Chapter 39

26 0 0
                                    

Angel

Nang mahanap namin ang nakatokang lamesa para sa amin ay agad na inusisa ng aking mga kaibigan ang love story ko kay Lucifer. Maski nga mga asawa nila ay mukhang interesado rin sa kwento naming dalawa ni Lucifer. Mukhang hindi nga nagluluko si Lucifer noong sabihin niya na iba ang pakikitungo niya sa kanyang mga kaibigan kaysa sa akin. Kanina kasi ay ramdam na ramdam ko ang takot nila sa kanya na hindi naman dapat dahil hindi naman talaga siya nakakatakot.

"Okay! Nag-resign ka as assassin pagkatapos ay malalaman namin na boyfriend mo si Lucifer? As in si Lucifer talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Daphne sa akin.

"Shh! Hinaan mo iyong boses mo at baka may makarinig," sita ko kay Daphne. "Lucifer doesn't know that I'm an assassin before." Napangiwi naman si Zhea at napailing naman si Kysler. "At saka isa pa ano ba iyang sinasabi niyo na parang ang samang tao naman ni Lucifer?"

"Masama?" umpisa ni Sir Xander. "He's giving us nightmares. He's like the leader of our group. Lahat kami na mga kaibigan niya ay takot sa kanya dahil isang tingin lang niya ay pakiramdam namin para kaming nagte-teleport papuntang underworld." Pinalo naman siya ni Krysta.

"Si Earl nga lang iyong tanging tao na nakakaya na utusan siya at asarin siya o kaya maging spoiled sa kanya. Kami ay hindi namin kayang gawin iyon sa kanya dahil oras na ginawa namin iyon ay para kaming masisentensyahan ng wala sa oras." Natawa naman ako sa sinabi ni Sir Kysler at nagtataka silang napatingin sa akin.

"Pero kahit gano'n ang taong iyon ay siya na yata ang pinaka-matino sa grupo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sir Keith pero napailing ako dahil pakiramdam ko ay may pagka-abnoy din iyon e.

"Okay. I disagree with all you've said so far. Hindi ko man gano'n kakilala si Lucifer ng matagal na tulad niyo ay masasabi ko na mabait siyang tao at hindi siya tulad ng mga sinasabi ninyo sa kanya. He's actually sweet, loving, and caring." Pagkasabi ko nun ay nagtawanan silang lahat at sinisita naman sila ng kanilang mga asawa.

"Don't mind them," sabi naman ni Krysta.

Napailing na lang ako dahil mukhang tama nga ang sabi sa akin ni Lucifer noon na takot sa kanya ang mga kaibigan niya dahil iba ang ugaling pinapakita niya. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil mas matagal na nilang kilala si Lucifer. Basta ako ay kung ano ang pinapakita sa akin ni Lucifer ay alam kong siya iyong taong iyon.

Nagkwentuhan pa kami mainly tungkol naman lahat kay Lucifer at kung akala ko ay ang dami ko nang alam tungkol sa kanya ay mas lalo lang nadagdagan ang impormasyon ko tungkol sa kanya. Sabi ng mga kaibigan niya ay noon ay may laro raw siya na kung tawagin ay Lucifer's dart game at ginagamit niya ito panakot sa mga kaibigan niya. Bigla naman akong natawa dahil sino'ng mag-aakala na may gano'ng side rin pala si Lucifer.

Siguro ay tatanungin ko siya tungkol dito mamaya total ay mahaba pa naman ang gabi. Maya-maya ay nagpatugtog na ang DJ ng isang slow song at lahat sila ay isa-isang nagsialisan upang sumayaw sa dance floor. Napangiti naman ako habang nakamasid sa kanila dahil ang sweet nilang lahat ngunit napawi ito nang maalala ko na hindi pa alam ni Lucifer ang tungkol sa aking buhay.

Ang mga kaibigan ko ay masaya sa piling ng kani-kanilang asawa dahil tanggap sila ng mga ito. Kung ako kaya ay matatanggap din kaya ni Lucifer ang aking pagkatao oras na malaman niya kung ano ang totoong ako? Habang nakamasid ako sa kanila ay napatingin ako sa aking harapan nang makia ko si Lucifer na nakalahad na ang kamay niya sa akin.

Agad ko naman itong tinanggap at pinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang habang ako naman ay sa kanyang leeg. Kiniskis ko ang aking ilong sa kanya at parehas pa kaming natawa ng mahina. Habang nakatingin sa kanyang mga mata ay gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat at ayaw ko nang magtago sa kanya.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon