Angel
Nandito ako ngayon sa airport ng Brazil habang hinihintay ko ang oras ng aking flight dahil gusto ko nang makauwi sa bahay para makapagpahinga. Maya-maya ay napatingin na lang ako sa aking cellphone at napapikit ng mariin nang makita ko ang salitang BOSS na nakapaskil sa aking screen.
"Hello, boss? Let me guess. New mission again?" tanong ko sa aking boss na nasa kabilang linya.
"You always know that. Anyway, I already gave you his details and some information which you might be interested with." Napailing naman ako sa kanyang sinabi.
"Interested with? It looks like you are pairing me with the person I'm going to kill." Tumawa siya ng mahina sa aking sinabi at saka ibinaba ko na ang tawag.
Kasabay nun ay nag-beep ang aking cellphone tanda na dumating na ang bagong profile ng aking target. Pagtingin ko rito ay napangiti ako at agad na hinila ko ang aking trolly bag papasok sa airport upang lumipad papunta ng Spain. Kagagaling ko lamang sa isang misyon sa Brazil noong kamakailan lamang at agad akong tinawagan ng aking boss na may bago ako agad na misyon sa Madrid, Spain. Medyo may jet lag pa ako sa huli kong byahe dahil dumarami yata ang mga gumagawa ng mga kasamaan ngayon. Pagdating ko sa Madrid ay agad kong inaral ng mabuti kung saan ako pwedeng pumwesto mamaya na hindi na ako lumalapit sa aking target.
Nang makahanap ako ng isang matayog na hotel ay iyon agad ang aking pinuntahan at doon na muna nanatili ng ilang oras. Nandito ako ngayon sa aking silid at saka inaral na muna ang profile ng aking target. Ayon sa impormasyon na binigay sa akin ay isang CEO ng isang pharmaceutical company na may isang hobby na ibenta ang laman ng mga kababaihan ang aking patutumbahin. Napailing na lang ako habang binabasa ang kanyang profile dahil mukhang makikita na niya maya-maya lang si kamatayan.
Kung sino man ang humiling ng buhay ng taong ito ay marahil naging biktima ang malapit niyang kakilala sa ginagawa nitong bisyo. I really don't care though because all I need to do is to pull my trigger, and he's dead. He will be on his way to the underworld, soon. Ayon sa news ay magbibigay ng kanyang speech ang naturang CEO sa isang charity event na gaganapin ngayong gabi sa kanilang town's plaza.
Buti na lamang at dala ko ang aking Barret M82 na rifle kung saan ay pwede akong bumaril ng aking target kahit na nasa isang milya ako. Tinignan ko ang aking orasan at napansin ko na isang oras mula ngayon ay magsisimula na ang naturang event. Lininis ko na muna ang aking rifle at saka umupo sa isang pwesto kung saan ay matatamaan ko ang aking target.
Habang nagpapalipas ako ng aking oras ay nakita ko na tumatawag nanaman sa akin ang aking boss. Napaikot na lamang ang aking mga mata dahil panigurado na isa nanamang misyon ang ibabato niya sa akin. Nahilot ko ang aking sintido sabay sinagot ang kanyang tawag.
"What is it?" tanong ko.
"Go to New York after that. I'll send you the details once you're there."
Kokontra pa lang sana ako ay bigla na lamang siyang nawala sa kabilang linya. Kung minsan ay nakapapagod rin ang mag-tour sa bawat bansa para lang humabol ng mga masasamang tao. Sa inis ko ay halos ibato ko sa sofa ang aking cellphone at nakita ko sa aking orasan na isang minuto na lang bago mag-alas-otso at malapit nang magsimula ang party. Oh well, Mukhnag hindi pa ako makapagpapahinga sa lagay na ito. Inayos ko ang aking rifle at saka mabilis na sinilip ang aking target na kung saan ay paakyat na siya ng entablado.
Huminga ako ng malalim at hinanda ang aking daliri upang kalabitin ang gatilyo ng aking baril. Isang malalim na hininga ulit ang aking ginawa bago ako nagpakawala ng hangin at mabilis na kinalabit ang gatilyo ng aking baril. Pagkatapos ay nakita ko na lang na bumulagta ang lalaki sa entablado at nagtatakbukan na ang mga tao sa paligid.
Agad kong kinuha ang aking cellphone at ang aking mga gamit palabas ng aking silid. Hindi ako pwedeng manatili rito ng isa pang segundo dahil pagkatapos ng nangyari ay sigurado ako na i-t-trace nila kung saan nanggaling ang bala. Agad akong nagtakip ng itim na sumbrero upang hindi makita ang aking mukha sa CCTV at agad na binigay sa frontdesk clerk ang aking key.
Paalis na sana ako ng hotel nang marinig ko mula sa TV ang balita ng news reporter. Halos maningkit ang aking mga mata na nakatitig sa telebisyon at pinanuod ang nangyayari. Nanlamig ang aking buong katawan nang malaman ko na hindi lang pala iyong CEO ang binawian ko ng buhay kundi pati isang inosenteng sibilyan ang nadamay.
Naikuyom ko ang aking kamay sa galit sa aking sarili dahil ni minsan sa aking trabaho ay hindi ako kailanman nakapandamay ng inosenteng tao. Takot, kaba, at galit ang aking nararamdaman ngayon at hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. Ang tunog ng aking cellphone ang nagpabalik sa akin sa katotohanan.
Pagkakita ko rito ay nakita ko na tumatawag ang aking boss pero pinakatitigan ko lamang ito at ayokong sabihin sa kanya ang nangyari. Hinayaan ko na lamang ang aking cellphone na tumunog nang tumunog at dali-dali akong lumabas ng hotel sabay sumakay sa aking motorsiklo. Mabilis ko itong pinaharurot papunta sa airport upang mabilis na akong makalayo rito.
Papasok na ako sa entrada ng airport ay nakatanggap akong muli ng isang tawag sa personal kong cellphone at nakita kong tumatawag dito ang aking ama. Bago ko ito sinagot ay humugot ako ng hangin upang hindi mahalata na ako ay kinakabahan. Sinagot ko ito at agad na bumungad sa akin ang kabado at aligagang boses ng aking ama.
"Dad, s-slow down. I can't understand what you are saying." Pagpapakalma ko sa kanya.
"Your sister... I don't think she's going to make it," sabi ng aking ama habang umiiyak.
Walang salita kong binaba ang tawag at dali-dali akong kumuha ng plane ticket papunta sa Italy kung saan ay naka-confine ang aking kapatid sa hospital. I can't lose my sister, too. She's the only person who can understand me asides from my mother.
Alam ng aking kapatid ang aking trabaho dahil sa pamilya namin ay siya lang ang hindi naging assassin o agent. Sa murang edad ay agad nang nagpakita noon ang mga sintomas ng kanyang sakit. Kaya naman naging assassin ako dahil gusto kong matupad ang isa sa mga pangarap noon ng aking kambal. Iyon ay maging isang assassin na tulad ng aking mga magulang.
Ang aking ama ay isang retired agent at assassin habang ang aking ina naman ay isa ring assassin. Sa trabaho nagkakilala ang aking mga magulang kaya naman pati kami na mga anak ay dumadaloy ang dugong assassin sa amin. Ayon sa aking kambal ay sobrang cool daw ng pagiging assassin dahil bukod sa makahahawak siya ng baril ay pwede pa siyang makatulong sa ibang tao kahit papaano.
Simula nang mamatay ang aking ina noon sa isang sakit na Stage IV Leukemia, katulad ng sa hinaharap ng aking kapatid ngayon, ay pinangako namin ng aking ama na hindi namin hahayaan na mangyari sa kanya ang nangyari sa aming ina. Kaya naman sobrang spoiled siya sa amin na halos lahat ng sa tingin namin na makapagpapasaya sa kanya ay binigay namin. Sobrang bait ng aking kapatid dahil hindi man lang siya humingi sa amin ng isang bagay na gusto niya.
Ang kaso ay traydor ang kanyang sakit dahil kahit ginawa na namin ang lahat ay unti-unti siyang linalamon ng sakit na ito hanggang sa lumala ito ng lumala. Wala kaming magawa ng aking ama habang pinapanuod namin ang aking kapatid na naghihirap ng mag-isa sa kanyang sakit. Kaya naman ipinapanalangin ko na sana ay bigyan pa siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon na mabuhay.
Pagkakuha ko ng aking ticket ay dali-dali akong sumakay sa eroplano papunta sa Italy. Sa buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang manalangin nang manalangin na sana ay magkaroon pa ng isang himala. Sana ay makita ko pang buhay ang aking kapatid.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...