Chapter 48

31 0 0
                                    

Angel

Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos ng aking ama dahil maaga ang punta namin sa korte. Alas-otso ang hearing ko kaya naman pagtingin ko sa labas ng aming bintana ay nakita ko na ang isang police car na maghahatid sa amin papunta roon. Nang makita kong tapos na ang aking ama na magpalit ay sakto namang dumating si Blade at agad akong napangiti sa kanya ng tipid.

"Ready?" tanong niya at tumango naman ako. "Okay. Tara na sa baba para maaga tayong makarating sa korte at hindi tayo ma-traffic."

Lumabas na nga kami at agad na sumakay sa police car na nakatoka sa amin. Habang nasa daan ay taimtim akong nagdarasal na sana ay magkaroon ng isang himala. Alam ko na wala akong karapatan para humingi ng patawad sa itaas pero sana ay magkaroon alang-alang lamang sa aking sinapupunan.

Ayaw ko rin namang lumaki siya sa loob ng kulungan o kahit maipanganak man lang siya roon ay ayaw ko rin. Ayokong sabihin sa kanya oras na malaki na siya na nabuo siya dahil sa aking pagsisinungaling at naipanganak siya ng dahil sa aking kasalanan. Pagkatapos kong magdasal ay nakita kong nakarating na nga kami at nakita ko na halos walang tao.

Masaya ako na kahit papaano ay hindi ito nailabas sa medya dahil sigurado ako na pupunta sila rito para makiusyoso. Pagbaba ko ng kotse ay hindi na ako pinusasan ni Blade dahil alam naman niyang hindi na ako tatakbo. Pagtingin ko sa orasan ay alas-siete y medya pa lamang at marami pang minuto bago magsimula ang hearing.

Pumasok na kami sa loob ng korte at napasinghap ako nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo kasama ni Tito Luther. Kilalang-kilala ko ang kanyang likuran dahil kahit malayo pa lang siya ay alam ko ng si Lucifer siya. Nang magsara ang pinto sa korte ay slow motion na napalingon siya sa akin at nakita ko na agad na tumuon ang kanyang mga mata sa akin.

Gustong-gusto kong umiwas pero hindi ko alam kung bakit nakuha ko pa ang makipagtitigan sa kanya. Napaiwas na lamang ako ng tingin nang tawagin ni Blade ang aking atensyon at sinabing kailangan ko nang umupo dahil wala pa ang judge. Magsisimula kami oras na pumatak na ang alas-otso.

Marami na rin ang mga tao at unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga jury na siyang magdedesisyon kung guilty ba ako o hindi. Huminga ako ng malalim nang bigla na lamang akong naramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Agad akong napahawak sa kamay ng aking ama at agad naman niya akong binigyan ng tubig.

Anak pakiusap ko kahit ngayon lang. Alam ko na excited kang malaman ng ama mo na nag-e-exist ka pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya.

"Ayos ka lang, Angel?" Tumango ako.

"I need to go to the bathroom." Mabilis na tumango naman ang aking ama at agad na nagpaalam naman siya kay Blade kaya sinamahan niya akong tumayo papunta ng banyo.

Pagdating namin ng banyo ay agad akong dumiretso sa isa sa mga cubicle at doon nagsuka. Nagpa-check-up naman ako sa aking doctor at sinabi niya na medyo maselan akong magbuntis kaya kailangan ay hindi ako mapagod o ma-stress. Ang masaktan ng sobra ay nakaka-stress kaya sana sa araw na ito ay huwag na sanang madagdagan pa ang aking stress.

Pagkatapos kong dumuwal ay nagmumog ako ng aking bibig at agad na lumabas kung saan ay hinihintay ako ng aking ama. Uminom ako ng tubig at mabilis kaming bumalik sa loob dahil malapit nang magsimula ang hearing. Pagpasok nga namin ay nandoon na ang judge at kami na lamang ang hinihintay.

Pinatayo kaming lahat ng Bailiff at may mga sinabi siya sabay pinaupo kaming muli. Pagkaupo ko ay napatingin ako sa aking kanan at nakita kong nakatitig sa akin si Lucifer na may pagtataka. Agad naman akong umiwas dahil ayokong makahalata siya na nagdadalang tao ako.

"Good morning, ladies and gentlemen. Calling the case of Lucifer Salazar versus Angel Nebrez. Are both sides ready?" simula ng judge sa amin.

Marami silang pinagsasabi sa una na hindi ko maintindihan hanggang sa nauna nang tumayo ang Attorney ni Lucifer at humarap sa mga jury. Napahawak naman ang aking kamay sa aking ama at hinihiling na sana ay matapos na ito agad. Sinabi ng Attorney na charged daw ako ng murder at agad naman akong napapikit tuwing naririnig ko ang salitang iyon. Hindi ko naman sinasadyang pinatay ang ina ni Lucifer at hindi iyon ang intensyon kong gawin.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon