Nang malaman nila ang tungkol kay Angeline—este Angel pala ay parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ni Blade. Napatingin silang muli sa mga papel na hawak nila at pinipilit na itanggi na siya ang pumatay sa kanilang ina. Na kaya siya nawawala ngayon ay dahil tinakbuhan nanaman niya ang kanyang responsibilidad sa pagpatay niya sa kanilang ina.
Napailing si Lucinda ng paulit-ulit. "No," mahinang sabi nito at napatingin sa kanya ang kuya niya at si Blade. "This...This is not real. Paano namin masasabi na lahat ng mga pinapakita mo sa amin ay puro katotohanan? Puro lang naman mga salita ito na nai-print sa papel. You have a history of blaming Angeline, and maybe this is your way of doing it. What if you have some hidden agenda that's why you are doing this? Huh?"
Nakita niyang napahilot sa kanyang sintido si Blade. "Sabihin mo sa kanya kuya na hindi totoo ang lahat ng ito. Sabihin mo na tama ako na maaaring pinagbibintangan lang nanaman ni Blade si Angeline. Kuya, please." Nagsimula nang umiyak si Lucinda habang nananatiling tahimik lamang si Lucifer.
"Lucinda..." simula ni Lucifer at agad siyang napailing sa anumang sasabihin ng kanyang kuya.
"Don't. Sa lahat ng tao ay dapat ikaw ang nakakakilala sa sarili mong nobya kuya. Hindi magagawa ito ni Angeline!" sabi niya sabay dabog ng mga papel na hawak niya sa lamesa ni Lucifer.
"Ni hindi nga rin natin siya kilala ng mabuti Lucinda. What if what we are seeing here is true? What if we really don't know who she is? What if it's true that she was the one who killed our mom? Are you still going to deny everything that is here?" medyo naiinis na tanong niya sa kanyang kapatid.
Umiyak si Lucinda at lumapit naman si Blade sa kanila sabay umupo sa upuan na nasa tabi ni Lucinda.
"Hey," pukaw niya kay Lucinda na umiiyak at binigyan niya ito ng panyo. "I know that you have been very close to her, and I understand that all you are knowing right now about her is very shocking. Kahit sino naman ay magugulat dahil ako rin mismo noong una ay hindi makapaniwala. Pero maniwala ka man sa akin o hindi ay wala akong intensyon na pagbintangan si Angeli—I mean si Angel pero nasa harapan na natin lahat ng ebidensya.
"Hindi ko alam kung ano ang pwedeng kong sabihin para maging okay ka Lucinda, para mapagaan ang loob mo pero sana matanggap mo ang katotohanan. Angel is not Angeline and maybe she has her own reasons, but whatever it maybe she will be the only one who can answer that. Hindi ko naman kayo pinipilit ni Lucifer sa kung ano'ng susunod na hakbang niyo pero oras na may desisyon na kayo ay dapat iyong tama ang inyong gagawin." Mahabang litanya ni Blade kay Lucinda at pinahid naman niya ang kanyang luha.
Sumisinok-sinok pa siya na umiiyak habang pinipilit na pinapatahan ang kanyang sarili. "Now that we know everything about her, what is your next plan kuya?"
Tahimik lamang si Lucifer pero sa loob-loob niya ay alam niyang maski siya ay ayaw niyang maniwala sa lahat ng mga nalalaman niya ngayon. Pero paano niya pa ba mae-explain iyong mga pagkakataon na nangyari noon sa kanyang Isla? Alam niya sa kanyang sarili na may tinatago ang dalaga at marahil ay ito na nga iyon pero ngayon na alam na niya ang lahat ay ano na ang susunod.
Muli niyang kinuha ang isang papel kung saan ay nandoon ang litrato ni Angel kung saan ay nakuha siya sa isa sa mga CCTV ng hotel sa Spain. Nagluluksa pa siya sa pagkawala ng kanyang ina at hindi naman niya pwedeng isawalang bahala ang pagkamatay nito. Sobra siyang nasaktan noon nang malaman niyang wala na ang kanyang ina at halos isumpa niya ang taong gumawa nito.
Ang tagal niyang hinanap ang salarin at ngayon na nahanap na niya ay ito pa ang kanyang malalaman. Paano siya makapipili sa pagitan ng kanyang ina at sa taong minahal niya ng lubos? Gusto niyang parusahan ang pumatay sa kanyang ina pero ayaw din naman niyang saktan ang taong unang nagbigay sa kanya ng pakiramdam kung paano ang magmahal.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...