Chapter 24

30 0 0
                                    

Angel

Pagdating ko sa aking condo ay agad akong pumasok at naabutan ko sina Paris at Lucinda na masayang nagkwekwentuhan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pakiramdam ko ay napaparanoid lang ako sa aking naiisip. Meron kasi akong pakiramdam na baka hindi sila magkasundong dalawa dahil magkaibang-iba ang kanilang pag-uugali.

"Sorry, naubusan kasi ako ng stock kaya kailangan kong bumili agad sa pinakamalapit na store riyan sa baba," sabi ko sabay inayos ko ang aking mga pinamili.

Maya-maya ay lumapit na silang dalawa sa akin at sinimulan naman akong tulungan ni Paris na iayos ang aking mga pinamili.

"Ano'ng pwede kong maitulong friend?" tanong ni Lucinda.

"Uhm, wala naman na since kunti lang naman ito. Did you fix your things?" Parang nahihiya siyang humindi pero imbes na magsabi siya sa akin ng totoo ay nagawa niyang magsinungaling sa akin.

"Yeah, I did."

"She's going to sleep here?" tanong naman ni Paris at tumango naman ako. "Ahhh... Oo. Alam mo kasi itong si Gie ay ayaw na ayaw niya sa mga makakalat at mga burara. Kaya nga pangisahan lang iyong kinuha niyang condo kasi gusto niyang mapag-isa."

"Gano'n ba?" sagot naman ni Lucinda. "Okay lang kasi at least nandito naman na ako at isa pa pumayag naman siya na dumito ako. Malungkot din naman kasi kung palagi siyang mag-isa rito at wala siyang kausap."

"Hmmm. Oo nakakalungkot nga kaya nga palagi akong pumupunta rito noon para may makausap siya. Umaalis din ako agad kasi alam ko na ayaw na ayaw ni Gie na naiistorbo siya." Napangiti naman si Lucinda at inikot ko na lang ang aking mga mata.

"Guys, please stop chit chatting and just help me with cooking. Ano'ng oras na at malapit na ang tanghalian oh." Turo ko sa orasan at napatingin naman silang dalawa roon.

Agad naman silang tumalima at napailing na lang ako sa pasaringan nilang dalawa. I knew that they would not get along together. Makulit at super clingy si Paris sa akin which ayaw na ayaw kong ginagawa niya pero nevertheless kaibigan ko pa rin siya.

Si Lucinda naman ay madaldal at palakaibigan at gustong-gusto ko na rinerespeto niya ang privacy ko. Ang kaso oras na pagsamahin mo ang dalawang ito sa iisang kwarto ay alam kong magkakaroon agad ng World War III dahil sa parehas din silang magaling at ma-pride. Meron silang practice na 'akin lang ito, akin lang iyan.'

Meron silang, 'Ako lang ang pinakamaganda at pinakamagaling.' Sila iyong klase ng tao na pakiramdam nila ay nasa kanila na ang lahat at wala dapat silang kakompetensya. Palibhasa ay parehas na nanggaling sa mayaman na pamilya at parehas pang spoiled kaya ayan. Kulang na lang ay magsabong na silang dalawa.

Nang matapos akong tulungan ni Paris sa pagluluto ay nanatili lamang na nakaupo si Lucinda habang nanunuod ng tv. Ang kagandahan lang kay Paris ay marunong siya sa gawaing bahay habang kagaligtaran naman siya ni Lucinda na burara at makalat. Pakiramdam ko tuloy ay imbes na magkakaroon ako ng alone time ko ay sigurado akong bubulabugin nila akong dalawa.

"Lucinda, let's eat," tawag ko sa kanya at agad naman siyang pumunta sa kusina.

Nang makita niya ang aming kakainin ay bigla kong naalala na hindi pala siya sanay sa mga ganitong pagkain.

"Ang bango naman niyan. Ano'ng pangalan ng ulam na ito?" tanong niya na parang batang ngayon lang nakakita ng sinigang na bangus.

May mga ganito sa Paris dahil may mga ingredients naman sila na tulad ng sa 'Pinas. Although hindi parehas ang lasa ay at least kahit papaano ay masarap at pwede pa rin naman itong kainin.

"This is just fish with some spices. Hindi ka pa ba nakakatikim ng ganito?" tanong ni Paris at nakita ko namang nag-iba ang ekspresyon ni Lucinda.

"Nakatikim na syempre pero sinasabi ko lang naman na mukhang masarap iyong ulam dahil si friend ang nagluto," mataray niya namang sagot at umupo na sa hapag kainan.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon