Lucifer
Pagdating ko sa opisina ko dito sa Paris ay parang lumulutang ang aking utak ngayon at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ako masyadong nakakuha ng tulog kagabi dahil sa ginawa ni Angeline sa akin na paghalik. I was so shock to even process it in my mind that she was the one who made the first move and kissed me.
Pag-upo ko sa aking swivel chair ay napahilot ako sa aking sintido dahil hindi ako makapag-focus sa ginawa ni Angel kagabi. Sa tanang buhay ko ay wala pang nang-ahas na nanakawan ako ng halik dahil nga ayaw nilang lumapit sa akin. Aaminin ko na simula nang piliin ko ang bad side ni Lucifer ay wala akong naging nobya ni isa kahit noong nagbibinata na ako.
Between my friends and I, I am the only guy in our group who doesn't have any experience with being with a woman. Technically, anything to do with kissing, hugging, holding hands, and sex are things that I never tried before. Kahit inaasar nila ako noon ay hinahayaan ko lang dahil naisip ko na wala namang papatol sa akin at naisip ko na mas masaya ang maging mag-isa.
Pagkatapos ay makikilala ko ang isang babae na walang takot na ninawakan ako ng halik. Dapat ay nagagalit ako sa ginawa niya pero tumulala lamang ako sa kanyang ginawa at hindi man lang ako nakatulog sa kanyang ginawa. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil positibo talaga ako na wala akong gusto sa kanya kahit na ninakawan niya ako ng halik.
Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman simula nang gawin niya iyon? I really can't explain this feeling like my body is hot all over and I want to let loose. Napabuga na lamang ako ng hangin nang marinig ko na tumawag sa aking intercom ang aking sekretarya.
"Yes?"
"Sir Lucifer, your father is here, and he wants to see you." Napaayos naman ako ng aking upo at sinabi sa aking sekretarya na papasukin siya.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay inayos ko ang aking sarili sabay nagkunwari na may ginagawa sa aking laptop kahit wala naman. Pumasok ang aking ama at napakunot ang aking noo nang makita ko na hindi lang siya mag-isa kundi magkasama pa sila ng magaling kong kapatid. Biglang sumama ang aking mood kaya natigil ako sa ginagawa ko sa aking laptop at biglang napatayo.
"Hello, son," bati sa akin ng aking ama.
"What the hell are you doing with him, Dad?" tanong ko na ikinasimangot naman ng huli.
"Grabe ka naman sa akin, Lucy. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita dahil parehas tayong abala sa ating mga trabaho. Tito oh, iyong anak niyo ayaw yata akong makita," sumbong niya na parang bata at pinaningkitan ko naman siya ng aking mga mata.
"Lucifer, hayaan mo na ang kapatid mo. Nagsabay na kaming pumunta rito dahil mukhang parehas din pala kami ng destinasyon kaya naman sinama ko na lamang siya." Napatingin naman ako sa kanya at matamis naman siyang ngumiti sa akin.
Bumalik ako sa aking pagkakaupo sa aking swivel chair. "Ano'ng ginagawa mo rito, Earl? Alam ba ni Tito na nandito ka?" Tumango siya kaya alam ko na nagsisinungaling siya.
Kinuha ko ang aking cellphone at akmang id-dial na sana ang number ng Papa ni Earl nang pigilan niya ako mismo. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay na sinasabing ipaliwanag niya sa akin kung ano ang ginagawa niya rito.
"Lucy naman eh. Please huwag mo nang sabihin kay Papa na nandito ako. Tumakas lang ako kasi ayaw niya akong mag-commute ng mag-isa. Dapat nga ay matagal na akong nakabisita sa iyo rito ang kaso ay palagi niya akong pinagbabawalan dahil baka kung ano nanaman daw ang gawin ko." Napasimangot siya na parang bata.
"Hindi na ako magtataka kung iyon ang ginawa ni Tito dahil marahil ay alam niya na wala kang gagawin na maganda. Puro ka kasi kalokohan at isip bata ka pa. When are you going to grow-up, Earl?" paninita ko sa kanya at nakita ko naman na sumimangot siya sabay bumalik na umupo sa tabi ni Papa na nagpapaawa.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...