Angel
Mabilis na lumipas ang isang buwan at isang buwan na rin kami ni Lucifer na magnobyo at magnobya. Sa totoo lang ay akala ko talaga wala na akong pag-asa sa kanya pero sino'ng mag-aakala na magiging kami rin pala sa huli. Sa isang buwan na naging kami ay ang dami ko pang natuklasan na ugali niya.
Una ay medyo OC pala siya dahil mas malinis pa siya kaysa sa akin. Hindi naman na iyong kataka-taka dahil sa pagdadala niya pa lang sa kanyang sarili ay sobrang presentable na niya. Pangalawa ay hindi siya palasalita kapag maraming tao pero kapag kaming dalawa na lang ay super daldal niya na halos lahat ng nangyayari sa kanya ay kinukwento niya. Pangatlo ay super PDA siya dahil kahit nasaan yata kami ay ang hilig niyang manghalik, mangyakap, at makipag-holding hands.
Sabi nga nina Tito at Lucinda ay ngayon lang nila nalaman ang ganitong side ni Lucifer kaya maski sila ay nagugulat. Minsan nga ay para na siyang tuko na nakadikit sa akin dahil parang mawawala ako kapag magkasama kami. Naiinis na nga sina Lucinda at Paris sa akin dahil hindi ko man lang daw sila bigyan ng time na dalawa at palagi na lang daw kay Lucifer lahat ng oras ko.
"Friend! Birthday ngayon ng boyfriend ni Paris at magpapa-party daw siya sa bahay nila. Invited tayong dalawa mamaya kaya samahan mo akong maghanap ng damit ko mamaya." Napangiwi ako sa kanya at agad niya akong pinaningkitan ng kanyang mga mata. "Argh! Please don't tell me that you have a thing with kuya again?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Sorry?" Inirapan niya ako at naglakad palayo. "Lucinda sorry na. It's our one month being in a relationship, so we decided that we are going to celebrate it later. Pwede bang mag-pass na muna ako? Hahabol na lang ako sa party mamaya."
Nagpa-cute pa ako para lang maawa siya sa akin pero mukhang hindi na ito effective. "Whatever. Just go with kuya later." Ramdam ko na nagtatampo siya sa akin kaya naman tumabi ako sa kanya sa kama na umupo.
"Lucinda alam ko naman na wala na akong time sa inyo ni Paris at kahit nga si Paris ay alam kong nagtatampo na sa akin. Pero kasi nagkataon kasi na naitapat sa monthsary namin ni Lucifer. Kapag ikaw na-in love ay hindi mo rin ba ice-celebrate ang pagiging isang buwan niyo? Alam mo naman kung ano'ng pinagdaanan namin ni Lucifer 'di ba? I know I'm being selfish right now, but I promise that I would make it up to you guys." Hindi pa rin siya umiimik. "How about the three of us go out next weekend? Walang boys at tayong tatlo lang?"
"Really?" Napatingin siya sa akin at napangiti naman ako. "Seriously? Walang Lucifer, walang Tristan or whomever guy is that? Tayong tatlo lang?" Tumango ako at unti-unti na siyang ngumiti. "Fine. Sa pagkakataong ito ay tuparin mo ang promise mo dahil kapag hindi mo pa kami sinipot ay talagang magtatampo na ako sa iyo."
"I promise. Pinky swear?" Linahad ko ang aking hinliliit at agad niya rin namang pinagsalikop ang hinliliit niya sa akin.
Nang gabi rin lang na iyon ay mag-isa lang na pumunta ni Lucinda sa party ni Tristan at ako naman ay hinihintay ko na lang ang go signal sa akin ni Lucifer. Susunduin niya kasi ako ngayon at surprise raw ang date naming dalawa. Makalipas lamang ng ilang minuto na umalis si Lucinda ay sakto namang nag-text si Lucifer na papunta na raw siya rito.
Bumaba na ako para hintayin na lang siya at ilang minuto pa ay kita ko na ang kanyang sasakyan. Agad siyang bumaba ng kanyang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya pabalik para sumakay. Pagkalagay ko ng aking seatbelt ay agad na sumalubong sa akin ang kanyang mga labi na akin namang malugod na tinanggap.
Dahan-dahan ko naman siyang tinulak dahil baka mamaya ay kung saan pa mapunta ang paghahalikan namin. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na may mga pagkakataon na muntik nang may mangyari sa amin. Tuwing nangyayari iyon ay naaalala ko na lang iyong mga sinabi sa akin noon ni Lucinda at hanggat kaya kong iwasan ay ako na ang pumapatay ng apoy.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...