Chapter 33

31 0 0
                                    

Angel

Maaga akong nagising upang magluto ng aming almusal dahil may hang over pa si Lucinda sa birthday party na dinalohan niya kagabi. Hindi ko na alam kung ano'ng oras siyang nakauwi dahil paggising ko kaninang madaling araw upang magbanyo ay nakita ko na siyang tulog sa kanyang kama na hindi man lang nagpapalit ng kanyang damit. Agad kong sinalang ang kawali at nagpainit ako ng loaf bread sa oven toaster.

Nang medyo mainit na ang kawali ay nagprito ako ng dalawang itlog, bacon, at hotdog. Habang naluluto ang bacon ay nagpainit na rin ako ng tubig dahil mahilig uminom ng kape sa umaga si Lucinda. Binuksan ko na rin ang radyo at sakto namang pinapatugtog ang kanta ni Ed Sheeran sa radyo na 'Shivers.'

Nang maluto ang bacon ay napapasayaw ako sa kanta ni Ed Sheeran. Habang linalagay ko ito sa pinggan ay sakto namang uminit iyong tubig kaya pinatay ko na ang kalan. Pagkatapos ay linagay ko na rin ang tinapay nang itaas na ito ng oven toaster at linagay itong muli sa pinggan.

Pagkatapos ay nang nasa chorus na ang kanta ay nagsasasayaw ako at umikot-ikot sa kusina na para akong nasa disco. Nagtatatalon ako at napapapikit sa tugtog ng musika nang bigla akong mapatigil nang biglang may tumikhim at nakita kong nakatayo sa pintuan si Lucinda na may mapang-asar na ngiti sa akin. Natawa na lang ako at napapailing na lumapit sa akin si Lucinda sabay nakisabay sa akin na sumayaw kaya para tuloy kaming mga tanga na sumasayaw sa loob ng aking condo.

Nang mapagod kami ay sabay na kaming kumain ng aming almusal. Habang kumakain kami ay napansin ni Lucinda bigla ang pagiging masiyahin ko na akin namang ikinangiti.

"There's something new about you." Binigyan niya ako ng naghihinalang tingin at napailing naman ako na parang wala akong alam. "Oh. My. God. Did you already have s*x with kuya?"

Natawa naman ako at sinubo ko ang huling piraso ng hotdog sabay tumayo at linagay ang aking plato sa sink sabay umiling na natatawa. Sinundan naman ako ni Lucinda at pumasok ako sa kwarto namin para magsipilyo ay pinigilan niya akong pumasok hanggat wala akong sinasabing sagot sa kanya.

"What?" tanong ko na natatawa.

"Saan niyo ginawa? Dito? Sa bahay niya?" Napailing ako at inalis ko ang kamay niyang nakaharang sa pintuan at talagang sumunod siya sa akin sa loob. "Alam mo na hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung may nangyari sa inyo o hindi. Gusto mo bang tanungin ko pa siya oras na hindi ka sumagot?"

Natatawa ako sa pangbl-blackmail niya sa akin. "Walang nangyari sa amin, okay?"

Hindi siya naniniwala sa akin at nagsimula na akong nagsipilyo. "So? Kung walang nangyari sa inyo ay bakit kung parang umakto ka ay parang may nangyari nga sa inyo?" Nag-isip siya at parang may napagtanto. "You didn't go all the way last night, but you tasted each other, didn't you?"

Nagmumog ako saka muling napaharap sa kanya. "Nope, but close." Lumabas ako ng banyo at kinuha ko ang aking towel para maligo.

Nanatili siyang nakasunod sa akin at aaminin ko na ang sarap asarin ni Lucinda. Lahat na yata ng guess ay sinabi na niya pero hindi ko siya sinasagot at tanging pagtawa lang ang aking sagot sa kanya. Akmang papasok na ako sa banyo ay hinarap ko na lang siya.

"Walang nangyari sa amin pero sabihin na natin na ginawa namin kagabi pero indirect lang." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya at pumasok na ako sa banyo at naiwan naman siyang napapapisip.

"Wha— That's so unfair!" rinig kong sigaw niya sa labas at natawa na lang ako bago ako nagsimulang maligo.

Nang matapos akong maligo ay siya na ang sumunod at nagmamadali siya na akin namang ipinagtaka. Hindi niya na rin ako kinulit tungkol sa aming dalawa ni Lucifer at hindi ko na lamang ito pinaalala. Nang matapos siyang maligo ay mabilis siyang nagbihis at habang nagbibihis siya ay napansin ko na parang may marka siya sa bandang leeg niya. Nang tignan ko ito ay agad niya itong iniwas sa akin at agad naman akong napasinghap sa kanya.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon