane kay Jamaica.
Akmang susugurin ni Jamaica si Jade pero pumagitna ang mga kalalakihan.
"Enough Jamaica! Sumusubra kana ha!" Sigaw ulit ni Jane.
"Magugunaw na ba ang mundo? Himala Jane kinakampihan mo na ang kakambal mo," Ngising saad ni Jamaica.
"Magunaw man ang mundo o hindi kakampihan ko ang kakambal ko! Uulitin ko. Walang kahit na sino sa inyo ang pwedeng manlait o mang insulto sa kakambal ko! Ako lang!" Sigaw niya sa mismong mukha ni Jamaica dahilan para sampalin siya nito. Napapikit naman si Jane pero lumipas na ang ilang segundo ay wala paring palad na dumapo sa pisngi niya.
Pagkadilat niya ay nakita niya na hawak ni Jade ang kamay ni Jamaica. "At walang sino man ang pwedeng manakit sa kakambal ko!" Sigaw niya sa mismong mukha ni Jamaica at binalibag ang kamay nito.
"Ano ba kayong tatlo! Pwede ba tumigil na kayo! Para kayong mga bata," Iritang saad ni Kristof. "Hindi lang ang pagkamatay ni Anna ang problema natin. Isa na doon ay kung paano tayo makakalabas ng mansion na ito."
"Kaninang umaga ko pa hindi nakikita ang care taker," Mahinang sambit ni Jamaica na naluluha pa rin.
"Ilang araw palang tayo dito eh. What the heck is happening to us na. Now si Anna, bukas sino?!" Naluluhang saad ni Jane na niyakap naman ni Jade.
"Kung sino man ang may gawa nito ay paniguradong galit siya sa atin. Hindi kaya ang care taker ang may gawa nito? Naaalala niyo 'yung sinabi niya kagabi?" Sambit ni James.
"Na hanapin natin si Anna before 12mn," Dugtong ni Jeff.
"Guys pumasok muna tayo sa loob. Umaambon na eh," Zac suggested.
Hindi naman na sumagot ang mga kaibigan at nagsilakad na lang papasok ng mansyon. Pagkarating nila sa sala ay napag-usapan nila ang paglibing ng bangkay ni Anna. Habang ang kaninang ambon ay naging malakas na ulan na.
"H*ll no, hindi ako papayag. Ano 'yun uuwi tayo without Anna? Ano nalang sasabihin ng parents niya." May bahid ng galit at takot na saad ni Jamaica.
"E di sundan mo siya " Mahinang saad ni Jade pero narinig ito ni Jam kaya nagwala na naman ito.
"Ano ba ang problema mong weaksh*t ka ha!. Inaano ba kita!" Sigaw nito at akmang hahablutin si Jade pero pumagitna ang mga kaibigan nila.
"Eh ayaw mong ilibing siya eh. Anong gusto mo? Mangamoy ang katawan niyang nabubulok dito?" Walang bahid ng takot na saad ni Jade. "This is your plan right? Ayaw kasing makinig eh. Holyweek ngayon Jamaica kaya maraming hindi kaaya-ayang pangyayari."
"So why did you come?" Ngising saad nito.
"Dahil kasama iyang pasaway kong kakambal." Sagot ni Jade at tinuro si Jane na napayuko.
Nagpatuloy sila sa pag salitan ng masasamang salita ng biglang dumilim ang paligid. Kaya nagsigawan ang magkakaibigan.
"What the f*ck." Saad ni Zac at in-on ang flashlight ng phone niya.
"Ang lakas na nga ng ulan nag black out pa." Sambit ni Jeff na naka-on na rin ang flashlight.
"I'll go to the kitchen and look for candles," Sambit ni Kristof.
"Samahan na kita," Sagot ni James.
Naiwan ang ibang magkakaibigan sa sala. Sinubukan naman ni Zac na kausapin si Jade.
"Ah babe, can we talk?" Malumanay na saad nito.
"Not now Zac. Black out, baka mas lalong mandilim ang paningin ko at masapak kita." Saad nito at tumayo. "Jane dito ka lang? Sa kwarto lang ako." Saad nito ng binalingan ang kakambal.
"Sama ako Jade. Ayoko dito puro toxic nandito sa sala eh." Saad ni Jane at naglakad palapit kay Jade.
"Anak ng... I'm not toxic Jane!" Pasigaw na saad ni Jeff.
"Tinamaan," Parinig ni Zac kaya sinamaan siya ng tingin ng kaibigan.

YOU ARE READING
YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)
Mystery / ThrillerMayroong mamamatay dahil mayroong pumapatay. Pero iisa lang ang may kasiguraduhan.... WHEN YOU RECEIVE A DEATH NOTE. IT MEANS YOU'RE NEXT.