KABANATA 18

107 12 0
                                    

Tahimik lang na sinusundan ng dalaga si Jeff habang may hawak na palakol. Samantalang ang binata naman ay walang ka muwang-muwang na naglalakad habang sumisipol.

"Pesting kakahuyan naman 'to. Nakakalito, teka." Saad niya at nilibot ang paningin. "Sh*t nadaanan ko na ito ah." Saad niya at nilapitan ang kahoy na nilagyan niya ng marka. Kamot ulo naman siyang napaupo sa tabi ng kahoy.

Nakangisi namang lumapit ang dalaga sa kanya habang kinakaladkad ang palakol na hawak dahilan upang gumawa ito ng ingay.

"Oh ikaw pala—"

Hindi na natapos ni Jeff ang sasabihin niya ng hampasin siya ng dalaga ng hawakan ng palakol sa mukha dahilan para matumba siya.

"Kalalaking tao ang lampa." Saad ng dalaga at lumapit sa nakahandusay na si Jeff.

Pinipilit ni Jeff na bumangon subalit dahil sa lakas ng hampas na ginawa ng dalaga sa kanya ay parang umiikot ang mundo niya.

"Oh ilang ibon nakikita mo?" Saad ng dalaga at tumawa ng malakas. "Oppsss, ingay ko naman." Sambit niya at umarting tinakip ang isang kamay sa sariling bibig.

May kung anong kinuha ang dalaga sa kanyang bulsa dahilan para lumaki ang mga mata ni Jeff.

'Ang panyo' tanging saad ng binata sa isip.

Lumapit sa kanya ang dalaga at ibinusal ito sa kanyang bibig. Pilit na umiiling si Jeff para hindi ito magawa kaya walang sabing sinapak siya ng dalaga.

"PWEDE BA JEFF. NAKIKIPAGLARO AKO SA'YO EH. HUWAG KA NAMANG KILLJOY!" Sigaw ng dalaga at lumayo sa binata.

Bumangon ang binata mula sa pagkakahiga dahil nakabawi na siya sa hilo. Tinanggal naman nito ang busal niya sa bibig na ikinangisi ng dalaga.

"Ohh I forgot hindi ko pala natali ang mga kamay mo. Why so st*pid self." Saad ng dalaga at umarti pa.

"What do you want from me ba? At anong trip 'to?" Tanong ni Jeff sa dalaga.

"So simple Jeff, I just want to talk to you," sagot niya.

"Eh bakit kailangang may paghampas? P*ta sakit ha!" Sigaw ni Jeff sabay himas ng mukha niya. "Kapag itong kapogian ko nabawasan humanda ka sakin."

"As if naman mabubuhay kapa," agot ng dalaga dahilan para matigilan si Jeff.

"D-don't t-tell me—"

"Oh yes my dear Jeff I am the f*cking killer. Shocked?" Nakangising saad ng dalaga.

Hindi na nagdalawang isip si Jeff. Dali-dali siyang tumayo para tumakbo. Pero pagkatalikod niya sa dalaga ay hinampas siya nito sa batok gamit ang hawakan ng palakol.

"Wala pang nakakatakas sa'kin Jeff." Saad ng dalaga pagkalapit sa namimilipit sa sakit na binata.

"Ano ba ang kasalanan ko sa'yo? I have been nice to you naman 'diba?" Saad ng binata na pinipilit ang sariling tumayo.

Yumuko ang dalaga para mapantayan nito ang mukha niya. "Wala kang kasalanan? Sure ka?" Nakangising tanong sa kanya ng dalaga. "Eh ano 'yung tawag mo sa pambubuso mo sa'kin habang naliligo ako? 'Yung pagkuha mo ng videos ko habang nagbibihis ako? Hindi ba kasalanan 'yun ha Jeff?" Sigaw ng dalaga sa mismong mukha niya. Dahilan para hindi makapagsalita ang binata.

"Ano gulat ka? Akala mo yata ay wala akong kaalam-alam sa pinaggagawa mo ano? Tutal wala naman masyadong tao dito, mukhang naligaw na rin kasi si Kristof eh. Maglalaro tayo ng..." Sandali pang tumigil ang dalaga para mag isip. "Ahh, Taguan. Ganito ang mechanics, sa loob ng 30 minutes kapag hindi kita nakita ay ligtas ka pero kapag nakita kita edi...patay ka." saad ng dalaga at humalakhak. "Pero bago 'yan, akin na muna ang cellphone mo lalagyan ko ng timer." saad niya at pilit kinuha sa bulsa ng binata ang cellphone nito. Pinigilan naman siya ng binata kaya sinapak niya ito. "Kulit naman."

Nang makuha niya na ang cellphone ng binata ay in-on niya ang GPS nito. 'Asa ka naman na bubuhayin kitang gag* ka' Saad niya sa isip niya. Pagkatapos in-on ang GPS ay pumunta siya sa timer nito para ilagay doon ang 30 minutes. "Oh ayan na, pupunta ako dun sa kahoy na 'yun, tapos ikaw? Syempre magtatago ka. Naiintindihan mo ba ako Jeff?" Saad ng dalaga na ikinatango naman ng binata. Tumalikod na ang dalaga at nakangising pumunta sa kahoy. "Kung sa tingin mo ay mapapatay mo ako gamit ang kahoy na hawak mo nagkakamali ka, kaya kung ako sa iyo magtago ka na."

Nagulat naman ang binata na may hawak na kahoy, balak niya sanang ihampas ito sa dalaga para makatakas siya. "Paano mo nalaman?" Takang tanong niya.

"Because I am me," tanging sagot ng dalaga habang nakatalikod sa binata. "What are you watiting for? Hide na Jeff." Saad niya at humalakhak.

Agad namang tumakbo kahit nahihilo pa si Jeff, Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil hindi niya naman kabisado ang kakahuyan. "This is st*pid, babalikan ko nalang ang daan na dinaanan ko kanina. I have left marks naman sa mga puno." Saad niya at nagpasyang balikan ang dinaan niya kanina. Nang makarating na siya sa punong natandaan niyang iniwanan niya ng marka ay malutong siyang napamura. "What the f*ck, where are my markings? Sh*t." Napasabunot siya sa sariling buhok, he check his phone to see how many minutes left. "15 minutes." Tanging saad niya at tumakbo naman ulit. Subalit sa kamalasan ay may naapakan siyang pa-in dahilan para matalian ang kanan niyang paa at mabitay siya patiwarik. "F*ckshit!" Sigaw niya. Naalala niya ang sinabi ni Kristof na mag mouth whistle siya kaya ginawa niya. He felt relief ng may marinig siyang sagot. "Kristof, bro help!" Sigaw niya. 

Pero imbes na ang kaibigan niya ang dumating, ang dalagang may hawak na palakol ang nasa ibaba niya ngayon. "What you just heard are mocking jays, are you familiar with them? If not then let me tell you what they are." Umupo ang dalaga at nakangising tiningala siya na nakapatiwarik. 

YOU'RE NEXT | Death Note Series #3 |SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP (COMPLETED)Where stories live. Discover now