Special Chapter 2

49 1 0
                                    

Angel

"Daddy! Mommy!" kararating lang ni Light galing sa school at agad na humalik sa aking pisngi at nagmano naman siya kay Lucifer.

"Where is Dark?" tanong ni Lucifer.

Umiwas ng tingin si Light at napakamot sa kanyang noo. Kapag ganyan ang asta niya ay alam kong magsisinungaling siya sa kanyang isasagot kaya naman inunahan ko siya. Napatingin naman siya ng diretso sa kanyang ama at hinintay ko naman ito.

"Dad? Magagalit ka ba sa akin kapag sinabi ko na nagbabalak na sumali si Dark sa OA?" Nagkatinginan kami ni Lucifer at agad namang napakunot ang aking asawa.

"Where is he right now?" kunot-noong tanong ni Lucifer.

"May hiring daw po kasi ng assassin ngayon kaya pumunta siya roon kanina lang. Pinigilan ko naman po siya Dad pero ayaw niya pong magpapigil e." Napahilot sa kanyang sintido si Lucifer at agad na kinuha ang kanyang cellphone sabay may tinawagan.

Tumabi naman sa akin si Light na parang natatakot at agad ko naman siyang hinaplos sa kanyang likuran. Ang bilis ng araw dahil akalain mong labing-walong taong gulang na sila. Habang tumatagal ay nagiging tama nga ang ipinangalan ko sa kanila dahil si Dark ay mas nagiging katulad ko.

Gusto niyang humawak ng baril at mas matapang na siya kaysa kay Light. Dati ay si Light noon ang hindi iyakin pero sino'ng mag-aakala na si Light pa pala ang matatakutin sa dugo kaysa kay Dark. Maya-maya ay nang matapos na matawagan ni Lucifer ang kung sinuman ay bigla siyang tumayo at kinuha ang coat niya.

"Let's go. We'll fly to Italy right now and get your brother." Nagkatinginan kaming dalawa ni Light at sumunod na lang sa kanya.

Sumakay kami sa private airplane ni Lucifer at agad na lumipad kami papuntang Italy. Saglit lang naman ang byahe kaya agad kaming nakarating doon. Nagpadiretso kami sa mismong OA at nakasunod lang naman kami kay Lucifer na alam kong nagagalit na sa desisyon ng kanyang anak. Nang makapasok kami sa entrada ng OA ay agad kong hinawakan si Lucifer sa kanyang braso.

"Hey. Don't be so hard on him, okay?" Hindi siya umimik kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Kuya! You told Mom and Dad?" Agad na bungad sa amin ni Dark habang palabas siya at parang masama ang loob niya sa kanyang kuya.

"Don't talk to your brother like that Dark. Kung hindi niya pa sinabi sa amin ay hindi pa pala namin malalaman na sasali ka na sa organisasyong ito. Ang sabi ko sa iyo ay huwag kang tatapak dito 'di ba? Ano ba ang mahirap intindihin doon?" tanong ni Lucifer na nagagalit na kay Dark.

"But Dad, I just want to be like Mom. To be cool."

"You are just going to risk your life here. Uuwi na tayo at hindi ka na ulit tatapak dito."

"No, Dad. You are so unfair! Bakit si Mommy pinayagan mo noon na bumalik dito tapos ako hindi? Kung tutuusin nga ay dapat nakakulong si Mommy kung hindi mo lang tinuloy ang kaso noon sa kanya 'di ba? Natatakot ka ba na maging katulad niya ako?" Napasinghap na lang ako nang biglang sampalin ni Lucifer si Dark.

"Lucifer." Pigil ko sa kanya.

"I care for you because you are our son. Hindi mo alam kung ano'ng klaseng pagsisisi ang ginawa ko noon at kung ano ang takot na pinagdaanan ko noon para sa Mommy ninyo. Habang buhay ko iyong dadalhin at ayaw kong mangyari ulit iyon sa inyo." Tumalikod na si Lucifer at naglakad palayo kasabay ni Light na nakasunod sa kanya.

Agad ko namang yinakap si Dark na umiiyak at pinatahan. "Mommy, I'm so sorry." Ngumiti naman ako at hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Your Dad is just concerned for you. I agree with him because I don't want you to go to the path that I took. You are still young, Dark. Look at me." Utos ko at agad naman niya itong ginawa. "Let's make a deal, okay? Kapag natapos ka na sa pag-aaral ay gusto mo pa ring maging assassin tulad ko ay susuportahan kita pero ngayon ay pwede bang pagbigyan mo na muna si Daddy?

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon