Angel
Pagdating ko roon ay bumili ako ng ticket na papunta sa Italy at didiretso ako sa aking ama. Sa tingin ko ay kahit sa kanya man lang ay maging tapat ako dahil siya na lamang ang kakampi ko. Nang tawagin ng announcer ang aking flight ay agad akong sumakay ng eroplano.
Bago lumipad ang eroplano ay napatingin ako sa labas ng bintana at iniisip ko na sigurado akong nakauwi na ngayon si Lucinda at nabasa na niya ang aking maliit na sulat. Nakalagay doon na kailangan ko na munang lumayo at mag-isip at huwag akong hanapin dahil magiging ayos lamang ako. Kay Lucifer naman ay sinabi ko lang ang mga salitang Mahal kita at wala na akong ibang sinabi pa.
Alam ko na tinatakasan kong muli ang aking mga problema pero hindi ko ito kayang harapin sa ngayon. Nang nasa ere na ang eroplano ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na makatulog. Makalipas lamang ang ilang oras na byahe ay naramdaman ko na nag-landing na ang sinasakyan kong eroplano at agad na akong lumabas upang kunin ang aking mga gamit.
Paglabas ko ng eroplano ay agad akong kumuha ng taxi pauwi at sigurado ako oras na makita ako ni Papa ay sigurado akong matutuwa siya at magtataka. Pagdating ko sa bahay ay nagbayad ako ng aking fare at bumaba sabay binuksan ko ang gate sa aming bahay. Gumawa ito ng tunog at nakita ko ang aking ama na nakasuot ng gardening clothes kahit gabi na at napangiti naman ako nang makita ko siya.
"Hello, Papa. I'm back."
"Iha. Hindi ka man lang nagpasabi para naman sana pinaghandaan kita ng makakain mo. Kumusta ang byahe? Kumusta ang maganda kong anak? Marami ka bang pinasyalan?" sabi niya na may malawak na ngiti.
"Ayos lang ho ako Papa." Napatungo ako pero alam kong nagsisinungaling lang ako sa aking sarili. Napatingin ako sa aking ama at agad na naluha sabay napayakap na lang sa kanya na kanya namang ipinagtaka.
"Anak? Ano'ng problema?" Hindi ako sumagot at agad na napahagulgol sa aking ama. "Tahan na. Ang mabuti pa ay pumasok na muna tayo at nang makapagpahinga ka saka natin pag-uusapan kung ano ang nangyari sa iyo."
Humiwalay naman ako sa kanya at pinahid ang aking luha sabay tumango. Inakbayan niya ako papasok at pumanhik na muna ako sa taas upang makapagpahinga. Pagpasok ko sa aking kwarto ay napaupo ako sa ibabaw ng aking kama at muling naluha.
Humiga ako at agad na yinakap ang aking unan sabay doon humagulgol habang halo-halong sakit ang aking nararamdaman ngayon. Sana ay paggising ko ay hinihiling ko na panaginip lang ang lahat pero sino ba ang linuluko ko? Magsisi man ako ay huli na at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Sa kaiiyak ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at paggising ko ay umaga na. Nakarinig ako ng katok mula sa aking kwarto at narinig ko ang boses ng aking ama na nagpapaalam na papasok ng kanyang trabaho. Narinig ko ang papalayo niyang mga hakbang nang mapabangon ako at hinabol siya bago siya makalabas ng bahay.
"Papa? Pwede ho bang huwag na ho muna kayong pumasok kahit ngayon lang?" Napatungo ang aking ama sabay hinubad niya ang suot niyang sombrero at coat sabay binalik ito at tumango na akin namang tipid na ikinangiti.
Katulad ng aking hiling ay nanatili ang aking ama at sinamahan ako sa aking hiling. Inayos ko na muna ang aking mga gamit at naligo. Pagbaba ko ay yinaya ako ni Papa na mag-movie marathon kami na akin namang pinayagan at saka tumabi ako sa kanya. Ilang oras din kaming nag-movie marathon at kahit papaano ay naalis ang aking pag-aalala at lungkot kahit saglit lang.
Sa sobrang pagkawili namin sa pagmo-movie marathon ay hindi namin namamalayan na gabi na pala. Pinatay na muna ni Papa ang TV at sinabi ko na magluluto na muna ako ng ulam namin para makakain na. Akmang tatayo na sana ako ay pinigilan ako ni Papa at bumalik ako sa aking pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...