Angel
Abala akong nagluluto ngayon ng aming almusal pero masasabi ko na hindi ito almusal kundi pananghalian na. Kagabi kasi ay pumunta si Paris dito at may dala siyang mga alak at mga junk foods. Naisipan niya bigla na maki-sleep over dito kaya naman pinahiga ko na lamang silang dalawa ni Lucinda sa aking kwarto.
Naiwan akong mag-isa rito sa salas at sa sofa na lamang ako natulog. Nang makatulog na sila kagabi ay gising pa ang aking diwa dahil simula noong hinalikan ko si Lucifer noong gabi na nagkaroon kami ng friendly date ay hindi na niya ako muling tinawagan pa. Ayaw niya ba talaga sa akin kaya kahit hinalikan ko na siya ay wala pa rin talagang kwenta iyong ginawa ko.
Nagiging malandi na ako sa ginagawa ko at lahat na yata ng pagpapapansin ay ginawa ko na sa kanya pero hindi pa rin siya tinatablan. Mukha nga talagang wala na akong pag-asa sa kanya at kailangan ko na yatang mag-move on.
"Angeline!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Paris sa akin at nakita ko na sunog na iyong linuluto kong bacon.
Agad ko namang pinatay iyong kalan at mabilis na linipat sa plato ang mga nasunog kong bacon habang pinapaalis ang usok sa buong condo ko. Nang wala na ay napatinin ako kay Paris at tipid na napangiti sabay napailing na lang siya.
"Geez. What the hell are you doing? Kanina pa kita sinasabihan na sunog na iyong linuluto mo pero iyong mga mata mo ay tagos na tagos sa kabilang kwarto. Ang lalim naman sobra ng iniisip mo na ngayon ka lang nakasunog ng bacon. May problema ka ba?" Napailing naman ako sa kanya at sakto namang lumabas ng aking silid si Lucinda.
"What the hell is that smell?" tanong niya habang kinukusot ang kanyang mga mata.
"Well, Angeline here almost burned her own condo," sagot naman ni Paris. "Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero mukhang may problema siya na hindi niya masabi-sabi sa atin. I think she doesn't trust us anymore, Lucinda."
"What?" sabi ko at tinaasan naman ako ng kilay ni Paris.
"Oo nga friend. Dapat hindi ka nagtatago sa amin ng problema mo. Paano na lang kung biglang may mangyari sa iyo at hindi namin alam kasi nagtatago ka sa amin ng problema mo." Inikotan ko silang dalawa ng aking mga mata dahil mukhang nagkatotoo na yata ang hula ko sa kanila na pagtutulungan nila ako pagdating ng panahon.
"Come on. It's just a burnt bacon." Pag-iiwas ko sa kanila pero mukhang wala silang balak na tumigil kakukulit sa akin.
"Burnt bacon which might lead to burning your house. Now, spill." Tinaasan ako ng kilay ni Paris at tumabi naman si Lucinda sa kanya.
Wala na akong nagawa kaya naman kinuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. At dahil hindi alam ni Paris ang tungkol kay Lucifer ay kinuwento ko ulit kung paano kaming nagkakilala. Tinulungan din ako ni Lucinda na magsabi at mataman namang nakikinig si Paris. Nang matapos kong sabihin sa kanila ay nagkatinginan silang dalawa sabay linapitan ako at yinakap.
"Angeline, my brother is an asshole if he wasn't affected with that kiss if yours." Napatingin ako kay Lucinda.
"Oo nga. You are perfect. Well, wala namang perfect sa mundo pero you are almost perfect. Tignan mo ang sarili mo sa salamin kasi maganda ka naman, mabait, medyo masungit nga lang at may pagka-moody..." Kunot noo akong napatingin sa kanya. "...pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na likeable noh. Kung hindi nga lang ako babae ay liligawan kita pero kasi hindi tayo talo at kay Tristan lang ako."
"Isa pa kung talagang ayaw ka ni kuya ay hindi mo na problema iyon friend. Sinayang lang niya ang isang katulad mo at hindi ka papayag na sasaktan ka lang niya. You should show him what he missed." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Lucinda.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagtinginan silang dalawa ni Paris na may ngisi sa kanilang mga mata.
"Ipapakita mo kay kuya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo at ipapakita mo na hindi ka affected sa kiss na binigay mo sa kanya kagabi. Kaya ang mabuti pa ay magbihis ka na at may pupuntahan tayo." Hila nilang dalawa sa akin.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
Storie d'amoreWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...