Angel
3 years later...
"Mommy, Mommy...my toy is shira na," lumalabi na sabi ni Dark sa akin habang pinapakita ang sira niyang dinosaur.
Kinuha ko naman ito sabay binuhat siya at inalo para hindi na siya umiyak pa.
"Don't worry. We'll buy another one for you soon, okay?" Tumango naman siya at hinilig ang kanyang ulo sa aking balikat habang medyo basa ang kanyang mga mata ng luha.
Habang buhat ko siya ay sakto namang pumasok sina Papa, Lucinda at Paris kasama ang isa ko pang anak na si Light. Oo. Kambal ang anak ko na lalaki katulad namin ng aking kambal din na si Angeline. Nasa lahi siguro talaga kaya nagkaroon ako ng twins na lalaki.
Pinangalanan ko silang Dark and Light dahil para sa akin ay magkasalungat na magkasalungat sila sa lahat ng bagay. Literal din na binigay ko sa kanila ang kanilang pangalan dahil parehas na parehas ito sa kanilang mga ugali. Siguro ay sila ang naging bunga ng aking pagbubuntis noon dahil naging malungkutin ako at naging masaya rin kaya nakuha tuloy nila.
Tumatakbong lumapit sa akin si Light kaya binaba ko na muna si Dark at hindi bumitaw sa akin at nanatiling nakayakap. Si Light naman ay masayang humalik sa aking pisngi at ginulo ang buhok ng nakababata niyang kapatid. Nauna lang namang nailabas si Light ng ilang minuto kaysa kay Dark pero umaasta talaga siyang kuya kay Dark.
Pareho na silang two years old pa lang pero ang daldal nila pareho at kahit Mommy pa lang ang klarong sinasabi nila ay natutuwa ako sa bilis nilang matuto. Bugnutin si Dark habang masiyahing bata naman si Light. Mahilig maki-socialize si Light at super daldal pero suplado naman itong si Dark at nagiging madaldal lang kapag nasa mood.
"Mommy, jdfjad afhajdf ahfadfdoa." Iyan ang mga sinabi ni Light na hindi ko talaga maintindihan dahil nga Mommy lang ang klarong narinig ko.
Itinuro niya naman si Dark kaya alam ko na tinatanong niya kung bakit daw nakasimangot nanaman ang kanyang kapatid.
"Nasira iyong laruan niyang dinosaur kaya wala nanaman siya sa mood." Napatingin naman si Light sa kanyang kambal at agad na tumakbo palapit sa kanyang lolo sabay may kinuha mula rito.
Nakita ko na may linabas siyang isang set ng mga dinosaur na mukhang pinabili niya at agad na binigay niya ito sa kanyang kambal. Nang makita ito ni Dark ay nagliwanag ang mukha niya at sabay na silang tumakbo papunta sa salas upang buksan ang laruan na binili ni Light. Nakangiti naman akong nakatingin sa kanilang dalawa habang sinisira na nila iyong box ng bagong laruan nila.
"Pinabili iyan ni Light noong pumunta kami ng mall." Napatingin ako kay Papa. "Alam ko na gusto ni Light ng ibang laruan pero mas inisip niya ang kanyang kapatid at iyan ang binili niya."
"Ang cute nila noh?" sabi ni Paris. "Hindi selfish si Light at talagang alagang-alaga sa kanyang kambal."
Selfless si Light pagdating sa kanyang gusto at palagi niyang inuuna ang kapakanan ng kanyang kambal kahit na bata pa lang siya. Pakiramdam ko tuloy ay magiging protective na kuya si Light kay Dark at magiging super spoiled naman siya kay Light. Napailing naman ako at nakita ko na sinamahan sila ni Paris habang tinulungan ko naman sina Lucinda at Papa na iligpit iyong mga pinamili nilang grocery.
"Friend! Siya nga pala anniversary ng Gehenna Island at pinapatanong ni Papa kung pwede ka raw makapunta sa pagdiriwang na iyon." Napatingin ako kay Papa at tumango naman siya.
"Uhm, h-hindi ko kasi alam kung pupunta ako." Napalabi naman si Lucinda.
"Sige na please. Libre naman lahat iyong gagastusin mo at saka kung gusto mo ay idala mo na rin iyong kambal para naman makita rin sila ni Papa." Napalunok ako sabay napatungo nang lapitan ako ni Lucinda. "Friend, alam ko na natatakot ka na baka makita ka ni kuya pagkatapos ng mga nangyari. Pero tatlong taon na ang nakalipas simula ng nangyari sa inyong dalawa. Sa tingin ko ay panahon na rin para ipakilala mo sila kay kuya.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...