Angel
Pagdating ko sa pool party na nasa pinakatuktok ng kanilang bahay ay agad na hinanap ng aking mga mata si Lucinda. Ang bumungad sa akin ay ang mga tao rito na parang nakahithit sila ng drugs o kung ano. They are all just lying on the ground and saying gibberish stuff.
Nang makita ko si Lucinda na nakahiga sa gilid ng pool ay agad ko siyang linapitan at pagtingin ko sa kanya ay kung anu-ano ang kanyang sinasabi. Nakita ko na hindi lang siya ang gano'n kundi pati na rin karamahin ng nandito ay gano'n ang inaakto. Agad akong nagtawag ng security at pinatawag si Tito Luther. Mabilis naman siyang nakapunta rito at binuhat naman namin si Lucinda sa kanyang kwarto.
"Ano'ng nangyari iha?" tanong sa akin ni Tito Luther at agad ko namang pinaliwanag ang nangyari kanina lamang.
Napataas ang aking kilay nang magbukas ang pinto at nakita kong linuwa nito si Blade. Nagtaka naman ako kung ano ang ginagawa niya rito gayong ang sabi ni Lucinda na lumipad na siya sa Mexico ngayong gabi lang. Agad siyang nakipagkamay kay Tito Luther at Lucifer at binigyan naman niya ako ng tango.
"What happened to her?" tanong ni Blade kay Tito Luther.
"I really don't know. Angeline was the one who saw her lying on the side of the pool. She said that there's something wrong with her, and everyone that is on the party tonight," paliwanag nit Tito Luther.
Napatingin naman sa akin si Blade sabay naglabas ng maliit na flashlight at binuka ang mga mata ni Lucinda na abalang natutulog. Pagkatapos nun ay napayuko si Blade at napahinga ng malalim sabay tumayo at humarap kay Tito Luther.
"She's been given a kind of drug. Her eyes are dilated that's the reason why she's acting weird." Nakita kong gulat na napatingin si Tito Luther kay Lucinda at agad na dinaluhan ang kanyang anak. "Someone gave her a drug."
Napatingin naman siya sa akin kaya hindi ko alam kung may ibig sabihin ba iyon.
"Why are you looking at me like that?" takang tanong ko.
"Well, you were the only one who saw her on that state." Agad ko siyang tinitigan ng masama.
"Wait. Pinagbibintangan mo ba na ako ang nagbigay sa kanya ng kung anumang drug iyon?" Huminga ng malalim si Blade at naglakad palapit sa akin.
"You are the only one sober here at the moment. Everyone is a suspect here right now." Akmang sasagot ako nang pumasok si Lucifer sa pinto.
"She's with me the whole time, Blade. She got nothing to do with this." Napatingin naman sa akin si Lucifer at balik kay Blade. "I left her just a while ago because she said she was about to go home."
"Hmmm."
"You are actually pointing your finger to me Sir Blade." Napatingin silang dalawa sa akin. "You are a policeman, right? I think before you accuse me, why don't you find the evidence first?"
"And if I was right?" tanong niya. Linapitan ko siya na halos isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa.
"Then let's continue that sparring, so I can make some sense on that brain of yours. Akala ko pa naman ikaw ang pinaka-magaling na pulis tulad ng sabi ni Lucinda pero mukhang mali lang siya ng akala." Napangisi naman siya sa akin.
"I'll check on the other people," sabi niya sabay napatingin kay Lucifer at tumango kay Tito Luther para magpaalam.
Bago siya naglakad paalis ay muli siyang napatingin sa akin at mataray ko siyang tinaasan ng aking kilay. Nang makalabas siya ay hindi ko maiwasan ang umirap sa hangin dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako sa kanila Lucifer at maang silang nakatingin sa akin kaya agad naman akong humingi ng pasensya dahil sa aking inakto.
BINABASA MO ANG
The Double Life of Angel Nebrez (Completed)
RomanceWarning SPG R-18 During one of the missions of Angel Nebrez, she accidentally killed an innocent civilian. At the same time, she learns that her sister also gave up fighting for her life. She was scared and at the same time she is in pain, so she de...