Chapter 9

45 1 1
                                    

Angel

Madaling araw pa lang ay gising na ang aking diwa dahil alas-sais ang oras ng aming byahe papunta sa Isla. Mula kasi rito ay kailangan naming bumyahe ng tatlong oras para lang makapunta sa Gehenna Island. Nagtataka ako kung bakit Gehenna ang panglan ng Isla at noong sinearch ko ito sa Google ay nalaman ko na ang ibig sabihin pala nito ay Impyerno.

Nakapagtataka lang na bakit Impyerno ang ipapangalan mo sa isang Isla kung maganda naman ito at isa itong tourist destination. Sa aking kuryusidad ay mas lalo ko tuloy gustong makarating na sa nasabing Isla. Nagbasa rin ako ng ilang reports at ayon sa ibang turista ay gusto raw nila ulit ang bumalik doon at kung pwede nga lang daw ay doon na raw sila tumira.

Hinihintay ko na ngayon sina Tristan at Paris dahil sinabi nila na susunduin na lang daw nila ako rito sa condo para sabay-sabay na kaming didiretso sa pampang. Isang trolly at isang bag pack ang aking dala dahil masayadong mabigat kung dalawang trolly ang aking dadalhin. Sakto ay nakita ko na mula sa malayo ang isang pick-up truck na puti na papalit sa amin at nakita ko na iba ang driver ng sasakyan.

"Gie!" sigaw ni Paris at napatingin ako sa kanya sa bandang likuran ng sasakyan kasama si Tristan.

Binuhat naman nila Tristan ang aking mga gamit at linagay ito sa likuran ng truck kasama ng mga gamit nila. Sumakay ako sa tabi ni Paris habang si Tristan naman ay nasa passenger's seat. Doon ko lang din nalaman na Tito pala ni Tristan ang driver kaya agad naman akong nagbigay ng galang sa kanya.

"Excited na ako, Gie! Ka-chat ko iyong isang katrabaho ko na linibre ng kanyang fiancé at nalaman ko na kararating lang daw nila roon sa Isla. Sabi nila na sobrang ganda raw ng lugar na para raw silang nasa ibang siyudad," masayang paliwanag niya sa akin.

"Babe, huwag mo na munang ibuking iyong lugar sa amin dahil hindi na namin mae-enjoy oras na dumating na kami roon," sita ni Tristan sa kanya at nanahimik naman siya kaya napangiti na lamang ako.

Pagdating namin sa isang cruise ship na maghahatid sa amin ay agad na nilang kinuha ang aming mga gamit at hindi ko alam kung saan nila ito ipupunta. Buti na lamang at may isa rin akong sling bag na dala kung saan nakalagay ang mga importante kong gamit tulad ng cellphone at pera. Pagpasok namin sa cruise ship ay naiwan akong mag-isa sa mismong lobby dahil iyong dalawa kong kasama ay parang kambal tuko na hindi mapaghiwalay.

Oh well, ako nga naman kasi ang nag-request sa kanila na huwag nila akong pakikialaman. Gusto ko rin naman ang mapag-isa lalo na at may pagka-clingy si Paris oras na magsama kami. Habang naglalakad ako sa kabuuan ng ship ay napadpad ang aking mga paa sa mismong deck ng barko.

Buti na lamang at may dala akong jacket dahil medyo malamig din sa deck dahil sa hangin nito. Maraming tao ang nandito at mukhang lahat ng mga nandito ay pupunta sa naturing na Isla. Gaano kaya kalaki ang Isla na iyon na kaya niyang magpapunta ng ganito karaming tao?

Dumiretso ako sa railings ng barko at tumanaw sa malayo habang ine-enjoy ko ang katahimikan sa aking paligid at ang hangin na tumatama sa aking mukha. Feeling ko tuloy ay bumalik ako sa nakaraan at nakasakay ako sa Titanic at ako si Rose. Ang kaso ay nawala ang aking ngiti dahil naalala ko na wala nga pala akong Jack.

Napatingin ako sa kalangitan at sobrang asul ng langit na may mga ibong nagliliparan. Naisip ko na buti pa ang mga ibon ay malayang lumipad kahit saan sila magpunta. Sana ay maging ganyan ako balang araw at hindi iyong nagtatago ako dahil sa aking nakaraan. Maya-maya ay narinig ko ang aking pangalan at paglingon ko ay nakita ko sila Paris na magkaakbay.

"Gie! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap dahil nagse-serve na sila ng almusal sa dining area," sabi ni Paris kaya agad naman akong sumunod sa kanila.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon