Chapter 6

51 0 0
                                    

Angel

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock kaya naman agad kong tinakpan ng unan ang aking tenga dahil naiirita ako sa malakas na tunog nito. Dumaing ako na tumingin sa aking alarm clock at sa inis ko ay ibinato ko ito at tumama ito sa aking pinto. Sakto namang pumasok naman ang aking ama sa aking kwarto at napatingin siya sa kawawang orasan na sira-sira na nasa sahig. Napaupo ako agad at nagkibit-balikat na tumingin sa kanya.

"That is not the way I'm expecting you to wake-up," sabi niya na medyo mahina pero sakto lang para marinig ko sabay lumapit sa aking kama at umupo sa gilid nito.

"Good morning, Dad."

"Good morning, child. How was your sleep?" tanong niya sabay hinalikan ako sa aking noo.

"Ayos lang naman pero naistorbo ako ng orasan ko kaya hindi ko maiwasan na ibato ito. I'm sorry," hinging paumanhin ko at natawa naman ng mahina ang aking ama.

"It's okay. Marami pa naman tayong alarm clock diyan sa store na pwede mo ulit sirain ng paulit-ulit." Nagtawanan na kaming dalawa sa sinabi niya. "By the way, happy birthday. Do you have any plans today?"

"Hmmm. I was actually thinking that I could get you out for the whole day today?" Ngumiti naman ang aking ama sabay tumango na aking ikinatango.

Lumabas na siya ng aking kwarto at sinabi niya na maghahanda lang daw siya para raw makalabas na kami agad. Agad na rin akong bumangon sa aking kama at dumiretso sa aking banyo upang maligo. Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto na naglalagay ng hikaw sa aking tenga.

Sakto namang nakita ko ang aking ama na nakatayo sa harapan ng salaman habang tinatali ang kanyang necktie. Natawa naman ako dahil hindi maayos ang pagkakatali niya sa kanyang tie kaya ako na ang nag-alok na tulungan siya.

"Thank you dear. Naalala ko tuloy ang kapatid mo dahil siya rin ang palaging nagtatali ng aking tie. I could never get it right." Napangiti naman ako at sakto namang natapos ko nang itali ang kanyang tie.

Nang handa na kami ay sabay na kaming lumabas ng aming bahay at sumakay sa kanyang kotse. Pagkalagay ko ng aking seatbelt ay umandar na ang sasakyan ng aking ama at tinanong niya kung saan kami pwedeng pumunta. Isa lang naman ang hilig naming puntahan kahit noong mga bata pa lang kami ng aking kambal noon.

Iyon ang isang lugar na palagi naming ipinagdiriwang ang aming kaarawan dahil hilig ito ng aking ina noon. Pagdating namin sa nasabing kainan ay agad akong lumabas sa kotse ng aking ama at masayang napatingin dito bago ako pumasok sa nasabing gusali. Sinundan ko ang aking ama na pumila sa loob ng McDonald's at sinabi niya sa akin na maghanap na raw ako ng mauupuan.

Nang makahanap ako ng magandang pwesto ay ilinibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng lugar at napangiti ako na karamihan ng mga nandito ay puro pamilya. Meron din namang mga solo flight na pumunta rito at marahil ay nagpapalipas sila ng kanilang oras dito. Nang medyo ma-bored ako ay ilinabas ko ang aking cellphone upang maglaro ng games dito. Habang naglalaro ay may biglang umupo sa upuan na nasa aking tapat kaya ang akala ko ay ang aking ina ito.

"Ang bilis mo naman, Dad. Ano'ng inorder mo?" tanong ko na hindi nakatingin sa taong nasa aking harapan.

"I'm surprised that you can't even recognize your own Dad without looking at him." Agad na napaangat ang aking tingin at gano'n na lamang ang aking gulat nang makita ko si Dominus sa aking harapan ngayon.

"D-Dominus..."

"Nice to meet you again, Snow Lynx." Nairita ako sa pagtawag niya sa akin ng ganon kaya naman hindi ko maiwasan ang ikotan siya ng aking mga mata.

"Don't call me that anymore. I'm not working as Snow Lynx anymore," iritadong kong sita sa kanya. Napangiti lang siya sa akin at hindi man lang pinansin na medyo naiinis ako sa kanya.

The Double Life of Angel Nebrez (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon